Tag Archives: Mikey Bustos

Filipino Youtubers Pray For Visayas

Kahapon, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol ang Visayas Region.

Sa mga walang alam, Visayas ang ikalawa/gitna sa mga grupo ng kapuluan sa Pilipinas. Kung binaha na ng Ondoy ang Luzon at binagyo na rin ang Mindanao, hindi na ako nagtataka at Visayas naman ang tinarget ni Mother Nature.

Pero nakakagulat lang talaga, no one is prepared for a disaster.

Wala tayong magagawa kundi magdasal; hilingin na maging ok lang ang lahat sa Visayas Region at umasang wala nang mas malupit na trahedya na dumating.

YouTube

Para sa mga kababayan ko sa Negros Region, eto nga pala ang Filipino YouTube Celebrities na gumawa ng isang collaboration para sa inyo. JamichTV, DavidDiMuzio, MoymoyPalaboy, MikeyBustos.


Mikey Bustos sa Internet

Hindi man kayo familiar sa kanya, sure ako na magugustuhan niyo siya.

Dati siyang Canadian Idol. Magaling siyang kumanta ibig sabihin. Sikat siya sa Canada. Born-Canadian siya. Pero, pero, pero.. pusong Pinoy.

At marunong siyang magsalita ng Tagalog. Proud Filipino.

Ayoko na patagalin pa, gusto ko i-share sa inyo ang videos na ginawa niya. Panuorin ninyo itong sample video na to.

O pano, subscribe na kayo sa Youtube niya.

Eto pala website niya na gawa sa Flash.