Tag Archives: Mt Pulag

5 Essential Things That I Forgot To Bring With Me To Mt Pulag

May mga bagay na talagang makakalimutan mo dalhin. Either nakalimutan mo isulat sa checklist, nakalimutan mo i-doublecheck sa checklist, nilabas mo na nung nag-iimpake ka pero hindi mo pinasok sa bag, o di kaya e pinasok mo na sa bag pero nilabas mo pa ulit dahil akala mo, hindi importante.

Nang nandun ka na sa trek, dun mo mari-realize na nagkamali ka. Sana dinala mo na lang. And now, you suffer the consequences.

I learned that the hard way. Hindi naman ganun ka-hard pero still, masakit pa rin isipin na may nakalimutan ako kahit na naglabas ako ng checklist before the climb.

Eto na sila.

Sunblock. Hindi kasi ibig sabihin na kapag malamig sa lugar na pupuntahan mo, e wala nang araw. Remember, you will be closer to the sun by 2,922 meters. Dapat nakapagdala ako ng Beach Hut. Sayang, sponsored pa naman.

beach_hut_sunblock_lotion

Shades. Isa pa to. Maaraw pagdating ng umaga, pababa ng summit. Maaraw din pabalik sa Ranger’s station. Kapag sumakay ka rin sa top load, medyo delikado rin kapag napuwing ka. Basta, need mo ng shades. Ok na yung nabibili sa ibabaw ng overpass sa Guadalupe. Tig-35 pesos lang yun.

shades

Bago tayo magpatuloy, like mo muna to:

Hand Gloves. Totoo, kailangan mo nyan. Pagdating ng dapithapon kung saan medyo nilalamon na ng ulap ang campsite 2, kailangan mong maging extra warm ang hands mo, lalo na sakin na may carpals. Naku! kulang na lang, ipasok ko sa brip ko yung mga kamay ko.

handgloves

Extra Water. Alam kong niremind na kayong magdala ng tubig, isang personal, at isang 1 liter of community water. Pero promise, kulang pa yun. I suggest, take 1.5 liters of Gatorade, 1 liter community water, 1 liter personal, and 500 ml na hand carry. Also, pag nakakita ng tindahan, bili agad ng maiinom. Mahirap na, baka sumama ang tyan sa mga tubig from the springs.

gatorade

Extra Baby Wipes. Hindi kasi pang cleaning lang ng hands yan. Minsan talaga, kailangan mong mag-go sa mga gilid to do your thing, at ang best na pang-wipe ay wet wipes. May iba din na makakalimot magdala, at chance mo na yun ilabas ang iyong chivalry.

wetwipes

Ayan ang lima. Importante sila according sa experience ko. Subukan niyo rin umakyat at i-kwento niyo sa akin ang experiences niyo.

Travel Factor HQ Brings KnP To Mt Pulag

Pababa na kami ng bundok sa mga panahon na lalabas itong article na ito. First time kong gagamit ng scheduled posts at wish ko lang na gumana siya.

conquer pulag

tf we know adventure

tf we know adventure

Kagaya na lang rin ng pag-alaga ng Travel Factor HQ sa inyong Kampeon Ng Pagibig.

Isa akong Senior Travel Coordinator para sa Travel Factor HQ, pero may secret akong sasabihin sa inyo. Hindi pa ako naka-akyat ng Mt Pulag ever. Ngayon pa lang. At maswerte ako dahil si Master Pulag Ron Rabadon ang nag-lead ng trip.

Ang parati kong palusot, beach ang specialty ko. Ang totoo, takot ako sa mga akyatan. Patakbuhin mo na ako sa flat surfaces, patalunin mo na ako sa mga vaults and rails, pero pagdating sa assault, medyo aloof ako.

Kung hindi pa ako magbi-birthday this month, baka hindi ko pa tinuloy ang climb na ito.

2.9km above sea level. Iniisip ko pa lang, nalulula na ako.

Abangan na lang ninyo ang pictures ko sa instagram, at mga rants ko sa twitter. Pero sa ngayon, like muna kayo dito:

 

Preparing For Mt Pulag – CHECKLIST

Powered By Travel Factor HQ.

Bago ang lahat, i-like muna tong mga to:

Paakyat kami mamaya sa Mt. Pulag, ang ikalawang sa pinakamataas na lugar sa Pilipinas, sunod lamang sa Mt. Apo.  May isang buwan ko rin kinokondisyon ang utak ko, pero hindi ko alam kung kaya ng katawan ko.

Bukod sa galing ako ng injury, nagkasakit pa ako nung Monday dahil sa biglang pag-ulan sa amin. Hassle dahil hindi ako nakapag-training. Kulang talaga.

Buti na lang at kasama ko si Master Pulag Ron Rabadon sa pag-akyat. Siya ang Lead Coordinator for the trip. Support lang ako. Taga-hello lang ako sa camera.

Speaking of which, magdadala din pala ako ng camera. Teka at icha-charge ko lang.

,,

Gusto ko sana na bigyan ninyo ako ng malupit na goodluck. In return, bibigyan ko kayo ng checklist sa pag-akyat sa bundok, o kahit na anong adventure.

  • charged batteries. lahat ng klase mula sa celphone, powerbank, AA batteries.
  • camera.
  • flashlights, headlamps.
  • jacket, kumot. kahit summer pa yan, malamig sa gabi. malamig din sa bus.
  • shades, cap, bonnet.
  • wallet, id.
  • toiletries.
  • plastic bag, ziplock.
  • extra undies and socks.
pulag essentials

pulag essentials

Yan naman ang mga pinaka-importante. Ako, pinicturan ko yung nakalatag sa kama ko. Buti na lang, sinabihan ako ni KnP01 na walang brip, muntik ko na makalimutan.

Pag hindi ako nakabalik, mami-miss ninyo ako.

Travel Factor Coordinator Ron Rabadon Will Climb Mt Pulag For The 50th TIME

#GoldenClimb
Mar 1-2, 2014
Travel Factor

Mount Pulag (or sometimes Mount Pulog) is the third highest mountain in the Philippines. It is Luzon’s highest peak at 2,922 meters above sea level. The borders between the provinces of Benguet, Ifugao, and Nueva Vizcaya meet at the mountain’s peak. (from Wikipedia)

Ron Pulag 50

Ron Pulag 50

Nakakatuwa lang na sa pang-50 na pagkakataon, aakyat ng Mt Pulag si Ron habang ako, never pa akong nakatuntong doon.

Nakakasama ko siya kapag may mga HQ Night, interview for new applicants, at training trips ang Travel Factor. Ambilis lang din ng panahon at pang singkwentang pag-akyat na pala niya ito.

Mabait si Ron. Maalagain sa mga kasama. Matalino at magaling makipagkapwa. Maayos siyang makitungo sa kapwa niya coordinators at sa mga participants. Magaling siya magluto at mag-prepare ng mga pagkain. Macho at malakas ang pangangatawan. Kaunti na lang, matatapatan na niya ang kagwapuhan ko. Kung gugustuhin niya, maaari siyang mapabilang sa mga Kampeon Ng Pag-ibig.

Master Pulag Ron pitching

Master Pulag Ron pitching

Kung susumahin, siya ang aming Master Pulag. Tinanghal siyang Coordinator of the Year ng Travel Factor noong 2012.

May girlfriend ata siya ngayon sa pagkakaalam ko.

Iniimbitahan niya tayona samahan siya sa kanyang Golden Climb to Mt Pulag sa March 1-2. Biyahen Victory yun. Marami pang slots. Hinding hindi kayo magsisisi kung siya ang magiging coordinator ninyo. Kung ako nga ay kukuha ng Mt. Pulag trip para mag-assist, gugustuhin ko na siya ang mag-lead. Iba ang ma-train ng isang Master Pulag.

Kung gusto ninyo mag-sign up sa climb, click lang sa LINK NA TO.

ITINERARY
Day 0
Assembly time at 09:00PMDay 1
Arrival in Baguio
Arrival in Ranger Station, Lunch
Start of the trek
ETA at the campsite
Overnight at Mt. PulagDay 2
Wake up early
Start with the Summit Assault
Sunrise watching
Breakfast
Start of the trek down
Arrival in Ranger Station. Wash-up
Arrival in Baguio
Depart Baguio to Manila

Day 3
ETA Manila around 03:00 AM

INCLUSIONS
RT Bus Transfers: Manila-Baguio-Manila via Victory Liner
RT Jeep Transfers: Baguio-Ranger Station-Baguio
Included Meals: Day 1 – Lunch, Dinner; Day 2 – Breakfast, Lunch
All Guide and Conservation Fees (Mt. Pulag National Park)
1N Tent Accommodation
Travel Insurance
Travel Factor ID and Tshirt
Byaheng Victory souvenir
 

Darating din ang araw, maaabot ko rin ang mga naabot mo. Kahit isang beses lang.