Tag Archives: LTO

Notes About Driver’s License Renewal – June 2016

Weekend driver here. Hindi ako araw-araw nagmamaneho, pero kahit ganoon, ang lisensya ko ay kapareho lang nung officemate ko na gamit ang Wigo niya sa pagpasok araw-araw. He is coming from QC at ang office namin ay sa Makati.

Imagine the traffic.

Pero iba ang kwento ng pagrenew ng Driver’s License sa LTO. Mabilis lang ito. Ok na sana, kaso… Continue reading

Philippine Land Transportation Office Released A Drivers License Of A Guy Not Yet Born

#PureIncompetence #GodBlessThePhilippines #Nakakahiya

Kabobohan sa LTO.

Sasabihan ko sana yung nagpost na tanga siya para ilabas yung information ng dad niya sa internet. nun nakita ko yung katangahan ng LTO, hindi ko na tinuloy.

LTO born 2048

LTO born 2048

Holy smokes!!! Jake & Francis-Julienne, our father hasn’t been born yet!

After renewing his driver’s license last March, Pop finally got it today. After months & months of unbelievably poor service, this happens on top of it all. According to an official government document, my father’s birthday is now the 18th of March in the year 2048.

He was told by LTO Region 11 that all people born in 1948 have been declared having a birth year of 2048 on their driver’s license, thanks to their card printer suppliers. Yeah right, like that makes it not their fault??

And when Pop has to renew in a few years, LTO told him he would have to get validation papers from the NSO to prove that he has, in fact, been born already. Their incompetence and lack of accountability are appalling.

Salamat nang marami, LTO, para sa napaka-entertaining na pangyayari. Matatawa ka na lang eh, kundi ka masiraan ng bait.

Dito ko nakuha ang balita: CLICK HERE.

LTO Success

Balikan muna natin ang aking TO DO List for 2010.

Ang nangunguna sa listahan na yun ay ang pagkuha ng driver’s license. At sa wakas, makatapos ang siyam an buwan, naglakas ng loob na rin akong pumunta sa East Ave. LTO Main Office para kumuha ng aking non-pro na license. Hindi kasi pwede sa Mandaluyong Satellite Office ang pagkuha ng non pro.

Akala ko e mauulit ang kapalpakan ko dati. Hindi na pala ngayon. Inagahan ko talaga ang pagpunta dun. Nagpamedical kaagad ako sa unang mag alok sa akin ng serbisyo at nagpa drugtest na rin.

Kumuha agad ako ng numero. Number 18. Ayos, mababang number pa to. Tinawag ang aking number, nagpasa ako ng requirements, at nagreview sa lecture room. Una kong kinuha ang English lecture pero parang mas mahirap kaya Tagalog na lang ang talagang inaral ko.

Matapos akong picturan, bumalik na lang ako sa Lecture room dahil malamig dun. Written Exam ang kasunod; pumasa naman ako. Practical Exam, ayos lang din kahit namatayan ako ng dalawang beses habang hindi pa umaandar ang sasakyan. Nakalimutan ko na may hand break nga pala.

Alas Dos na ng hapon nang makuha ko ang aking lisensya. Tuwang tuwa ako dahil lisensyado na akong magmaneho.

Eto nga pala ang Schedule of Fees na binayaran ko:

  • Drug Test – 300
  • Medical – 100
  • Testing Fee – 168
  • Car Rent – 250
  • License – 418

O pano? Road Trip na to!

My LTO experience

Isa sa mga items sa aking TO DO List para sa taong 2010 ang pagkuha ng non-pro na lisensya. At bago makuha ito, kailangan ko muna dumaan sa pagkuha ng student permit.

Kanina, sa kadahilanang rest day ko naman, minabuti ko nang magpunta sa LTO sa may Mandaluyong para kumuha ng student permit. Gaya ng dati, nagdala ako ng mga ID dahil alam kong kailangan yun.

Timecheck: 9:30am Continue reading