Tag Archives: Libro

Book Review: Lumayo Ka Nga Sa Akin

Lumayo Ka Nga Sa Akin
by Bob Ong
Lumayo Ka Nga Sa Akin

Lumayo Ka Nga Sa Akin

Ito ang pinakabagong libro ni Bob Ong. Ni-release niya noong pinagbuntis ni Sta. Ana si Maria sa taong 2011.

Trilogy, tatlong kwento sa iisang libro. Ang unang kwento¬†ay may pamagat na “Lumayo Ka Nga Sa Akin”. Pangalawa naman ang “Shake, Shaker, Shakest” na horor ang dating. At ang last part ng story ay drama na pinamagatang “Asawa ni Marie”.

May humor insert ang bawat kwento. Pero parang nagsawa ako sa mga humor inserts at napurga ako dahil wala talagang istorya. As in dull.

Walang kwenta ang story dahil ganun naman talaga ang kwento ng mga pelikula natin, gasgas na.

Ano Ang Gusto Niya Sabihin

Ganun talaga pag nagbabasa ka ng Bob Ong na libro. Hindi mo magi-gets ang gustong iparating sayo ng author pagkababang pagkababa mo ng libro. Hindi mo alam kung bakit mo binasa ang libro kahit tapos mo na basahin ang huling pahina nito.

Ako nga, kailangan ko pang makipag-kwentuhan sa isa kong ka-opisina para malaman ko na dull ang libro at ganun yun na mismo ang lesson. Wala nang story na kailangan mong paikutin pa.

Style Of Writing

Playwright style ang ginamit ng idolo ko sa pagsulat ng libro na ito. Pwede mo nga siya gawing play kung wala ka nang maisip na bago at kinulang ka sa creative juice. Hindi ko sasabihin na wala kang creativity kung gagawin mo ngang play ang libro na ito, ang sinasabi ko lang, hindi mo na dapat pa siyang gawin na pang-teatro.

Kung gaano ka-dull ang pelikulang Pilipino, ganun naman ka-dynamic ang pagsusulat ng libro ni Bob Ong. Hindi lang puro narratives ang kaya niyang gawin. Kaya rin pala niya magsulat na parang isang theatrical play.

Naghahanap nga ako ng iambic pentameters pero wala akong nakuha. Baka yun ang susunod na project ni Bob Ong.

Favorite Line

“Bata, kanya-kanya tayo ng paglalakbay. Wag kang magpakarga, katamaran yan.”

Kung hihiramin mo sa akin ang libro, mag-comment ka sa baba. Ipipila kita sa mga nanghihiram sa akin.

Book Review: Kapitan Sino

Kakabili ko lang ng librong KAPITAN SINO noong Biyernes. At sa araw rin na iyon, natapos ko ang libro. Gaya ng ibang mga libro ni Bob Ong. Easy-read lang din ang Kapitan Sino. Taliwas sa sinasabi ng website ng kaniyang publisher; hindi ko naman kinailangang ng 27 yr old or above na reading coach para maintindihan ang storya. Siguro kailangan ko yung coach para sa ibang detalye, pero hindi naman puro detalye ang libro.

What I like about the Book:

  1. The cover. Ang cover na disenyo daw ni Klaro de Asis. Kung sino man siya, parang stockholder siya ng silverworks o ng unisilver dahil sa kintab ng libro. Gusto ko ang disenyo dahil nangingibabaw ang pagka-metallic niya kung itatabi mo sa ibang mga libro. At hindi ko alam kung dapat ko ba talagang gupitin yung nakausling parte ng cover. Akala ko bookmark.
  2. Powerbooks. Dun ko nabili ang libro. Powerbooks sa greenbelt. Maaga akong umalis sa bahay para makadaan dun at hindi ma-late sa work. Isang lapit ko lang sa tindero (o tindera ata siya. di ko sure). Alam na niya na Kapitan Sino ang bibilhin ko. Pawis ko pa lang, amoy Kapitan Sino na. At nagtsismisan pa sila ng isa pang tindera nung ginamit ko credit card ko sa pagbayad. Wala ata silang mga credit card at wala rin atang balak na magkaroon.
  3. Ang Atake sa Lipunan. Sakto ang mga patama ng May Akda sa mga tao. Basahin mo na lang kung gusto mo malaman kung anu-ano ang mga iyon.

Mensahe ng Libro.

Sa unang tingin, akala ko, hinihikayat tayo ng libro na maging Superhero sa ating bayan. Ang gawin ang mga kaya natin para ayusin ang problema sa lipunan. Yun naman ata talaga ang paksa ng libro: Si Rogelio na isang taga-ayos ng mga sira-sira appliance, at si Kapitan Sino na taga-ayos ng mga sira-sirang bagay sa lipunan. Yun lang ang naiisip ko na mensahe ng libro para sa akin, sa oras na basahin ko ang huling mga talaga sa libro.

Pero parang hindi. Matapos ang ilang oras na pagmumuni-muni, at ilang pagtulog at pananaginip sa kung sinu-sino, parang hindi yun ang gusto ko gawin.

Parang ayoko ng Superhero.

Dahil kung ang mga taong umaasa sa iba, walang patutunguhan na maganda. Habambuhay kang aasa. At kung wala na ang pader na sinasandalan, maghahanap ka ng ibang poste na makukublihan. Hindi ganun ang kailangan ng ating lipunan. Hindi isang Superhero ang hinanahanap ng sambayanang Pilipino.

Itatanong mo sa akin kung ano?

Basahin mo ang libro.

Kapitan Sino

Kapitan Sino

** Bob Ong – Kampeon ng Pagkwento.