Napadaan lang kami, wala talaga kaming plano na mag wakeboarding dahil hindi naman kami marunong. Isa pa, wala rin kaming budget.
Pero dumaan na rin kami, sayang ang biyahe e. Galing na lang din kami ng Batangas at sa Tagaytay kami dumaan pauwi kaya on the way naman ang Nuvali Wake Park.
Actually, ang tunay na pangalan ng lugar ay Repub1c Wakepark. Hindi siya madaling puntahan dahil wala namang public transpo na bumabyahe papunta don. Bawal ang tricycle. Hindi ko rin alam kung may mga shuttle papunta doon.

Nuvali Wake Park Laguna
Puro may kaya ang pumupunta. Hindi kasi pang mahirap ang sport. 250 pesos ang isang oras doon. Pipila ka pa at sa tantya ko, makaka 4 runs ka lang. Para sa akin, mas sulit pa rin ang surfing. Ang kaso lang, malayo talaga ang mga surf spots habang ang Nuvali Wakepark ay humigit kumulang isang oras lang from Manila.
Ang pinaka-magandang araw na pumunta dito e tuwing weekdays, school hours. Yung bang wala pang mga estudyante at mga masisipag na nagta-trabaho na pupunta. Para ma-solo ninyo yung lugar.
Bawal magpasok ng pagkain, pero kagaya sa Enchanted Kingdom, pwede ka pumunta sa parking lot at dun kumain ng baon ninyo. Pwede ka rin naman umorder na lang sa loob dahil may restaurant naman dun.
Kung wala kang sariling wakeboard, vest, at helmet, meron din na nagpapa-rent. Di ko lang sure kung magkano, pero 250 pesos din ata.
Also, may lugar para sa mga beginners. Tuturuan ka nila kung pano sumakay sa wakeboard. Yung mga experienced naman, nakapila sa lagoon. Tip lang ha, meron dun mga naka bikini na foreigners. In short, may mga seksi. Sight seeing mode nga yung pinaka-manyak kong tropa e.
Kung gusto ninyo subukan, sabihan ninyo ako para masamahan ko kayo. Basta ililibre ninyo ako!