Tag Archives: mga anino ng kahapon

Movie Review: Mga Anino Ng Kahapon

Salamat sa imbitasyon ni @thestyleandsoul at napanood ko ang MMFF entry for New Wave 2013. Hindi ko inaasahan na ganun ka-diretso ang movie.

mga anino ng kahapon

mga anino ng kahapon

Masasabi ko na SIMPLE lang ang movie. It’s simplicity is perfection. Sabi nga nila, ang compound elements ng isang ion ay sumisira sa pagka-perfect nito. Well, ako lang pala ang nagsabi noon.

A Small Movie with a BIG Meaning.

Tanggalin natin ang showbiz. Tanggalin ang patayan, ang chismis, ang pagkakaron ng kabit, ang aksidente, lovelife na magulo, at mag-focus tayo sa iisang tema; ang pagtalakay sa issue ng Schizophrenia.

Bago ang movie, ang kilala ko lang na Schizophrenia ay sina Juan Lazy at Harlem.

Magagaling na lead aktor at aktres na sina TJ Trinidad at Agot Isidro, magaling na suporting staff, magandang anggulo ng kamera at makulit na karakter, samahan mo pa ng isang NO BULLSHIT direktor na si Alvin Yapan; yan ang sangkap ng R-13 movie na ito.

Salamat sa inyo at mas naiintindihan ko na ngayon ang Schizophrenia at kung paano tanggapin ang karamdaman na ito. I would love encourage everyone; schools, concerned organizations, medical personnel, lahat ng gustong makaunawa na manood ng movie na ito.

Isandaan lang naman.

FAVORITE LINE: |
“Buti pa sa hallucinations ni ate, may girlfriend ako na si Cathy. Wala akong kilala na Cathy. Gusto kong makilala si Cathy.”