Kilala na ang Cafe Lupe sa Antipolo, at nage-expand sila sa iba’t ibang vantage points sa Manila para ibigay ang kaparehong serbisyo at husay na pinakita nila sa Antipolo Rocks.
Yung dating museum na katapat ng observatory sa Luneta, nakuha ng Cafe Lupe for this Christmas season para mag-offer ng Asia Brewery products kasabay ng isang videoke machine. Yung location, mataas siyang maituturing na pwede kang manood ng dancing fountain.
At malapit pa sa CR. Astig di ba?
Dun kami nag christmas party ng aking travel blogging group na The Road Trippers. Yung mga travels namin ang nakapagtighten ng aming friendship.
After kumain at kumanta ng konti, naglaro pa kami ng Pinoy Henyo. Sayang nga lang at hindi ako nanalo ng grand prize. May pantaxi sana ako pauwi.
Sobrang saya nun experience namin sa Cafe Lupe.
Comment ko lang, dahil hindi pwedeng manigarilyo sa Luneta Park, hindi rin pwedeng manigarilyo dun sa Cafe Lupe. Sana magawan nila ng paraan na maging smoking area ng Luneta Park yun para may mapupuntahan ang mga hitit-buga na kagaya ko.
Kagabi nga, sinadya talaga namin ang lugar para sumilip lang dahil nasa Luneta na rin kami ng ka-date ko. Ang kaso, masyadong gabi na yun at medyo hindi nakikisama ang panahon kaya di na rin kami nagtagal. Bumili na lang kami ng pampasalubong.
Ito pa ang ibang pictures ko:
Next time na hindi masyadong maulan at nasa Luneta ako, tatambay ako sa Cafe Lupe – Luneta para umorder ng masarap na P20 barbeque.