Tag Archives: Lasalle

Valentines 2014 Tip Number 1 – Something Sweet

Para sa mga nanliligaw pa lang, o yung mga nag-iisip ng pansalubong sa minamahal ngayong Valentines month, I suggest something sweet. Samahan mo na rin ng something thoughtful.

 

Romes Patisserie

Romes Patisserie salamat kay Ruel Umali para sa pic.

Naka-discover ako ng isang mahusay na pastry shop. Sa may University Mall katabi ng Lasalle, doon makikita ang shop ni Rome Miranda; ang Rome’s Patisserie. Ang specialty niya, Revel Bar.

Revel Bar – 2 layers of oatmeal cookie dough filled with a rich chocolate walnut fudge in the center. Pwedeng 8 slices (100 pesos), 16 slices (170), or 32 slices (320).

Alam mo yung bawat kagat mo sa pagkain, napapahinto ka. Parang nai-inlove ka ng paulit-ulit. Minsan makakalimutan mo yung pangalan mo. Pagkatapos mo nguyain at lunukin, kakagat ka ulit. Paulit-ulit mong lalasapin ang sarap. At pag naubos na, hahanap-hanapin mo pa.

Hindi pag-ibig ang pinag-uusapan natin dito kundi ang Revel Bar.

Meron ding cream cheese brownies, walnut brownies, food for the gods, at ang ORIGINAL BROOKIES.

Kung traditional ka naman, pwede na ang cupcakes. Kung may budget; meron ding Blueberry Cheesecake at Red Velvet Cheesecake.

2nd Floor University Mall
Vito Cruz, Taft Avenue, Manila
0906-410 3969
romulus.miranda@yahoo.com

DLSU@100 The Centennial Year Ender

It has been a great 100th year, at bukas, isang malupit na ending ang magaganap.

Actually, mas malupit daw yung opening, pero ok na rin to dahil hindi ako naka-attend nun. Pambawi lang kay St. Lasalle, I will attend the year ender bukas.

Para nga pala sa hindi nakakaalam, ako po ay lasalista. ID 103 po ako. Hindi halata noh?!

lasalle 100

 

Eto ang schedule para sa June 16, 2012 Centennial Year Ender.

  • 7:00 am – assembly at DLSU Taft campus in front of Velsaco Building for the motorcade going to DLSU Science and Technology Complex (DLSU-STC) at Laguna
  • 7:30 am — start of short program beginning with a short message from President and Chancellor of DLSU, Br. Narciso Erguiza, FSC.
  • 8:00 am –depart for DLSU-STC
  • 9:00 am – arrival at DLSU-STC

Ang balita daw, magpapalit na ng pangalan ang De La Salle Canlubang. Hindi ko alam ang bagong pangalan. Bukas, promise aalamin ko. Itu-tweet ko yun kaagad kaya i-follow ninyo ako sa Twitter @pepideleon.

So pano? mabilisang announcement lang naman to. Post ako ng pictures bukas sa Facebook kaya dun na lang ninyo tignan ha. Add mo ko sa Facebook!

we wanted it more

DLSU vs San Beda. Elite 8. PCCL. San Juan Arena.

Pano na to? Nasa strong side natin ang dambuhalang si Sudan Daniel. Sinubukan na ni Ferdinand mag spot at na block ang tira niya. Nag aerial rave na rin si Maui Villanueva pero hindi rin nagtagumpay, shot block pa rin ni Daniel.

Nakay Elorde ang bola. Nakadikit sa kanya ang bantay niya. Six seconds remaining sa shot clock. Walang oras to setup another play.

Puso lang ang pwede nating ipanlaban. Puso lang.

Nagdrive si Elopre. No choice. Kailangan banggain ang Afro-American na si Daniel.

Hindi gagana ang stop and pop. Hindi rin gagana ang aerial rave. Hindi ka si Macmac para mag tear drop; hindi mo specialty yun.

Inihagis ni Elorde ang bloa. Mataas, muntik nang tutumama sa board. Buti na lang hindi.

Natumba si Elorde, pero hindi naman dangerous ang pagkabagsak. Bahala na si Batman.

Puso lang ang inihain niya. Wala nang iba.

Pumasok ang bola. Naghiyawan ang Lasalle crowd.

After another hour, Lasalle posted the biggest upset of this Collegiate Basketball year. San Beda which was at 18-0 bowed down to a more determined yet injury-filled De La Salle.

And yes, we wanted it more.