Tag Archives: malware

Dealing With Malware Issues On You WordPress Blog

Matapos ang spike na naganap sa blog ko last week, na-tag naman ako na may malware content about 3 days ago. Bad trip talaga ang mga ganitong eksena. Dahil nga naman ang pinaka-ayaw ko e yung hindi mabasa ng tao ang mga sinusulat ko sa blog.

Wordpress

Syempre, hanap ako ng malware scripts. Sabi sa email sa akin ng Google, URL redirects to malware sites daw ang problema. Simple lang naman yun. ang una mong babanatan, yung .HTACCESS file mo. Tignan mo kung san napupunta yung 404 error customers at tatanggalin mo lang yung script na yun. Tapos, sundan mo lang yung usual steps na change passwords, etc.

And since this is WordPress, you should update all of your Themes and plugins.

Ang kaso, may isa pang email sa akin si Google. Sabi niya, yung isa sa mga subdomains ko na may WordPress blog rin na naka-install, ay may malware din. Nakakabad-trip yun dahil sa ibang directory naman yun naka-point. Ang malupit pa neto, hindi ko sure kung ginagamit pa ng blogger ang blog na yun.

Nevertheless, inupdate ko na rin. Pero hindi na ako nagrequest to review sa blog na yun dahil wala naman yun sa Webmaster Tools ko.

Good thing naman, hindi ako nazi-zero sa aking site visits. Ang lowest ko ay 126 page views, which is OK na rin considering na may malware ang site ko nun. Salamat na marami sa viral blogpost ko.

Malware, Hackers at WordPress Plugins

Naku! Dahil sa tension tungkol sa Spratlys Islands at Scarborough Shoals, medyo nagkakainitan ang China at ang Pilipinas. Alam naman nating lahat na talo nila tayo pag nagkaroon ng giyera. Para manalo tayo, bawat isang Pinoy ay dapat pumatay ng at least 1000 na Chinese. Kahit isang taon ako magsanay, di ko pa rin magagawa yun dahil hindi ako marunong mag Kung Fu.

Ang Kung Fu lang na alam ko ay sa inuman, Kung Fumulutan MARAMI!

Ewan ko ba kung bakit pinagtripan pa ng Chinese hackers ang UP Diliman Website. Ayan tuloy, resbak din ang Pinoy hackers at nag deface din ng Website ng Chinese University Media Union. Pagdating sa computer genius, makakatapat tayo, kung hindi makakalamang.

Malware

Simpleng insert scripts lang ang kaya ko ma-solve. Ang Website ko kasi, napasukan ng Malware insert sa header.php page. Nakaka-freak out na e. Pero syempre ginagamitan ko ng kaunting lupit ng utak.

Yung Malware script, may .RU extension. So feeling ko, Russian ang gumawa. Badtrip talaga tong mga malalaking bansa na to!

Dito papasok ang WordPress plugins. Nag install ako ng plugin na madaling makakadetect ng unwanted scripts sa aking Themes. Ang tawag sa plugin na ito ay TAC.

Hinahanap lang niyo ang script na wala sa database ng popular Theme mo. Pag nakakita siya ng unwanted script, sasabihin niya sa iyo kung ano ito at ikaw na ang bahala magtanggal ng script manually. Madali lang naman, gamitan mo lang ng CTRL+F pag nandun ka na sa file editing page.

Everything can be done from within the WordPress dashboard.

Hindi ko pababayaan na masira ng kung anong Chinese o Russian malware scripts ang kung anong meron tayo.