Tag Archives: nabaril

2 months na!

It has been 2 months since nabaril ako. Dalawang buwan. Yung unang bala ng holdaper, naiwasan ko. Yung pangalawa ang hindi. Hindi lahat ng tao ay nababaril. Hindi rin lahat ng nababaril ay nakapagse-celebrate ng 2 months.

Well, pano ako nag-celebrate? Gaya ng dati, tumakbo ako. Sinamahan naman ako ni Lord Lacson. Sa The Fort kami tumakbo.

Andaming runners dun. Habulan kung habulan. Takbo ng takbo. Nakita pa nga ata ni Lord si Venus Raj e. Sayang di ko nakita dahil busy ako sa paglalakad.

Hinahanda ko kasi ang sarili ko. Gusto ko kasi mag sub-Piolo sa isa sa mga runs ko within this year. Hindi ako sure kung kaya ko na, pero susubukan ko.

Siguro nga gawa na ang bala na makapagpapatigil ng pagtibok nito, pero hindi ko hahayaan kailanman na mahabol ako.

Out of danger

Kakadischarge ko pa lang sa ospital. 3pm kami nakalabas ng Lourdes. Andito na ako ngayon sa bahay para magpahinga. Namiss ko na ang computer e.

Sa mga hindi po nakakaalam, eto po ang nangyari sakin.

Saka ko na iku-kwento. Basta ang importante, buhay ako.

Salamat sa mga parents ko, sa mga kapatid, kamag-anak, kapitbahay, kaibigan na nagbibigay ng lakas ng loob. Naging mas madali ito dahil andyan kayo.

Salamat sa nagdala sa akin sa ospital at umasikaso sa akin sa ER.

Salamat dun sa mga umasikaso sa akin sa ospital mismo; mga nars, doktor, staff, guard, pati mga madre.

Salamat nga pala sa lahat ng nagdasal, dumalaw, nagpadala ng greetings, nagcomment sa facebook, nag-like sa fanpage ko at mga nagdala ng pagkain sa ospital. Natutuwa naman ako at marami pa rin talagang nagmamahal sa akin.

Salamat din sa Letgosago.net, Iamkcat.blogspot.com at tiarara.com

Hindi pa gawa ang bala na makapagpapahinto ng pagtibok nito.

Higit sa lahat, salamat sa Poong Maykapal at biniyayaan ako ng 1UP.