Tag Archives: Metro Manila Film Festival

My Enteng Kabisote Experience

dahil nakakastarstruck si bossing.

One week bago mag Metro Manila Film Festival, I was lucky enough to be invited sa isang BlogCon para sa latest movie ng Enteng Kabisote franchise na “Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si AKO”. Please note that AKO should be all caps.

Ang kaso, busy si Juday sa kung ano mang ginagawa niya at si Sen Bong naman ay bumuboto pa sa RH Bill, si Bossing Vic lang ang nakaharap namin. Kayang-kaya naman din niya sagutin ang lahat ng mga tinatanong namin.

Bossing Vic Sotto aka Enteng Kabisote

Bossing Vic Sotto aka Enteng Kabisote

Eto ang naging question ko sa kanya:

QUESTION: Happy Birthday Bossing, Mwah Mwah, Chup Chup. Ano ba ang feeling mo kapag ang franchise ng Enteng Kabisote ay mag guest ng international actor/actress? Posible ba yun?

ANSWER: Mataas budget nun. Posible kung pasok sa story, pag hindi, edi hindi. Nauuna ang story bago pumili ng artista. Hindi ibig sabihin na gusto namin makasama sa movie e basta na lang namin isisiksik. Tsaka mas gugustuhin kong mga local artists ang makasama. Magagaling ang mga local artists natin at marami rin sila.

Tuwang tuwa ako nung napangiti ko si Bossing nung binati ko siya ng Happy Birtday Mwah Mwah Chup Chup. Iba ang aura niya.

Lahat ng sabihin niya, talagang mapapangiti o mapapatawa ka. May mga korni jokes na kapag ako ang nagdeliver, wa-epek; pero pag siya ang bumuga, iba ang impact. Bossing talaga ng komedya.

Gloc 9 is to Francis M as Bossing Vic is to Dolphy Quizon.

Hindi lang yan ang naging close encounter ko sa napaka-humble at napakabait na 1/3 ng TVJ. Nung magpapa-picture na, malas lang dahil wala akong dalang camera. Hindi ko kasi na-charge ng maayos kaya hindi ko na rin nadala.

Naki-usap ako kay JayL ng blog-ph.com na mag-picture gamit ang Samsung handheld niya. Pagka-pose ko ng todo ngiti, nagpasalamat ako ke Bossing. Eto scenario:

AKO: (After magpapicture) Salamat Bossing.

VIC: Thank you din. O teka, meron pa! (Sabay turo sa iba pang bloggers na naglabas ng camera para kunan kami)

AKO: Sorry bossing, artista e.

VIC: Oo, dami mong Fans!

Hindi matatawaran ang ngiti kong abot sa tenga.

Si Enteng at Ang Kampeon

Si Enteng at Ang Kampeon

So pano, uunahin na natin itong sure na TOP GROSSING Film ng MMFF. Para kang nanood ng tatlong movies sa presyo ng isa. December 25, araw ng pasko ay araw rin ni Agimat, Enteng, at AKO.

*Salamat nga pala kay Manong Ted Claudio ng Wazup Philippines para sa LEGENDARY picture eko with the LEGENDARY Enteng Kabisote.

Gloc9 for Manila Kingpin

Metro Manila Film Festival na, at isa sa mga kasali sa Festival na ito ay ang kwento ni Asiong Salonga, ang Hari ng Tondo.

Matagal ko na naririnig ang pangalan niya pero hindi ko talaga alam ang story ng buhay niya. Sabi nun iba, masama daw siyang tao dahil wala siyang awa kung pumatay. Sa tingin ko, matalinong tao si Asiong Salonga at isa siyang makabagong Robin Hood.

Tondo, yan ay isang lugar sa Manila na punung puno ng mga TIGASIN, mga Astig kung maituturing. Ang pagkakaalam ko, Tondo ang lumang pangalan ng Maynila. Lumiit na lang ito ng lumiit dahil nilamon na ng pangalan na Maynila ang lugar.

Sakto naman at kanina, habang naghahanap ako ng patutugtugin, nakita ko sa Youtube feed ko ang bagong kanta ni Gloc9 na “Hari ng Tondo”.

Kagaya ni Asiong Salonga, maituturing natin na “Hari ng Rap” si Gloc9. Siya ang may pinakamabilis na bibig sa Pilipinas ngayon. Kung pakikinggan mo ang kanta na Quinta, masusukat mo ang bilis ng bibig niya mula first gear hanggang fifth gear.

Pakinggan ninyo ang kanta ni Gloc9. Nasa kanta niya ang plot ng pelikula na Manila Kingpin. Aabangan ko talaga ang pelikula!

* Follow Gloc9 on Twitter: http://twitter.com/#!/glocdash9