Tag Archives: mother and daughter dress

Team Kampeon Ng Pag-ibig sa Taytay Mega Tiangge

Yung may pera ka na extra, pwede kang bumili ng mga damit. Kung gusto mo makamura, tumawad ka. Ang problema, bawal tumawad sa mall.

Pero dahil may internet, pwede ka magsearch kung saan may tiangge.

At ayun na nga, napadpad kami sa lugar na to; ang Tiangge Capital of the Philippines – Taytay Rizal.

One ride lang yun galing sa V.Mapa. Dadaan na sa Tiangge yung G-Liner na bus papuntang Taytay. 44 pesos ang isa. May TV ang bus at dahil sa Stop N Shop kami nanggaling, nakaupo kami. O diba, lamang ang taga Maynila.

Yung mga sumakay galing San Juan, wala na maupuan. Tyempo na lang kung may bababa at dun lang sila makakaupo.

Pagdating namin sa Taytay, maraming Tiangge. Nagkalat sila. Kada kanto – meron. Pinaka-gusto ko yung Taytay Mega Tiangge, dahil mataas yung bubong nun. May mga Tiangge na kagaya ng Freedom na pareho lang sa 168 mga binebenta. Ganun din sa EMF, na puro ceiling fan naman ang nakakabit. Di na need imention yung ibang Tiangge tents, wala naman special sa kanila.

Yung 4-floors na Tiangge ang gusto ko sana mapuntahan, pero mukhang hindi pa buo. At hindi rin namin alam kung saan. This year lang yun nagbukas daw e, kaya hindi pa naupahan ng mga vendors lahatng floor. Mahirap siguro para sa mga vendor mag-akyat ng paninda pag ganun. Lamang talaga ang 1 floor Tiangge area lang.

Eto picture mga erps. Kwento down below kung ano ang Tiangge experience ninyo.

Floral Dress na target bilhin pero hindi binili. 200 pesos

with sydneysanggol

rows and rows of paninda with sydneysanggol

marami tao, promise. pero makakakuha ka ng moment mag picture.

marami tao, promise. pero makakakuha ka ng moment mag picture.

favorite Tent sa Taytay rows of Tiangge - Taytay Mega Tiangge

favorite Tent sa Taytay rows of Tiangge – Taytay Mega Tiangge

basics for mudra - top is tatlo isandaan. maong palda is 150 kung buena mano ka.

basics for mudra – top is tatlo isandaan. maong palda is 150 kung buena mano ka.

basic ni pudra - regatta style na top - 180 pesos. yung pants, 350 yan.

basic ni pudra – regatta style na top – 180 pesos. yung pants, 350 yan.

something for mother and daughter - 150 lang isang pair.

something for mother and daughter – 150 lang isang pair.

Hanggang sa susunod na Sunday – Famday. Aaaannnd Am OUT!