Tag Archives: misa de gallo

Simbang Gabi 2012 Update – Final Four

sorry ha. ngayon ko lang maipo-post.

By Definition, SIMBANG GABI is used if the mass is held in the evening. MISA DE GALLO is used if the mass is held at dawn.

Happy naman ako ang nakumpleto ko ang simbang gabi series for 2012. Minsan, simbang gabi, minsan naman, misa de gallo. Pero conscious ako kung anong araw na sa series.

Also, i have to confess na may mga times na late ako sa misa. Hindi ko rin kasi inaalam ang schedule beforehand. Hinuhulaan ko lang din. Usually, Papuri Sa Diyos or Homily na pag ako ay dumarating, pero I consider the effort din. Mabait ang Diyos ko.

Day 5 St Francis Shaw Blvd

Day 5 St Francis Shaw Blvd 7:30pm

Ito ang pinakamagandang Simbang Gabi experience ko sa series. Kahit medyo late ako, (Homily) hindi pa puno ang simbahan. Siguro dahil may mga taong mas gusto umattend ng misa sa Megamall (8pm) kesa sa St. Francis Shaw Blvd na 7:30pm. Malawak ang simbahan, magaling ang pari, maganda ang aesthetics at yung sound system. Wala pang masyadong simbang tabi, simbang gababes, at simbang gaboys.

Greenbelt Chapel

Greenbelt Chapel

Greenbelt Chapel, 8pm. Ito naman ang isa sa mga pinaka-gusto kong simbahan. Nasa gitna talaga siya ng mall. Medyo masikip dahil inuna nila ang itsura ng simbahan kesa sa comfortability ng lugar. Mabuti na lang at nakapwesto ako ng maayos.

Magaling yung pari. Naka-anim na short stories ata siya sa Homily.

Rizal Park

Rizal Park

Rizal Park, 8:30pm. May airing ng misa sa PTV4 kinabukasan ng 4am. Hindi naman ako binigo ng pari dahil maganda ang ikot niya sa Homily na sinimulan at tinapos sa kantang “Sana Ngayong Pasko”.

Nakakatuwa na binigyan nila ng lugar para sa Simbang Gabi ang celebration sa Luneta. Maraming tiangge na nakapaligid at may perya pa sa may grandstand.

Simbang Gabi day 9. Lady of the Abandoned. Sta.Ana, Manila. 4am.

Simbang Gabi day 9. Lady of the Abandoned. Sta.Ana, Manila. 4am.

Lady of the Abandoned Sta. Ana, 4am. Ito naman ang pinaka-unforgettable Simbang Gabi ko. Dahil late ako, hindi ako nakapwesto sa loob. Napa-lugar ako sa may bandang labas ng simbahan kung saan maraming kabataan na ang pinunta lang sa simbahan ay para sa barkadahan nila. Badtrip ang experience pero tinest talaga ni Lord ang pananampalataya ko.

May nagpapaputok pa nga habang nagmimisa. Nakakainis lang.

*****

Ayan ang last report ko. Sa Pinas lang may simbang gabi kaya Pinoy lang ang pwedeng mag-wish. Mas nakikinig siguro ang Diyos sa mga Pilipino.

Yung wish ko, hindi ko na ishe-share. Madamot ako e. Ahahahaha.

Next year, kung ok lang, gusto ko sana, kasama kitang kumpletuhin ang Simbang Gabi.

Simbang Gabi 2012 Schedule – Sacred Heart Parish Sta Mesa – Stop N Shop

bilisan lang natin, late na ako!

Ang schedule ng simbang gabi aka misa de gallo dito ay 30 minutes bago pa ang misa sa Bacood. Yan ang sagot sakin nung tanod na may bitbit na pamalo habang naglalakad ako na parang zombie dahil 30 minutes lang din ang tinulog ko. Dumating kasi mula Singapore ang aming high school princess kaya nagkaroon ng maliit na inuman kagabi.

Para sa akin, maliit. Hindi ako uminom ng marami dahil bukod sa ayaw kong gumastos, kino-kontrol ko ang sarili ko. Plano ko talagang magsimbang gabi at hindi pwedeng maputol ang blog updates ko tungkol dito. Ang tawag dyan, DEDICATION.

Sacred Heart Parish Sta Mesa -Stop N Shop

Sacred Heart Parish Sta Mesa -Stop N Shop

Parang yung Gospel na rin, nakadedicate si Angel Gabriel na kausapin si Mary at sabihin na magkakaanak siya at tatawaging Emanuel, which means God With Us. Annunciation, yan ang unang mystery sa Joyful Mysteries. Nakinig ako sa homilya kaya alam ko.

Basta ang schedule ng simbang gabi sa Sacred Heart Parish Sta Mesa – Stop N Shop ay 4AM. 

Maraming tao dun. Hindi sila bihis para sa okasyon. May mga nakaayos naman pero karamihan pa rin e naka-tsinelas lang. Hindi ko nga alam kung sino ang nakaligo na o hindi pa. Akala ko malaki ang simbahan pero nung makita ko na umaapaw ang tao, maliit pa rin pala talaga ito.

Ok lang naman siguro yun dahil sa normal na araw, hindi rin naman yun napupuno!

 

Simbang Gabi 2012 Schedule – half time report

pasensya na po.

Hindi ko kaya mag blog araw-araw tungkol sa Simbang Gabi aka Misa de Gallo dahil nagwo-work po ako simula 7am til 4pm. Pagkatapos ng work, may mga events pa akong pinupuntahan.

Buti nagkaroon ako ng oras para magsulat ng blog na to para bigyan kayong mga readers ko ng idea kung san pa kayo pwede magsimba para sa 9 day novena pampasko.

Eto ang pictures na may kasama na rin na captions. This will cover for the first 4 days na nakapagsimbang gabi ako. Hindi rin kumpleto ang schedule dahil yung oras lang na nakapagsimba ako ang ibibigay ko.

Hanep sa report noh?! Sorry na, tao lang.

Anyway, enjoy!

Our Lady of Fatima Parish Bacood

Our Lady of Fatima Parish Bacood

FIRST DAY: Nakapagsimba ako ng 4:30am. Maraming tao at medyo suffocating pag sa loob ng simbahan ka nakapwesto. Suggestion ko, sa labas ka na lang para hindi ka mahilo. O kaya, dun ka sa harap umupo para medyo malawak at hindi nakakasakal.

Kailangan na nila palakihin pa yung simbahan. Hindi kaya ng simbahan na ito ang dami ng mga nagsisimba kapag peak hours.

Shrine of the Sacred Heart of Jesus - Makati

Shrine of the Sacred Heart of Jesus – Makati

SECOND DAY: Mayaman ang simbahan na ito. May dalawang misa sa umaga. Isang 4am at isang 5:30AM. Dun ako sa latter para sakto na lang ang paglalakad ko papunta sa office nung natapos ang misa ng 6:30AM. Kumpleto sa gamit, aircon,  at magaling ang choir. English nga lang ang misa at nasakto pa ako sa pari na hindi nagtatagalog. Ang gusto ko pa naman, Tagalog na homily. Para ma-gets ko at maka-relate ng mas maayos.

Sacred Heart of Jesus - Kamuning

Sacred Heart of Jesus – Kamuning

THIRD DAY: Late na ako nakarating sa misa dahil may event pa ako. Actually, siningit lang namin dahil nagbakasakali lang kami. 8PM nagsimula ang misa at nakarating kami nun bandang prayers of the faithful na. Nag-sorry na lang ako at kumanta ng offertory song at communion song ng buo kong lakas. Maraming tao pero ayos lang dahil mataas naman ang roof. May mga electric fan din naman kaya maayos at komportable ang pagsisimba.

Our Lady of Lourdes Hospital Chapel - Sta.Mesa

Our Lady of Lourdes Hospital Chapel – Sta.Mesa

FOURTH DAY: Napakaswerte ko sa misa na to dahi si Fr Jerry Orbos ang naging celebrator. Magaling siyang pari. Siya yung madalas natin napapanood sa Sunday TV Mass ng ABS-CBN. Nagmimisa din pala siya sa ospital.

Nasaktohan ko lang na 5am ang misa dahil may mga nakasabay akong naglalakad. Well, ayos lang din yun dahil 1 hour travel ang kailangan ko papuntang Makati area. Hindi man aircon ang simbahan, ayos lang din dahil kaunti lang ang nagsisimba. Hindi ko lang trip ang choir dahil medyo mabagal kumanta sila sister. Nakakaantok talaga para sa akin ang boses ng mga madre.

 

************

O ayan, report ko na yan para sa first half. May limang misa pa akong dapat puntahan para makapag-wish. Ipagdasal po ninyo ako gaya ng pagdarasal ko para sa inyo.

Sorry po sa mga bad comments pero kailangan ko lang maging honest. Maiintindihan sana ako ni Lord pati ng mga readers ko.

Simbang Gabi 2011

Panahon na naman ng Simbang Gabi.

Simbang Gabi

Simbang Gabi (photo from http://lakad-pilipinas.blogspot.com)

Ayon sa Tl.Wikipedia.Org:

Ang Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan. Tinatawag din itong Misa-de-galyo (mula sa Kastilang Misa de Gallo, o “misa ng tandang”, sapagkat sa pagtilaok ng lalaking manok, magsisibangon na ang mga mag-anak para makinig ng misa sa pinakamalapit na simbahang pamparokya.

Minsan ko lang mabuo ang siyam na araw ng Simbang Gabi, dahil siguro sa schedule o sa katamaran ko. The last time na nabuo ko ang 9 day novena na ito ay noong pinagtripan ko na magsimba sa siyam na magkakaibang simbahan sa loob ng siyam na araw. Ayos sa trip di ba?

Mahirap gumising sa umaga. Kapag 4am ang misa, dapat gising ka na ng 3am o di kaya naman e nasa biyahe na. Balak ko na magsimba sa Sacred Heart sa Makati dahil malapit lang yun sa trabaho. Four O’clock mass ang hahabulin ko para sakto sa pasok ko na 6am. Gagamitin ko ang 5am-6am vacant time para kumain ng puto bumbong.

Option rin naman para sa akin na pilitin ang Diwata na mag-Simbang Gabi. Kahit araw-araw ko siya kulitin para makapagsimba kami, gagawin ko para makasama siya. Ok kasi yung makumpleto mo ang siyam na misa pero mas OK pag kasama mo ang mahal mo na nagdarasal at umaasa na makamit ang kanya-kanyang Christmas wish.

FYI: pag nakumpleto mo raw ang simbang gabi, pagpapalain ka ni Baby Jesus at tutuparin ang hinihiling mo. Feeling ko, mananalo na ako sa Lotto kahit hindi ako tumataya!

Eto pala ang schedule ng Simbang Gabi sa Sacred Heart sa Makati:
December 15 – 23 (ANTICIPATED)
8:00 p.m.
December 16 – 24 (DAWN)
4:00 a.m. and 5:30 a.m.
 
Para sa mga sikat na simbahan sa Maynila, eto ang schedule: http://www.rcam.org/simbang_gabi/index.htm
 

Ready na yung mga regalo ko para sa Pasko. Panahon na para i-ready naman ang kaluluwa.