Tag Archives: memory

Memory Miyerkules: Turned Down

Fourth Year High School. Malapit na ang prom. Wala akong girlfriend noon dahil break pa kami ni Super Ex. Mahirap makapag-back to back promking titles kung wala kang date sa prom night.

Pano to?

Isang Saturday, habang papunta sa A1 driving school sa may bayan, dala ko ang cellphone at nagte-text. Well, isa lang naman ang nasa isip ko na pwedeng humalili ke Super Ex pagdating sa mga ganitong sitwasyon.

Tinext ko siya.

“Wala pa kong date sa prom. Can you be my date?”

Antagal ng kanyang sagot.

Nagsimula an ang 2-hour session ko sa A1. Natural driver naman ako kaya parang breeze lang sa akin ang pagmamaneho. Sinabihan lang ako ng instructor kung saan pupunta at kung saan iikot.

Hindi ako pwede maglabas ng cellphone habang nagmamaneho. Bawas points yun. Ginalingan ko na lang sa pagda-drive.

Sa galing ko magmaneho, tinulugan ako ng instructor. Chance ko na to. Nilabas ko ang cellphone.

Wala pa rin text.

Drive pa ko, dalawa, tatlong stop light.

Wala talagang reply.

Natapos ang aking driving lesson pero hindi pa rin pumasok ang text message. Wala na kong pag-asa.

“Sige po. Alis na po ako, til next time po,” sabi ko sa mga tao sa A1. Sumakay na ako ng jeep pauwi.

Hindi pa nakakaandar ng malayo, tumunog na ang cellphone ko.

Exciting. Sana pumayag siya.

“Sorry, I was asked by Kiko already kanina. I said yes.”

Patay na.. Pano na to? Wala akong date..

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

P:MM – Thank You Mama Mary

Holiday nun. Dahil ata Dec.8 – Immaculate Concepcion. Naisipan namin nila super Ex, Kian, at Quicksilver na magliwaliw. Una muna, nagpunta kami lahat sa bahay namin sa SanLo.

Dun ko ata unang pinakilala si super ex sa bahay namin. Para medyo hindi halata, group date ang eksena. Kaya isang grupo kami.

Matapos namin maglunch, punta namin kami sa bahay nila Kian sa San Pedro. Commute to da max talaga, halos maga-apat na oras ata ang biyahe. Medyo malayo kaya medyo madilim na nung nakarating kami dun. Ang purpose ng pagpunta, hindi ko rin alam. Basta nagpunta kami.

Ang naiisip ko lang na dahilan, gusto rin ni Kian ipakilala si Quicksilver sa kanila. Pero para hindi rin halata; group date. Ewan. Ganun ata talaga pag mga High School pa lang kayo.

Ending namin e inihatid kami ng ate ni Kian pabalik sa BelAir. Nagkotse kami. Ang travel time na tatlong oras kanina, kalahating oras na lang ngayon. Iba na talaga pag may sarili kang sasakyan. Dun ko naisip na dapat ako matutong magmaneho talaga.

Matapos kaming ihatid pabalik ng BelAir, umuwi na rin si Kian kasama ng ate niya. Nasa bahay ako ni Quicksilver at medyo gabi na talaga. Hindi pa ako nakakatawag sa bahay namin. Ang alam sa amin, hinatid ko lang sila sa sakayan papalabas ng SanLo. Hindi na ako nakapagsabi na sasama ako sa San Pedro.

So malamang, galit ang mga magulang ko pag-uwi. Patay ako neto.

Pauwi na ako nang mapadaan ako sa Club House. Pista Opisyal at may special na mass na ginagawa nang gabing iyon. Magsisimba ako bago umuwi kahit late na. Holiday of Obligation. Ayoko magkasala.

Sakto naman at kakilala ko ang pari. Sakristan kasi ako. Dahil wala siyang alalay sa misa, tumayo na akong alalay. Disente naman ang bihis ko e.

Kinapalan ko na ang mukha ko at nakisabay sa pari. Dadaan kasi sa sakayan papuntang SanLo ang pari bago ito makauwi sa Balibago. Sakto. Meron akong naging excuse. Pag-uwi ko sa bahay, para hindi ako mapagalitan, kinuwento ko sa nanay ko ang nangyari.

Buti na lang nakipagmisa ako. Buti na lang pista opisyal. Buti na lang Dec.8 Immaculate Concepcion. Buti na lang ambait ni Mama Mary. Buti na lang talaga.

Happy Birthday Mama Mary.

Sana hindi kayo malito:
Dec.8 – Immaculate Conception
Sep.8 (9months after) – Birthday ni Mama Mary

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

P:MM – First Reading

Sa Dominican College Sta.Rosa ako nag elementary. From grades 2-6, dun ako nag-aral. Mabait akong bata at medyo above average ang aking kagalingan sa klase. Medyo gwapo rin ako nung bata ako. May kakulitan ako kung minsan pero hindi matatawaran ang pagiging mukhang anghel ko.

Mga madre ang nagpapatakbo ng eskwelahan namin. May kanya kanyang kagalingan din sila. May marunong mag organ, may magaling magturo ng Math, may mahusay makitungo sa mga bata at meron din magaling sa kusina. Iba talaga ang diversity ng mga madre.

Gaya ng ibang Catholic Schools, nagdadaos kami ng misa kada First Friday of the month. Grupo ng mga estudyante ang kumakanta sa misa, may mga naka-asign din na magbabasa ng first reading at responsorial psalm, at grupo ng mga kalalakihan din ang tumatayong altar servers.

Grade 4 ata ako nun. Bata pa ang school namin kaya kakaunti pa lang ang population. Pinakamatanda na siguro ang 3rd year HS. Kada buwan, may sponsor ng First Friday mass. Panahon din ata ng Setyembre nang mag sponsor ang klase namin, at ako ang napili na mag First Reading. Wala naman silang ibang mapipili kaya umoo na rin ako.

Ginagalingan ko talaga ang pagpa-practice sa pagbabasa ng English. Lectionary ang gamit namin nun. Simple lang naman ang mga salita doon kaya hindi mahirap bigkasin. Sigurado akong kayang kaya ko ito. Dalawang pasada lang na mahusay na practice, ayos na sa akin.

Nagsimula na ang misa, matapos ang Papuri sa Diyos, naupo na ang lahat. Umakyat na ako sa Podium at binuksan ang Lectionary. Nakita ko naman kagad ang pahina ng Reading na dapat kong basahin. Sinimulan ko na ang pagbabasa.

Kalagitnaan ng aking pagbabasa, napansin ko na hindi ko na-practice ang sasabihin ko pag tapos ko na basahin ang Reading. Last 2 sentences na lang ang binabasa ko at ang tanging nasa isip ko ay “The GOSPEL of the lord…” Pero hindi Gospel ang binabasa ko. First Reading lang.

Sinisipat ko ang ibaba ng pahina, wala doon ang pantapos na dapat kong sabihin. No choice ako, dapat ko gawan ng paraan ito. Bahala na sa diskarte.

Tapos na ang huling salita ng First Reading. Bahala na. Sinabi ko na lang nang mahina,

“The Gospel of ….”

“THE WORD!” — May nagtalk over sa akin. Isang boses ng madre, galing sa bandang kanan ko kung saan nakapuwesto ang choir.

Inulit ko na lang ang sinabi ng madre. This time, mas malakas kesa sa pagkakabigkas ko kanina at sa pagkakabigkas niya, “THE WORD OF THE LORD.”

Sumagot naman ang madlang people, “Thanks be to God.”

Pagbaba ko ng altar, hiyang hiya ako sa maliit na kapalpakan ko. Ayoko kasi nang nagmumukhang palpak sa harap nang maraming tao. Wala naman nagsabi na palpak ako, pero alam ko sa sarili ko na nagkamali ako. Tinuloy ko ang misa na iniisip kung bakit na miss out ko pa yung detail na yun.

Sinalba ako ng madre. Hindi ko siya napasalamatan sa pag-coach niya sakin. Nakalimutan ko na ang name niya pero naaalala ko pa ang mukha niya. Teacher ko ata siya sa Christian Living class ko noon. Kung mababasa man niya ito, taus puso akong nagpapasalamat sa pag-save niya sa akin.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

P:MM – Bisikleta

Alas tres ng tanghali, medyo mataas pa ang araw. Hindi pa advisable para lumabas ng kalsada para maglaro. Pero dahil sa kakulitan ko at kagustuhan kong matutunan gamitin ang bisikletang pinamana sa amin ng aming mga pinsan, pinipilit ko ang nanay ko na payagan akong lumabas.

Summer noon. Sobrang init sa labas. Tuyung tuyo ang kalsada. May mga maliliit na  butil ng grava at bato at walang bakas ng tag-ulan. Maalikabok ang sahig na nagbibigay ng dulas sa kahit na sinong naglalakad. Buti na lang at walang mga taong wala sa katinuan na lumalabas ng bahay sa oras na ganito.

Sinilip ko ang gate namin, Continue reading