Nabanggit ko na to dati sa viral blogpost ko. Uulitin ko lang at palalawakin, tutal hindi na naman sila nanalo sa semis laban sa Team SS. Ako na ang magiging matapang na epal sa FlipTop na magsasabi na:
“Si Loonie naman, although magaling pag mag-isa, hindi mo masasabing pang 2 on 2 talaga siya.”Handa ako sa criticisms, at sigurado ako na handa rin ang idol ninyo na sina Abra at Lonee (as pronounced by Shehyee and Smuglazz) sa mga critics. Ok lang ako na murahin, gusto ko lang sana, mag-comment ang karamihan sa mga makakabasa.
Eto ay base lang sa mga laban sa 2-on-2. Kung magko-comment kayo na based sa mga 1-on-1 nila, wala kayo sa tamang lugar.
Simulan na natin ang mga patutsada.
- http://iowabookgal.com/wp-content/uploads/wp_live_chat/abruzi.php Finish Your Partner’s Rhymes. Maraming chance sa Team Loonie-Abra na dinasal o inasahan ko na dapat si Loonie ang tumapos ng rhyme. Para na rin mag-gel ang tandem nila. Pero HINDI ITO nangyari. Kung meron man, mga finishing bars lang.
- http://boscrowan.co.uk/category/news/ Better Transition Between Verses. Kung mapapansin mo sa mga battles ng Schizo at Team SS, sila ang may pinakamagagandang transitions. Nagagawa lang ito pag hindi solid ang lahat ng linya. Pag buo kasi yung 4 bars mo, mahirap gumawa ng transition para sa kasunod na set of bars.
- Playing Roles. Hindi kagaya ng ibang teams, hindi nakapag play ng tamang roles sina Loonie at Abra. Maganda yung mix ng speed rap ni Crazymix sa talinhaga ni Bassilyo. Astig yung hashtag style ng Abakadaz. Malakas yung tandem ng aggressive style at speed rap with punch lines ng Team SS. Pinakamalupit naman ang Swag at battle bars mix ng Schizo. Hindi ganun kalupit ang mix ng dalawang superstars sa Team LA dahil magsasapawan talaga.
- Stage Presence. Nasabi ko na to dati pero uulitin ko lang. Kung mapapansin mo, ang movements ng Team LA ay step forward, step back lang. Hindi sila nagpapalit ng pwesto o pumupunta sa likod ng isa para maging obvious kung sino ang “main man” at “wing man” sa isang round/set. Ang pinakamagandang pseudo-sample nito e yung bumitaw si Juan Lazy ng MEMO PLUS Gold na line. Sa encounter na yun, si Harlem lang ang nasa picture at nasa likod lang si Juan Lazy. Maganda tuloy ang kinalabasan.
- In-Battle Communication. Importante to! Hindi ko lang nakita masyado sa Team LA. Nag-aantayan kasi sila at medyo delayed ang pagsalo pag nag-mini choke ang kakampi. Sobrang kumpyansa at tiwala kasi sila sa kakampi na para bang wala nang karapatan magkamali. Yung mini-choke ni Abra sa round 3 nung laban nila sa Team SS, pwede sana saluhin ni Loonie yun pero hindi nangyari. Dito lumamang ang Team SS, may line na nakalimutan si Shehyee sa round 2 nun, buti na lang sinalo ni Smugg (“matic na yan”).
- Weight of Rebuttals. Malaki ang points na nakukuha ng mga malulupit na rebuttals. Minsan nga, ito na ang nagpapanalo sa round mo basta may magandang rebuttals ka. Sa daming lines ng bawat team, makakakuha for sure ng rebuttals na malulupit, may 3 minutes ka para maghanda para mabitawan ng maayos yung rebuttals mo. Wala akong narinig na malupit na rebuttals ng Team LA.
- Usage Of Time Allotment. Team LA lang ang pumalpak sa buong Dos por Dos tournament sa paggamit ng oras. Meron silang 6-minute round nung laban kina Bassilyo. Resulta ito ng masyadong maraming bars na dala na hindi na divide ng tama sa tatlong rounds. Oo nga at panalo sila nun pero nagamit na solid line yun against sa kanila nun semis.
- SOLID Closing Lines. Dapat yung final lines sa 3-minute round ang pinakamalupit, kaso lang, malalakas yung mga linya ng Team LA pero wala kang mapipili na para ilagay sa last line. Kung hindi naman, wala silang swag level na kayang pagandahin ang closing line kahit ka-level lang ito ng bars sa body ng round. Pinakamaganda na yung “salamat kay Smuglazz” na line. Para sa akin, Schizo ang may pinakamagaling na delivery pagdating sa closing lines.
Kung mapapansin mo, ang mga points na binigay ko ay hindi lang para sa Team LA. Para rin ito sa bawat tandem na nangarap na mag-champion at makuha ang 150k sa FlipTop Dos Por Dos. Review notes na ninyo to.
Yung mga mas totoo at mas kapani-paniwalang reivew notes, hanapin ninyo sa FB account ni BLKD at ng FlipTop Observer.
Sabihin na natin na nagmamarunong lang ako, at wala akong karapatan na mag-comment ng ganito dahil hindi naman ako battle rapper. Pero wala namang ibang matapang diyan na gagawa nito kaya ako na lang.
Basta yung P150,000 sa finals, 400 pesos dun ay galing sa akin. Tanong mo pa yan kay Alaric.
Kung wala kang ambag, wala kang karapatan mag-comment.