Tag Archives: Laguna BelAir

Memory Miyerkules Village Shop

Sa second floor ng Village Shop sa Laguna BelAir lang meron computer shop. At sa oras na 1540H, kung kelan lalabas na ang mga estudyante, tiyak na mapupuno na naman yun.

Second year High School din ako noon. Parating kaming may runner dahil may runner din ang mga First year. Kung sinong runner ang mauuna sa netshop, sila ang makakapagpa-reservce ng mga PC at sila ang makakapaglaro ng Counter Strike sa hapon na yun.

Wala pa atang Counter Strike nun. Diablo pa nga lang ata ang sikat.

Pero ewan ko ba, hindi ako ang runner ng klase namin. Atsaka dahil nga girlfriend ko noon si Super Ex, wala rin sa isip ko ang makipag-unahan sa computer shop para maglaro ng PC.

Diablo? Parang mas gugustuhin ko pa makasama si Super Ex kesa makipaglaban sa mga demonyo.

Ganun ata talaga noong panahon ng High School namin. Unahan sa Computer Shop para makapag PC lang.

Samantalang ngayon, bawat kanto ng kalsada may computer shop na. Kahit sa Boracay, meron Computer Shop.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

Memory Miyerkules Chamba lang daw

Math Quiz bee. 4th year HS.

Sa second floor ng clubhouse ng Laguna BelAir village ginaganap ang quiz bee. Isa ako sa mga contestants. Andaming nanunuod sa amin at nasa mga suluk-sulok sila ng hall.

Nasa bandang kanan ang utol ko na si Choy at ang kanyang tropa.

Hindi naman multiple choice ang questions. Sa level 1 lang ata yun ganun. Pagdating sa intermediate at difficult round, todo computation na ang mga tanong at mali ang sagot mo pag mali ang units.

Well, ang mga kalaban ko e mas bata sa akin.

Ni-release na ng game master ang pangatlong tanong sa difficult round. Sa tally ng scores, ka-tie ko ang isa pang contestant sa leading place. Pero hindi ako kinakabahan dahil difficult round na ito. Wala siyang masasagot sa mga tanong dito.

Bawal magsulat sa handy board pag hindi pa sinasabi ang salitang GO. Pero pwede na magcompute gamit ang scratch paper.

Compute for the area, yan ang tanong habang naka-project sa big screen ang rhombus na given ang isang side at ang base. Nag-compute sa kani-kanilang mga scratch paper ang mga kalaban ko, habang ako naman e nakatulala lang.

Nakangiti pa ako.

Nang sabihin ang salitang GO, sinulat ko ang sagot ko sa handy board ko. Hindi na kailangan ng computation.

Lumingon ako sa mga tropa ni Choy. Nagbulungan sila pero nabasa ko pa rin ang bukambibig nila (“nanghuhula lang si Pepi”).

90 seconds ang ibingay para sa contestants para mag-compute. Hindi ko kailangang ng 90 seconds.

Timer stops. Raise your boards please.

Itinaas ko ang aking board at nakasulat ang aking sagot.

16 units squared.

“Only Pepi got it right.” ang pag-announce ng game master.

Nagulat ang lahat lalo na ang tropa ni Choy.

Nang makita ko ang handy board ng dapat ko na ka-tie na contestant, 16 units. Hahaha, nakalimutan niya na squared dapat ang units.

Personalan: Bat promking ang pangalan mo?

Everytime nagpapakilala ako sa mga EB, tinatanong talaga ng mga tao kung bakit “promking” ang ginagamit ko na screen name sa mga laro. Well, ano pa ba ang isasagot ko, kundi yung totoo lang.

Noong high school ako sa Laguna BelAir School, naging king of the night ako hindi lang noong 4th year ako, kundi pati na rin noong 3rd year ako. Bali, 2 straight years ako incumbent promking. Hindi ko rin alam kung bakit.

Nung nagsimula akong maglaro ng online games, mga high school classmate ko ang naging mga kalaro ko. Kaya naman kahit College na kami nun, para pa rin kaming mga high school sa pakikipag asaran sa isa’t isa. Syempre, para ibalik ang alaala ng high school, ang pinaka achievement na pagiging promking na ang ginamit ko na pangalan. Tutal, hanggang dun lang naman ang kaya ko. Kahit na nananalo ako sa ibang mga quiz bee, yung pagiging promking for 2 years lang ang aking pinaka unique achievement.

Sabi nga ng iba, stop living in the past daw. Hindi daw forever ang pagiging high school. Wala na rin ako karapatan maging promking ngayon kasi hindi naman ako ganun ka good looking. Pero para sa akin, sayang ang pangalan.

Ngayon nga, naglalaro ang kapatid ko ng Rohan Online. KilluaZordic ang screen name niya. Silva server siya. Tuwing nagpa-pilot ako sa character niya, parang gusto ko bumalik sa paglalaro. Gusto ko ma-control ulit si promking. Gusto ko, gusto ko..

Sana magkaroon ng mga pagkakataon para sa ganoon.