Tag Archives: LOVE

Casaje – Barrientos Wedding

DSC04062Last night was the night our dearest cousin, Ma. Jasmin Casaje together with her now husband, Arvin Barrientos, have been waiting for. Everything was perfectly prepared by its organizers. All the guests need to do is how to witness the event. All the couple need to worry about is how to say “I do”.

From the church parking space to the reception’s flow of events; everything is ready. The priest would be very kind enough to give out some special pictures that i know the cameramen would love to capture. The master of ceremonies would give out instructions that participants just need to follow.

The food was great, the videos of what has transpired were excellent. I can describe the event overall in 3 words;  Napaka, sobra, walang tatalo (was that 4 words?)

checkout the pictures here.

Book Review: New Moon

Twilight02 – New Moon

by Stephenie Meyer

When I have heard that the second book on the Twilight Saga will hit the big screen this November of 2009, I wanted to do what other people usually do; and that is to read the book first. Good thing a copy of the book is available from a friend, so I started reading the minute I get a hold of it.

The fans of Edward Cullen are correct to say that the book is boring at the middle part of it. If you so love the “bloodsucker”, then it really is boring for you. I know for sure that it would not be boring for me since I am not reading it for the sake of being with Edward Cullen.

The Plot:

Just like any other recently sprouted relationships, there would be misunderstandings and miscommunications. There will be problems of all sorts (take it from the kampeon). Although the first ever break up will always be the hardest, love will always be sweeter the second time around. That is what the story is all about; how Bella and Edward went off their own ways because of assumed incompatibility issues, how Bella coped with the loss, and how fate moulded their destinies to cross each other’s path again.

A very minor character from Twilight01, by the name of Jacob Black,  stepped up, and he happens to be a member of the anti-vampire social club. I am so joyed that this is again another story about Vampires and Werewolves. I just can’t get enough of it (plus the idea that this is a love story).

New Concepts:

Werewolves can freely transform themselves, and they actually hunt in packs like normal wolves. They are hot-blooded, the exact opposite of Vampires, and both can’t resist the smell of the other. The last time I checked, everyone wants to be a Vampire. After reading this book, I wonder if people would want to become a Werewolf after the movie is out.

The author, Stephenie Meyer, gave a very striking spirituality concept of Vampires. I know, it is normal for another set of people, very different to human beings, to create their own religion. But the author let the cold ones follow the belief of humans. Fictional characters such as Vampires now believe in the existence of heaven, hell, soul and afterlife.

Famous Lines:

Which is tempting you more, my blood or my body? ~Bella

It never made sense for you to love me. ~Bella

Your hold on me is permanent and unbreakable. Never doubt that. ~Edward

Marry me first. ~Edward

I’d rather die than be with anyone but you. ~ Bella

You’re human — your memory is no more than a sieve. Time heals all wounds for your kind. ~ Edward

I can’t live in a world where you don’t exist. ~ Edward

Swoosh News: Sunog sa Makati

Kakarating ko lang sa opisina. Habang may maiksing meeting kami, may mga dumadaan galing sa open area (na tinatawag na yosi area, upang doon sila magbugahan ng usok). Isa isa sila na nagsasabing, “ambaho”, “masakit sa ilong”, “kadiri”. Alam ko, naligo ako at sigurado akong hindi ako ang pinag-uusapan nila. Sana totoo nga na hindi ako.

Nang magpaalam ang aming bisor para mag-CR, tumayo rin ako.  May nakasalubong ako na mga ka-opisina na nagsabing may sunog daw sa likuran ng building namin. Dahil pasaway ako, tumingin ako doon. Oo nga, may sunog nga.

Makapal ang usok, isa-isang dumarating ang mga bumbero. Kung saan-saan sila galing; Makati, Binondo, Marikina, Quezon City. Kung anu-anong barangay. Bawat sasakyan ng bumbero, may pangalan ng pulitiko. Yung sa Binondo lang ata ang wala (malay ko ba kung yung Chinese Character dun e pangalan pala ng barangay captain nila). Sari-sari ding tao ang nakikiusisa. Mga tambay, mga negosyante na umuupa sa building, mga usiserong corporate slaves at syempre, mga iskwater na naninirahan sa likod ng building.

Dahil isa ako sa mga usissero, bumaba din ako nung break ko at kumuha ng mga pictures. Ngayon ako nagsisisi kung bakit hindi ganun kaganda ang camera ng phone ko. Pero gumagana pa rin naman ang 2 megapix camphone nito kaya sige lang, sugod lang. Feeling ko, isa akong media man dahil kasama ko sa mga usisero ay ang mga naka-ID na reporter ng GMA-7. Di ko na sila kinilala, hindi rin naman nila ako kikilalanin e.

Nalaman ko na sa building na Campos Rueda talaga nagsimula ang sunog. Nalaman ko rin na pinapasa lang ng mga fire truck ang tubig papunta sa fire truck na nasa harap para hindi na sila lahat mag mani obra at mahirapan sa “substitution” pag naubusan na ng tubig ang isa. Nalaman ko rin na mayayaman din pala ang mga iskwater sa Makati. Naglilikas sila ng kani-kanilang mga TV, DVD player, Amplifier, kumot, unan, sofa at refrigerator.

Ganito talaga kami sa Makati. Suportado ng buong bayan. Sana lahat ng lugar sa Pilipinas, Makati ang pangalan.

Book Review: Kapitan Sino

Kakabili ko lang ng librong KAPITAN SINO noong Biyernes. At sa araw rin na iyon, natapos ko ang libro. Gaya ng ibang mga libro ni Bob Ong. Easy-read lang din ang Kapitan Sino. Taliwas sa sinasabi ng website ng kaniyang publisher; hindi ko naman kinailangang ng 27 yr old or above na reading coach para maintindihan ang storya. Siguro kailangan ko yung coach para sa ibang detalye, pero hindi naman puro detalye ang libro.

What I like about the Book:

  1. The cover. Ang cover na disenyo daw ni Klaro de Asis. Kung sino man siya, parang stockholder siya ng silverworks o ng unisilver dahil sa kintab ng libro. Gusto ko ang disenyo dahil nangingibabaw ang pagka-metallic niya kung itatabi mo sa ibang mga libro. At hindi ko alam kung dapat ko ba talagang gupitin yung nakausling parte ng cover. Akala ko bookmark.
  2. Powerbooks. Dun ko nabili ang libro. Powerbooks sa greenbelt. Maaga akong umalis sa bahay para makadaan dun at hindi ma-late sa work. Isang lapit ko lang sa tindero (o tindera ata siya. di ko sure). Alam na niya na Kapitan Sino ang bibilhin ko. Pawis ko pa lang, amoy Kapitan Sino na. At nagtsismisan pa sila ng isa pang tindera nung ginamit ko credit card ko sa pagbayad. Wala ata silang mga credit card at wala rin atang balak na magkaroon.
  3. Ang Atake sa Lipunan. Sakto ang mga patama ng May Akda sa mga tao. Basahin mo na lang kung gusto mo malaman kung anu-ano ang mga iyon.

Mensahe ng Libro.

Sa unang tingin, akala ko, hinihikayat tayo ng libro na maging Superhero sa ating bayan. Ang gawin ang mga kaya natin para ayusin ang problema sa lipunan. Yun naman ata talaga ang paksa ng libro: Si Rogelio na isang taga-ayos ng mga sira-sira appliance, at si Kapitan Sino na taga-ayos ng mga sira-sirang bagay sa lipunan. Yun lang ang naiisip ko na mensahe ng libro para sa akin, sa oras na basahin ko ang huling mga talaga sa libro.

Pero parang hindi. Matapos ang ilang oras na pagmumuni-muni, at ilang pagtulog at pananaginip sa kung sinu-sino, parang hindi yun ang gusto ko gawin.

Parang ayoko ng Superhero.

Dahil kung ang mga taong umaasa sa iba, walang patutunguhan na maganda. Habambuhay kang aasa. At kung wala na ang pader na sinasandalan, maghahanap ka ng ibang poste na makukublihan. Hindi ganun ang kailangan ng ating lipunan. Hindi isang Superhero ang hinanahanap ng sambayanang Pilipino.

Itatanong mo sa akin kung ano?

Basahin mo ang libro.

Kapitan Sino

Kapitan Sino

** Bob Ong – Kampeon ng Pagkwento.