Weird to. Promise!
Alam naman ninyo yung letter to Santa di ba? Yung letter na walang laman kundi mga material things na gusto mong makuha sa pasko. Yung sulat na babasahin ng parents mo dahil gusto rin nila malaman yung mga likes and dislikes mo.
Kung baga sa panahon ngayon, WISHLIST.
Bata pa ako noon, sobrang bata. Bata pa mag-isip. Nauuto pa rin. Napansin ko lang na lahat ng letters to santa ko, kinukuha ng nanay ko at sinasabi niya na siya na daw magpapadala sa north pole.
Sa isip isip ko, pwede naman samahan niya na lang ako sa post office at ihulog ang sulat doon. Para na rin hindi niya mabasa na gusto ko ng complete set ng ninja turtle action figures o kaya naman helicopter. Kabisado ko pa ang mga pangalan ng ninje turtles pati mga kalaban nila.
Dahil ayaw ko makita ni mami ang WISHLIST ko, minabuti ko na isulat iyon ng palihim at ilagay sa bintana ko. Yun bang walang makakakuha kundi galing sa labas lang. Nakaharang ang washing machine sa bintana ko kaya kailangan mong lumipad para makuha ang letter.
Letter To My Angel.
Parang WISHLIST din yun, ang kinaibahan lang, iniutos ko sa aking angel ang pagdeliver ng letter sa north pole. Wala kasi ako tiwala sa mami ko.
Nawala ang sulat. At nakuha ko rin naman ang WISHLIST ko, hindi nga lang kumpleto.
Hindi ko na inulit ang kabaliwan na yun ulit.