February 4, 2004. Birthday ng Kuya ko. Wala akong regalo sa kanya kaya naisip kong pagtripan na lang siya.
Uso noon ang celphone. Piso ang charge sayo sa bawat text message na sini-send mo. Hindi lahat ng tao may cellphone. Hindi ko rin maalala kung may cellphone na rin ako nun.
Meron na ata. Pero hindi na importante.
Ang gawain ko, makikitext ako sa kahit na sinong makasalubong ko. Mga friends sa LSPO, mga kaklase sa ibat ibang subjects, mga blockmates, kahit strangers. Wala akong pinapatawad.
Basta ang kailangan ko lang gawin, magsend ng message sa kuya ko. “Happy Birthday”. Parang namamalimos ako ng piso noon. Game naman ang lahat ng may cellphone load. Ang bilin ko lang sa kanila, pag nagreply yung number, wag na sila magtextback pa.
Masunurin naman sila. Pero ang kuya ko, medyo nabadtrip ata dahil wala na siyang pang-reply sa lahat na maggi-greet sa kanya. Plano pa naman niyang pasalamatan ang lahat ng magsi-send sa kanya ng birthday greeting.
Di ko alam kung alam ng kuya ko na ako ang nan-trip sa kanya nun. Pero sure ako na nakakuha siya ng “more than the expected number” of text greetings.
Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.