Tag Archives: nagcarlan

Resort Review: Carayan Resort & Tourist Inn of Majayjay, Laguna

formerly DJRG Resort

Naaalala ba ninyo yung post ko tungkol sa pagtalon sa Waterfalls? Dito kami nag-stay sa buy Seroquel with a visa Carayan Resort sa Majayjay, Laguna. Actually, kaya lang naman siya naging Majayjay dahil nakalampas na ng tulay, pero kung geographical location at lapit sa bayan, mas malapit siya sa bayan ng Liliw.

Carayan Resory and Tourist Inn

Carayan Resory and Tourist Inn

Malamig ang tubig sa resort. Galing ang tubig sa batis na dumadaloy mula sa iba’t ibang parte ng kabundukan ng Laguna. Balita ko nga, galing pa raw ang tubig sa Taytay Falls ng Majayjay. Kinwento lang yun nung nahuli namin na crispy crablets.

Double Pool at Carayan

Double Pool at Carayan

Maganda ang resort. May ari ng scrap/junk shop yung owner kaya hindi sila nagkukulang sa kagamitan. Yung mga upuan, galing sa foodcourt. Kumpleto sa sofa lahat ng kwarto. Kumpleto sa kama. Kumpleto sa ilaw. Pati mga paso at basurahan kumpleto din.

Carayan Resort & Tourist Inn

Carayan Resort & Tourist Inn

Sa pag-visit mo sa Carayan Resort, tandaan mo na a were to buy Pregabalin ng mga gripo ay hindi dapat pinapatay. Sa lakas ng current ng batis, puputok daw ang mga PVC pipes pag pinatay mo ang mga gripo at inipon ang pressure. Libre ang tubig dun at pwede inumin. Yung tubig sa kanilang dalawang swimming pool, palit lang ng palit dahil sa tubig sa batis.

Organic din ang pagkain. Yung Pakô, kinukuha lang nila sa bakuran. Yung crispy crablets, hinuhuli lang nila sa batis.

buffet plating at Carayan Resort

buffet plating at Carayan Resort

Ang sarap mag-stay dun. Di mo kailangan ng aircon dahil presko ang paligid. Mura lang din ang entrance na P50 per head. Ang mga kwarto naman ay nasa P1,250 maximum per night.

Matatawaran pa basta yung may-ari ang kausap mo.

me talking in fron of Carayan Resort

me talking in fron of Carayan Resort

ready to take on the cold waters of Carayan Resort

ready to take on the cold waters of Carayan Resort

I really recommend the place kung plano ninyo bisitahin ang Laguna Trifecta (Nagcarlan-Liliw-Majayjay). Nasa gitna siya ng lahat at kumpleto na sa gamit. Mabait pa yung may-ari.

Carayan Resort & Tourist Inn
(Formerly DJRG Resort)
Brgy Panglan. Majayjay, Laguna
049 545 9136 | 049 545 0521
www.carayanresort.com

*nasabi ko ba na may videoke machine na P5.00 per song?

Blogger na Hiniwalayan ng Girlfriend, Tumalon Mula Sa 3-Storey Kataas

na Waterfalls sa Laguna.

Hindi na napigilan ang blogger na ito (itago natin sa pangalan na Pepi) sa pagtalon mula tuktok ng Bunga Falls sa Nagcarlan, Laguna. Tinatayang may 15 meters din ang taas ng waterfalls na may 5-10 minutes na trail hike.

sinusubukan pa muna kausapin ng mga locals si Pepi bago ito tumalon

sinusubukan pa muna kausapin ng mga locals si Pepi bago ito tumalon

Kakaiba ang talon na ito. Hindi kagaya ng maraming mga talon sa Pilipinas, ang Bunga Falls ay “Twin Falls”. Para kasing dalawang tumatagas na gripo ito. Kung gaano kataas ang paglaglag ng tubig, ganun din kalalim halos ang tubig sa ilalim ng talon.

Kaya naman safe ang pagtalon mula sa tuktok ng waterfalls.

Ang technique lang sa pagtalon sa Bunga falls, tatargetin mo lang yung gitna ng dalawang umaagos na tubig. Kitang kita naman yun pag nasa taas ka na. Hindi ka magkakamali.

Sukatan ng pagkalalaki ang pagtalon sa mga ganitong klase ng nature-made beauty. Sa pelikula ko lang din to unang nakita, pero ngayon, pwede na ma-experience ito sa Nagcarlan.

kailangan huminga ng malalim at ihanda ang lalamunan sa pagsigaw bago tumalon

kailangan huminga ng malalim at ihanda ang lalamunan sa pagsigaw bago tumalon

Para makapunta sa Nagcarlan, pwede ka mag jeep either from Sta.Cruz or San Pablo, Laguna. P30 pesos din ang jeep, depende kung san ka bababa. Magta-tricycle ka na lang mula sa bayan ng Nagcarlan papunta sa jump off point ng Bunga falls.

May 5 pesos na environmental fee na sisingilin ang isang ale bago pa bumaba sa Waterfalls.

Eto ang video footage ng pagtalon sa Bunga Falls:

Salamat kay Jinkee Umali ng Calamba-Online.com para sa pictures.
Salamat kay Gigi Celemin-Beleno ng MommyGiay.com para sa video.