Tag Archives: leg

Run United 1 2011

Ang hirap maghanap ng parking. ahaha. Dumating ako 2 minutes before gun start ng 10k. Pero siyempre, hanap pa ko ng parking. Nakapwesto naman si Pilot ng maayos malapit dun sa starting line.

Eto ang pangalawang takbo ko for this year. 2/3 na ako sa task 7 ng TO DO LIST. ahahaha!

So nagsuot ako ng sapatos, lakad papuntang starting line. Pumutok na ang baril, nagtakbuhan na ang mga tao. Nagkabit pa ko ng DTAG (First time ko gumamit ng ganun). At nag stretching. 4 minutes na ang nakakalipas, saka lang ako dumaan sa sensors.

So takbo, pacing. Hanap ng mage-energize. Wala, pacing. Hanap ulit. Wala pa rin. Iba pacing ng mga chiks sa pacing ko. Nakakainis.

Meron ata ako sinabayan pero 1.5kms lang. Nag-iba kasi pacing niya e. So iniwanan ko na.

Natapos ko nga ang karera, wala man lang akong chicks. Frustrating. Hehe. Meron sana kaso hindi ko na kinausap. May pasok kasi ako ng 9am. Maliligo pa ako sa office.

Eto na lang nga proof ng pagtakbo ko:

Onti na lang, sub-60 na. Pero sa susunod na practice run, extend ko ang running time ng 20 minutes pa. Para ganahan.

Hanggang sa susunod na takbo. Teka, Next WEEK na yun. RAT RACE. Zonta Girls. Sure ako maraming sophisticated na chicks dun.

Run United 2011 RunRio Leg1

Ito ang aking pangalawang running event for the yeear 2011. Hindi ko sure kung makakatakbo ako dahil meron pa akong injured right knee tendon. Masakit siya sobra. Bawat paghakbang ko ay parang parusa sa mga kasalanan ko sa sanlibutan.

Pero kapag naging ok na ang tuhod ko, kahit kulang ako sa practice runs, itatakbo ko pa rin to. Para saan pa at tinawag akong kampeon. Puso at determinasyon lang ang gagamitin ko.

Sulit ang run na ito. 10k ang tatakbuhin ko. Php600 ang presyo. Yung race kit, andaming freebies. Paborito ko sa freebies yung ascorbic acid; pampalakas ng resistensya.

First run ko rin ito na may DTag. Ginagamit ang DTag para madaling malaman ang official race time mo. Umaasenso na ang running community e. Dati kasi, barcode lang.

First run ko rin ito na 10k. Sana matapos ko.

Kapag hindi ko ito natakbuhan, medyo madi-delay ang pagtapos ko sa aking Task # 7 sa aking TO DO LIST. So dapat, magawan ko siya ng paraan.

Eto nga pala ang details ng run. Kita kits sa Finish Line.

Gwoza Unilab Run United 1
March 6, 2011
Fort Bonifacio Global City
500m / 5K / 10K / 21K

Eto Singlet: