Tag Archives: Math

Memory Miyerkules – Kopya

High School days. Recess.

Kultura na namin ang magkopyahan ng assignments. Ang tawag namin dun, pag-compare ng notes. Don’t get me wrong ha, hindi ako ang kumokopya. Ako ang kinokopyahan.

At dahil tamad ako, hindi sila nakaka-kopya sa homework ko hanggang sa last minute ng recess. Kahit kahapon pa binigay ang assignment, gagawin ko lang to sa recess, yung break bago dumating ang teacher ng Math.

Kung may nakakabasa dito na galing sa High School ko, ipagpatawad po ninyo. Nagsasabi lang ako ng totoo.

Anyway, pag natapos ko na ang assignment, iikot na ang papel ko sa loob ng classroom. Parang pokpok na pinagpapasa-pasahan ng siyam na lalaki ang papel ko. Yung iba, talagang nagko-compare lang ng answers, pero ang karamihan. Walang ginagawa kundi mangopya.

Maswerte ako kung may magsasabi sa akin na, “Pepi, mali ang solusyon mo sa number 6. Ganito dapat.” Pero kadalasan naman, wala. Matalino kasi ako!

Blog ko to kaya pwede akong magbuhat ng bangko.

One time, nang tinignan na ng Teacher namin ang mga papel, napansin niya na wala ang assignment ko sa mga pinasa. Ang mga KUMAG kong kaklase, matapos gahasain ang assignment ko e iniwan na lang nilang nakakalat sa tabi. Hindi man lang nila naisip na ibalik sa akin para ipasa. Ang buong akala ko pa naman, sila na ang magpapasa.

Nakakahiya talaga ang eksena na yun. Hinanap ko ang papel ko pero hindi ko makita. Ako pa tuloy ang nawalan ng assignment.

Nakita ko lang ang papel ko nun lunch na. Hindi ko maalala kung naipasa ko pa yung o tinanggap pa ng teacher. Basta ang alam ko, bad trip yung experience na yun.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.

P:MM Asan ang papel ko

Math ang subject namin pagkatapos ng recess. Alam mo naman sa Math, mahihina ang ibang tayo. Kaya halos araw-araw na nagbibigay ng assignment ang teacher namin.

High School, walang inaatupag ang mga estudyante kundi gumawa ng magagandang memories. Uso ang procrastination. Sige, i-google mo ang procrastination.

Kasali man ako sa mga tamad na bata, hindi naman ako bobo sa Math. 20 minutes ang recess namin. Gagawin ko ang assignment sa loob ng limang minuto. The other 15 minutes, kokopya na sa papel ko ang kalahati ng klase.

Kay super ex kasi kumukopya ang iba. Yung ibang hindi mahilig sa kopyahan, nagko-collaborate na lang ng sagot. (Yun ang tawag nila dun, so hindi ko iko-consider na kopyahan)

Math time na, pagpasok na pagpasok ng teacher, kokolektahin na niya ang papel.

Binilang niya ang mga papel. Kulang ng isa.

Isinaayos alphabetically.

Wala ang papel ko.

Anak ng tipaklong. Yung mga nangongopya sa akin, hindi nila ipinasa ang papel ko.

Wala tuloy akong Homework para sa araw na yun. Lagot na.

Pinagdarasal ko na lang, sana mag pop Quiz. Babawi ako.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

P:MM – First Reading

Sa Dominican College Sta.Rosa ako nag elementary. From grades 2-6, dun ako nag-aral. Mabait akong bata at medyo above average ang aking kagalingan sa klase. Medyo gwapo rin ako nung bata ako. May kakulitan ako kung minsan pero hindi matatawaran ang pagiging mukhang anghel ko.

Mga madre ang nagpapatakbo ng eskwelahan namin. May kanya kanyang kagalingan din sila. May marunong mag organ, may magaling magturo ng Math, may mahusay makitungo sa mga bata at meron din magaling sa kusina. Iba talaga ang diversity ng mga madre.

Gaya ng ibang Catholic Schools, nagdadaos kami ng misa kada First Friday of the month. Grupo ng mga estudyante ang kumakanta sa misa, may mga naka-asign din na magbabasa ng first reading at responsorial psalm, at grupo ng mga kalalakihan din ang tumatayong altar servers.

Grade 4 ata ako nun. Bata pa ang school namin kaya kakaunti pa lang ang population. Pinakamatanda na siguro ang 3rd year HS. Kada buwan, may sponsor ng First Friday mass. Panahon din ata ng Setyembre nang mag sponsor ang klase namin, at ako ang napili na mag First Reading. Wala naman silang ibang mapipili kaya umoo na rin ako.

Ginagalingan ko talaga ang pagpa-practice sa pagbabasa ng English. Lectionary ang gamit namin nun. Simple lang naman ang mga salita doon kaya hindi mahirap bigkasin. Sigurado akong kayang kaya ko ito. Dalawang pasada lang na mahusay na practice, ayos na sa akin.

Nagsimula na ang misa, matapos ang Papuri sa Diyos, naupo na ang lahat. Umakyat na ako sa Podium at binuksan ang Lectionary. Nakita ko naman kagad ang pahina ng Reading na dapat kong basahin. Sinimulan ko na ang pagbabasa.

Kalagitnaan ng aking pagbabasa, napansin ko na hindi ko na-practice ang sasabihin ko pag tapos ko na basahin ang Reading. Last 2 sentences na lang ang binabasa ko at ang tanging nasa isip ko ay “The GOSPEL of the lord…” Pero hindi Gospel ang binabasa ko. First Reading lang.

Sinisipat ko ang ibaba ng pahina, wala doon ang pantapos na dapat kong sabihin. No choice ako, dapat ko gawan ng paraan ito. Bahala na sa diskarte.

Tapos na ang huling salita ng First Reading. Bahala na. Sinabi ko na lang nang mahina,

“The Gospel of ….”

“THE WORD!” — May nagtalk over sa akin. Isang boses ng madre, galing sa bandang kanan ko kung saan nakapuwesto ang choir.

Inulit ko na lang ang sinabi ng madre. This time, mas malakas kesa sa pagkakabigkas ko kanina at sa pagkakabigkas niya, “THE WORD OF THE LORD.”

Sumagot naman ang madlang people, “Thanks be to God.”

Pagbaba ko ng altar, hiyang hiya ako sa maliit na kapalpakan ko. Ayoko kasi nang nagmumukhang palpak sa harap nang maraming tao. Wala naman nagsabi na palpak ako, pero alam ko sa sarili ko na nagkamali ako. Tinuloy ko ang misa na iniisip kung bakit na miss out ko pa yung detail na yun.

Sinalba ako ng madre. Hindi ko siya napasalamatan sa pag-coach niya sakin. Nakalimutan ko na ang name niya pero naaalala ko pa ang mukha niya. Teacher ko ata siya sa Christian Living class ko noon. Kung mababasa man niya ito, taus puso akong nagpapasalamat sa pag-save niya sa akin.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.