Tag Archives: Makiling Botanic Gardens

Date Number 4: Nagsagutan Sa Makiling Botanic Gardens

January 4. Date Number 4. Sakto lang di ba?

Alin ba ang mauuna, ang hiking natin o maging tayo?

Yan naman ang sinasabi ko e, yan ang question ko sa kanya nung medyo nagkakamabutihan na kami noong date number 3 namin. Uulitin ko lang, boring yung date number 3 dahil isang bus ride lang yun na puro personals ang pinag-usapan namin kaya hindi na pwedeng ilabas sa blog na ito.

Pero sa date number 3 ko nalaman kung saan dapat bumaba na kanto pag sumakay ako ng Green Liner na bus mula Buendia papuntang Sta.Cruz.

Maaga pa lang, isang araw na naka leave ako sa opisina para tapatan ang restday ni @penTells, sumakay na ako ng Green Star  na bus. Wala pang isandaan ang pamasahe. Sulit na sulit na yun dahil sa kung ano man ang nangyari noong araw na yun.

Bumaba ako sa Andok’s, yan ang aking landmark. Isang kanto lang yun papunta sa sakayan papasok sa UPLB. Inantay ko si @penTells na siya namang dumating within 15 minutes of me waiting sa tapat ng kalsada. Medyo umaambon, buti na lang dala ko ang payong na binili pa ng nanay ko sa Kamay ni Hesus sa Quezon.

Pagdating niya, naki-CR kami sa kalapit na Jollibee bago lumipat ng restaurant at kumain ng famous siomai sa labas ng UPLB. Sikat daw yun dahil sa 17 pesos na kabusugan; presyong ISKOLAR NG BAYAN!

Menu sa Pader

Menu sa Pader

siu mai for breakfast

siu mai for breakfast

may galit na sophomore sa likod

may galit na sophomore sa likod

Matapos ang panandaliang almusal, nilakad na namin papuntang UPLB. Hindi kumpleto ang date namin pag hindi kami dumadaan sa mga lokal na simbahan.

Bilang pasasalamat sa biyaya ng pang-araw-araw at sa kabaitan Niyang pinagtagpo kami sa isa’t isa, lumuluhod ako sa isa sa mga church pews at kumukuha na rin ng litrato. Walang hanggang pasasalamat ang sinasambit ko dahil ang pag-ibig na akala ko na sa libro lang makikita ay pwede rin palang makamit sa totoong buhay.

church sa elbi

church sa elbi

st therese of child jesus

st therese of child jesus

Kaunting tambling lang, halos nalibot na rin namin ang spots sa UPLB na talaga namang dapat na ina-appreciate.

Kung natuloy lang siguro ako na mag-enrol sa campus na ito, naging iba siguro ang istorya ng buhay ko. Siguro, frat boy na ako ngayon at malayo ang mga ideals ko ngayon.

alamat ng makiling

alamat ng makiling

Minsan daw, nasa balakang ng statue yung banga. Minsan naman, nasa ulo. Nung bumisita kami, hawak niya yung banga sa kanang kamay niya.

belen sa uplb

belen sa uplb

 

UPLB Oblation

UPLB Oblation

pa-virgin pa raw

pa-virgin pa raw

At ang naging pakay namin talaga, ang hiking sa loob ng Makiling Botanic Gardens. Sa entrance fee na 20 pesos, kami lang halos ang guests sa loob.

UPLB forestry and natural resources

UPLB forestry and natural resources

makiling botanic garden

makiling botanic garden

 

kakaibang trip

kakaibang trip

Hindi na kami nagpasama sa tour guide dahil marunong naman kaming maglakad at umiwas sa mga mababangis na lamok at gagamba. Marunong din kami magbasa at kaya rin namin i-pronounce ang word na DIPTEROCARP.

harang sa daan

harang sa daan

dipterocarp

dipterocarp

Ang dipterocarp ay isang klase ng puno na walang ibang ginawa kundi magpatangkad. Ginagamit ang kahoy nito sa mga poste ng kuryente dahil bukod sa matibay ito, hindi pa ito basta-basta nababali/tumatagilid.

tambayan ng frat

tambayan ng frat

Trivia lang din para sa mga sumusubaybay ng story namin. Dito namin narinig ang mga salitang http://theglutengal.com/page/6/ I LOVE YOU na sambitin ng isa’t isa. Kung tutuusin, ito na ang tamang araw ng monthsary / anniversary namin, pero dahil makulit kami, ang unang interaction namin sa isang hapagkainan ang kinikilala naming anniversary.

Mas importante kasi para sa amin ang mga kilos kesa sa mga salita.

At pasesnya na, nagtagal ng 72 hours bago pa kami nagpalit ng Facebook status dahil binigyan namin ang mga sarili namin ng panahon para magpalit ng isip. Awa ng Diyos, hindi kami papalit-palit ng pag-iisip.

At syempre, sa araw rin na ito una kong nakilala ang mga kaibigan ni @penTells na sina @imJAMpacked at @BadAssJowie.

kampeon at tres marias ng makiling

kampeon at tres marias ng makiling

Ayan, inabot na tuloy ng katapusan ng Enero bago ko ito ma-post. It’s worth the wait naman di ba?

Pag may tanong kayo sa akin, paki-submit na lang sa http://ask.fm/PepiDeLeon.

Bat hindi natin pagsabayin ang hiking natin at pagiging tayo?

* Pasensya na nga po pala sa magko-cover ng prenup namin ha. Medyo madulas at mahirap kumuha ng pictures sa Makiling Botanic Gardens. Don’t worry, papakainin naman namin kayo ng Siomai ng UPLB.