Tag Archives: monitor

PLANS for my 25th Birthday

Experiential blogger ako. As much as possible, hanggat hindi ko pa nae-experience ang isang bagay, hindi ko pa siya isusulat. At kahit pa ma-experience ko, kung wala naman “dating”, tinatamad din ako sa pagsusulat nun experience.

Pero kung hindi ko pa isusulat ang mga plano ko for my 25th birthday, baka mawala lang sa isip ko at makalimutan ko na.

I will break my silence until the day of my birthday.

Siguro, kung napuruhan ako ng holdaper, hindi na ako makakapag-celebrate ng Silver Birthday ko. Pero hindi e. Masamang damo tayo. Sabi ko nga,

Hindi pa gawa ang bala na makapagpapatigil ng pagtibok nito.

Given na swerte ako at dapat ako magpa-party, gagawin kong engrande ang aking 25th birthday celebration. Pasasalamat na rin ito dahil buhay pa tayo. The weekend before May 31. Most probably, Saturday gaganapin. Ayoko ng Friday at hindi rin pwedeng Sunday.

Sasabog na ako pag hindi ko pa sinulat ang mga gusto ko mangyari sa birthday ko ngayong taon. Araw-araw ko iniisip ang plano na to at makakalimutan ko siya kapag hindi ko isusulat. Sayang ang ideas.

Eto ang mga plano ko.

  • Dito lang sa bahay.
  • Syempre pagkain. Maraming-marami. May lumpia!
  • 4 kinds of beer will be available. Malamig
  • Jack-Coke. May yelo!
  • Walang Videoke. Puro tugtugan lang.
  • I will invite all my musician friends. Dala ng sariling instrumento. Sana makapagdala din kayo ng amplifier. At need ko ng drums.
  • Open party. Lahat imbitado. I will NOT send special invites.
  • Need ko ng Monitor. Malaking monitor. Ayoko ng projector dahil mabilis mag-init yun. Mas maganda kung touch screen.
  • As usual, special prizes will be given to the first 25 people to arrive. Sana mas marami ang pumunta kesa last year.
  • AT AYOKO PILITIN ANG MGA TAO NA PUMUNTA!! WAG KANG PA-SPECIAL!!!

Need ko ng comments ninyo.

simpol

Busy ako sa trabaho, nakaupo ako araw-araw sa harap ng aking monitor. Nagku-query ako ng mga open cases at pilit na niri-resolba ang mga hindi kayang ma-close ng mga agents. Ganun ang trabaho ko bilang isang Rework Agent.


Pag minsang pupunta ako ng CR, maglalakad ako sa aisle na puro agent na nagko-calls. Bago ako makarating sa CR, may magtatanong muna sa akin at magpapatulong sa mga problema nila sa customer. Parte ng trabaho ko ang pagtulong sa mga nahihirapan. Superhero na trabaho kung maituturing, pero syempre, may kapalit na paggalang galing sa mga agents, at sweldo galing sa kumpanya. Pag alam na ng agent ang gagawin, saka lang ako makakapag-CR.


Ganyan ang trabaho ko ngayon. Masaya naman ako sa ginagawa ko. Hindi ganun kahirap dahil nakasanayan ko na. Madalas ako masigawan ng kausap ko sa telepono pero ayos lang, kasama yun sa job description ko. Kahit murahin ako ng paulit ulit sa wikang Ingles, ayos lang, di ko naman pinapansin yun gaano. Lumalabas lang sa kabilang tenga ko.


May kanya-kanya tayong hirap sa ginagawa natin ngayon. Dahil medyo magaan naman ang aking trabaho, at alam kong hindi naman kita kayang tulungan sa ginagawa mo, hayaan mo nang pangitiin ka ng mga simpleng ginagawa ko. Mga simpleng kumusta, mga simpleng hello, mga simpleng good morning at good night. Hindi naman kawalan sakin ang boses na ginagamit. Wala namang bayad ang mga salitang aking binibitawan.


Hindi mo kailangan magreply. Masaya na ako na napangiti kita.

“Kumusta? Heavy day ba?”