Tag Archives: meteor shower

Last Meteor Shower Daw Mamaya

Last Meteor Shower of 2011 Daw Mamaya.

Breaking news lang. Sabi lang to ni Kuya Kim. At syempre, verified sa Earthsky.org

Geminid meteor shower ang tawag sa meteor shower mamaya. Magaganap ang peak ng shower sa pagitan ng 1am at 3am. Sa bandang Castor star ng Gemini Constellation matatagpuan ang halos 50 meteors sa loob ng isang oras. Maaari daw lumabas ang meteors between 9pm and 6am, pero pinakamarami ang meteors sa peak hours ng shower.

Geminid Meteor Shower

Geminid Meteor Shower (photo from earth-issues.com)

Malas nga lang kung magiging maulap o maulan sa mga oras na to. Yung mga taga-Province na mayroong clear skies lamang ang makakakita ng ganda ng meteor shower. Tapos na ang Meteor shower pag taga-US ka pero pag taga-Asia ka, mamaya pa lang magsisimula.

So pano, i-ready na natin ang mga telescope at tawagin na ang F4. Abangan na natin ang Meteor Shower mamaya, pagkatapos ng Budoy!

FYI, Gemini ang Zodiac sign ko!