Tag Archives: Lego

Si Ultraman At Ang 3-Month Rule.

.

Maywhite-man-face-pro-silhouette-488620

Kelan matatapos 3 month rule mo?    
.    

.

white-woman-face-pro-silhouette-488620Hi sorr nakatulog ako
Anung 3 month rule?!
.
Di ba kaka break mo lang ng december?white-man-face-pro-silhouette-488620
Sabi ni john lloyd, 3 month rule daw.
.
white-woman-face-pro-silhouette-488620
 Oo alam ko un hahaha. Bakit mo ko tinatanong nyan?
Naka 2 months na.
.
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Hoy. Ano yan? Kinakabahan ako sa tanong mo
.

white-man-face-pro-silhouette-488620Hala siya.

Bat ka naman kakabahan?
.
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Wala haha. O game na bakit mo tinatanong
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
Wala naman.
May caller kasi kanina sa wanted sweetheart.
Kaka break lang daw niya              
.             
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Siraulo haha
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
Hindi pumayag yun DJ, kasi nga, baka rebound lang.
.
white-woman-face-pro-silhouette-488620

Di na uso un

.

white-man-face-pro-silhouette-488620

So ayun. Naisip kita.

.

white-woman-face-pro-silhouette-488620
 Hahaha at si dj talaga ang di pumayag ha
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
1am na. Di ka pa ba matutulog?
.
white-woman-face-pro-silhouette-488620
 Upakan ko kaya ung dj na un nakakainit ng ulo. Sya tlga nagdecide para dun 😒
Di pa 🙂
white-woman-face-pro-silhouette-488620

Mga 2

.

white-man-face-pro-silhouette-488620
Sagrado ang 3 month rule
Dapat sundin.  
.          
white-woman-face-pro-silhouette-488620
 Haha kaloka. Sagrado? Pinablessan ba yun?
Nsa tao un kung magccling sya sa 3 month rule.
So pag sinabing kakabreak mo lng kailangan mong  
              magpakalugmok ng 3 months bago maging okay at maka
              appreciate ulit ng iba?
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
Oo
.
white-woman-face-pro-silhouette-488620
 Okay
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
Naglaro ka ba ng lego nun bata ka?
.
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Yep
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
ano paborito mo buuin sa lego?
.
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Y?
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
Ako kasi, robot..
Minsan, bahay.             
Minsan naman, spaceship, or dinosaurs.  
.            
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Haha dinosaurs?!?? Keri un?
Alam ko boat ata akin non
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
Basta may leeg, nguso, buntot at apat na paa.
Bukod sa boat, ano pa trip mo buuin?  
.           
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Hahaha sa lego?
Monster hahaha
O kaya gagawa ako ng garden
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
Monster? Na kalaban ni ultraman!
.
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Haha diko kaya un mahirap lng kami kokonti lng lego namin. Hahaha
.
 
white-man-face-pro-silhouette-488620
Gusto ko yun, may ultraman din ako dati. Siya ang nakikipaglaban sa lego dinosaur.    
.        
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Monster kasi puro kagat ng ngipin ung lego
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
Ahaha. Monster nga ata yun.
May question ako…  
.           
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Puro laruan lng ng mcdo toys ko hahaha wala akong ultraman pero favortie ko si ultraman dati
Anu un
              Serious na ba yan?
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
Medyo.
.
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Okay. Go
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
Pagbubuo ka ng garden gamit ang lego, pero lahat ng lego mo, buo pa as monster. Ano una mo gagawin?
.
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Ilalaban ko muna ung monster para mawasak saka ko pde ng gawing garden
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
Ang galing. Alam mo pala sagot.
.
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Baliw. Haha syempre sayang pagbuo mo ng monster
.
 
white-man-face-pro-silhouette-488620
Siguro nga, hindi mo need ng 3 months para sirain yung monster mo na lego.    
.       
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Wtf anu ba yan nakakaloka ka
Labo 
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
Gets mo ba gusto ko sabihin?
.
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Push. Go lng
No hahaha
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
Malayo kasi itsura ng monster at ng garden.
Para mabuo mo yung garden… Need mo sirain yung monster mo.  
.            
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Connected ba yan sa 3 month rule na sinasabi mo?
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
Need mo tanggalin sa pagkakabit, minsan need mo ng ultraman para tulungan ka.
.            
white-man-face-pro-silhouette-488620
Dpat, individually disjointed and disconnected
ang bawat lego piece.
Para maiplano mo ng maayos yung garden mo.        
.      
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Yun na nga. Kaya nga kung dumating na si ultraman para irescue ka, papaalisin mo pa ba sya? At pababalikin mo ng after 3 months para lng tulungan ka na bumuo ng garden??
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
Kasi, kung hindi mo kakalasin ng maayos yung lego mo, baka magmukhang monster yung garden mo.             
Aba. Magpapatulong ka pa ke ultraman para bumuo ng garden.
.
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Syempre. Kaya nga sya si ultraman diba?
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
Tatanong ko ke ultraman ha.
.
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Go sbhn mo skn sagot ni ultraman
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
Tsaka ipapa-google ko sa kanya. Marunong mag google si ultraman.
.
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Mukha nga. Makakapag rescue ba sya kung di sya marunong mag google
.
white-man-face-pro-silhouette-488620
O siya,siya.
Magtatrabaho na si ultraman.
Matulog ka na.      
.       
white-woman-face-pro-silhouette-488620
Hahaha okay ultraman 🙂 mga 2 pa.
.

.

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Good morning ultraman 😜

Memory Miyerkules S2: Disaster

born April 16, 1990.

May kapatid ba kayo na mas bata sa inyo? Hindi naman sobrang kulit, pero yung sobrang curious sa composition ng mga bagay at sa detalye ng mga gamit? Ganyan kasi yung mas bata kong kapatid.

Pero mas malaki siya sakin. Promise. Mas mabigat pa.

Mukha nga akong bunso sa pamilya e.

Isang araw ng bakasyon, ako ay grade 1 ata noon at siya naman ay 4 years old, naglalaro ako ng LEGO at gumagawa ako ng robot. Idol ko kasi noon ang Maskman at Bioman. May mga robot sila na malalaki at gusto ko rin ng ganoon.

Pero dahil mga 1 foot tall lang din ang dinosaur ko na laruan, kasinlaki lang din ng kalaban dapat ang robot ko. May standard size kasi ang mga ganyan. Ayon sa napapanuod ko, hindi pwedeng mas malaki ang kalaban kesa sa bida. Hindi rin pwede na overpowering naman ang bida kumpara sa mga pinapalaki ni Oke-Rampa na mga halimaw. Dapat sakto lang.

Sabi kasi yun ng Toei.

So ayan na, mabubuo ko na ang robot ko. Marami rin kulay ang robot kagaya ng napapanood ko noon sa ABC-5 or IBC 13. Hindi ko na sure kung anong channel. Ahahaha.

Ang kaso, umalis lang ako sandali para umihi sa CR. Hobby ng bawat tao na umihi sa CR. Hobby ng bawat bata na umihi sa salawal, kaya hanggang ngayon e mataas pa rin ang sales ng mga diapers.

Sabay naman sa pagsalisi ng aking nakababatang kapatid na ang pangalan ay Choy. Yun ang nickname niya dahil hindi siya payat sa majority ng buhay niya. Lately na lang siya nagpaka-slim.

Sinimulan niya ang wrecking squad. Di ko alam kung dahil yun sa mga kulay na ayaw niyang nakikita na magkadikit o feeling lang niya e pagkain ang LEGO at alam niya na hindi kasya sa bibig niya ang 1 foot tall na robot.

Basta pagbalik ko, back to start ako sa pagbuo ng robot, kasabay ng tugtog ng opening theme ng Maskman.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking

 

Memory Miyerkules Sulok ng Salas

Bahay sa Sta.Mesa, mga anim na taon pa lang ata ako noon.

Kasama kong naglalaro ang bunso naming kapatid na si Choy. Lego ata ang binubuo namin. Mahilig akong bumuo ng robot na inilalaban ko sa kung anumang binuo ng kapatid ko.

Basta yung akin, robot. Yung kanya, mukhang manok na elepante. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang binubuo niya sa lego.

Pabilisan kami makabuo. Kadalasan, ako ang nauuna at susugurin ko kagad ang ginagawa niya kahit hindi pa buo ang kanyang manok. Syempre, pag ganun ang laban, panalo ako.

Isang umaga, nang mabuo ko na ang ginagawa kong robot, napalingon ako kung nasan dapat ang kapatid ko. Wala siya doon, at wala pa rin siyang nabubuo na kahit na ano.

Feeling ko, panalo na ako sa round na yun. Pero dahil mabait akong kapatid, nag-alala ako … San kaya nagtatago yun?

Hinanap ko siya, sa taas, sa kusina (madalas siya sa kusina), sa CR, sa ilalim ng lamesa, wala siya kahit saan.

Nang mabalik ako sa salas, may naamoy akong kakaiba. Sinundan ko ang amoy.

Natagpuan ko ang kapatid ko na nakaupo sa sulok ng salas. Mas lumalakas ang amoy habang papalapit ako sa kanya.

Pagtingin ko sa kanya, umi-ire pa rin siya.

Takbo na ako at hinanap ko si Ate Star, ang yaya ni Choy.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.