Tag Archives: ngipin

Kwentuhang Toothpaste With @SydneySanggol and Gumtect. #ProtectWithGumtect #AMouthfullAdventure

Hello Champs,

10 months ago, kinukuwentuhan ko ang unborn daughter ko tungkol sa mga toothpaste. Ugali ko nang magkwento sa kanya ng kung anu-anong mga bagay. Sabi kasi sa mga nabasa ko, nakakatalino daw sa mga babies yung ganun.

I was talking to her about brushing her teeth kahit na alam kong hindi pa makukumpleto ang mga ngipin niya until she is seven years old. I was telling her the different brands available on the market. I advised her to use Gumtect kahit hindi ko alam kung sino ang manufacturers ng Gumtect.

I first came across the toothpaste brand after ko magpa oral prophylaxis nung wala na akong braces. ALam mo naman, pag nagpa-braces ka, gagalaw ang buong bibig mo at maiiba alignment ng mga ngipin mo. To support my arranged set of dental whites, dapat – healthy din ang gums; at hindi pwede ang puchu-puchung toothpaste. Hindi pwede yung mga mababango lang sa hininga. Dapat, yung may special formulation para maalagaan at matulungan mag regenerate ang gums na susuporta sa ngipin.

Dun ko nakita ang Gumtect.

Uy Gumtect!

Uy Gumtect!

Sa mga ayaw mahirapan sa pag-Google, Oral Prophylaxis simply means paglinis ng ngipin with your dentist. Libre yun sa health card mo twice a year.

Last week, I was lucky enough to join a food crawl sa Maginhawa para masubukan ang iba’t ibang lasa at sensation sa bibig. Hindi ito first time para sa atin. Araw-araw tayong nakaka-experience ng mainit na sabaw, malamig na dessert, at matitigas na pagkain. Hindi rin nawawala sa atin ang matatamis.

Lahat nang yun – nakaaapekto sa kundisyon ng ating bibig.

And of course kailangan natin ng partners na malupit para alagaan ang ating gilagid.

Hindi na ako magpapaikot-ikot sa kwento dahil nasabi ko na ang gusto ko sabihin. Enjoy the pictures and videos na lang, dear champions.

Malamig na Dessert

Malamig na Dessert

matamis na cake

matamis na cake

matigas na karne

matigas na karne

Cold Ice

Cold Ice

Kramer Video Bomb

Kramer Video Bomb

mainit na sabaw

mainit na sabaw

Oo nga pala, may commercial sino Doug at Cheska ng Team Kramer. Pagtawanan natin yung mga pasigaw-sigaw nila.

 

with Gumshield Plus.

Kita kits sa next adventure!

DENTAL BRACES by Ghorbel Concept Dental Clinic and Deal Amigos

May nag-comment sa isa sa mga blogposts ko; tinatanong niya sakin yung tungkol sa braces na nakuha ko mula sa isang magandang promo sa Deal Amigos.  Basically, eto ang comment/inquiry niya:

KATHY July 18, 2012 at 6:17 pm

Hi. How was the procedure at Ghorbel’s clinic? I am also planning to buy the promo deal at DealAmigos with Ghorbel’s orthodontic braces? Please share your experience. How was she? What type of braces is offered for that deal? Ok naman ba ang DealAmigos? How much did you spent before the actual procedure? Ok ba si Dra. na dentist? Does she know what’s she doing? Appreciate your thoughts here. sorry dami tanong ha. I hope for your feedback asap.

Masaya naman ako at dahil may nakakabasa rin pala ng blog ko, mahirap naman na sagutin ko sa comment section lang din yung mga tanong niya. Kaya iisa-isahin natin, at hihimayin yang mga tanong at sasagutin natin yan.

Dental Braces by Deal Amigos and Ghorbel Concept Dental Clinic

Dental Braces by Deal Amigos and Ghorbel Concept Dental Clinic

The process.

Simple lang to, bumili ka lang ng deal sa Deal Amigos worth P2,500. That would be good for one arc (upper or lower). Ako, isang deal lang binili ko sa Deal Amigos dahil parang nag-sign up ka lang sa promo nila. Then, tumawag ako sa number na nasa deal (click mo yung picture sa taas) para magpa-schedule.

Pagdating ko sa clinic for my schedule, naka-prepare na yung pipirmahan ko. Nakasulat doon ang deal number from Deal Amigos. Consultation na ang kasunod.

I have to fix my upper and lower arch kasi, at wala naman problem dun. Kinabitan ako ng braces sa upper set of teeth ko and my deal took care of it. I was scheduled to come back after 2 weeks for my lower set to be braced. Pagbalik ko na lang ako magbabayad ng additional P2,500.

Pero syempre, Doc Fathima will require you to have your panoramic x-ray submitted to her ASAP. May ire-recommend siyang clinic sa may Rob Galleria. Bibigyan ka ng recommendation slip na nakasulat doon kung anong mga x-ray ang kailangan mo. 2 sets of x-rays yun. isang panoramic, isang bite. 800 pesos each so you need to prepare at least P1,600. Importante to para mapag-aralan ng mabuti ang gagawin sa ngipin mo.

Aftewhich, you need to be scheduled every month for adjustment. P1,500 ang bawat adjustment and you need to complete them for at least 2 years.

Nakaka-apat na visit na nga ako and every visit is very memorable. May bagong dentist si Doc nung last na visit ko at kasing gorgeous niya si Doc Fathima.

Me on Mellow947. First picture with braces on

Me on Mellow947. First picture with braces on

The Clinic

Pagpasok mo sa Philippine Stock Exchange building, lumiko ka sa kaliwa, lumagpas ka sa mga elevators. Nasa sulok sa kanan yung clinic niya. Parating may tao dun kaya wag ka matakot.

Parati rin malakas ang music. Pwede ka pa mag-request ng mga kanta, wag lang yung mga heavy metal dahil baka hindi maka-concentrate si Doc.

May waiting area dun na kapag nakaupo ka ay nakaharap ka sa pader. Merong mga magazines sa ilalim ng upuan. Wag kang matakot na pakialaman yung mga yun. Wag mo lang iuuwi.

Paborito ko dun yung magazine tungkol sa mga pagkain. Nakakagutom yun at di mo maiisip na nasa dental clinic ka.

The Dentist

Dr. Fathima Ghorbel ang name nun dentist. Maganda siya, as in. Gorgeous na, friendly pa. Hindi siya pure pinoy by blood, foreigner kasi ang dad niya. Sa CEU siya nag-dentistry. Hindi na ako magkukwento ng marami dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Hahahaha.

Basta, makikita mo ang vacation pictures niya pag nakaupo ka sa dentist chair sa loob ng clinic niya. Adventurer din kasi siya. Hindi ako nabo-bore tuwing bibisita ako doon.

Subukan mo mag-subsrcibe sa kanya sa FB para makita mo na galing siya sa Boracay recently.

Magaling siyang dentist. You can ask her anything from your jaw bones to bad breath. She can explain things to you very well. Yung fear of dentists mo, mawawala pag siya ang dentista mo.

At nasabi ko na bang may isa pa siyang dentist sa clinic? Cute yun! Di ko ma-remember ang name basta crush ko siya.

*****

If you are looking for the a dentist na mapagkakatiwalaan mo with regard to your braces, I will recommend no other. You should really get the promo from Deal Amigos and call her clinic now. Let Ghorbel Concept Dental Clinic bring a smile to your face.

Dahil… mas masaya ang mundo pag maraming naka-smile.

Location: Unit EC-05A, Gf, beside security bank, East Tower, Philippine Stock Exchange, Ortigas Center, Pasig City
buy cheap Pregabalin Phone 02-661-6270 /09199918088 .
Email ghorbelconcept@yahoo.com

*Ayan Doc, bentang-benta ka na sa blog ko. Dapat magpa-ice cream ka sa next visit ko!

P:MM – Agawan

Ito ay medyo naku-kwento lang sa akin ng nanay ko. Sobrang bata pa kasi ako noon, 4 yrs old ata, at konti lang ang naaalala ko.

Meron kaming favorite kumot sa pamilya. Paborito ito dahil malambot ang tela niya at maganda ang design. Sa tatay ko ang kumot. May pangalan na NOEL sa bandang gilid nito.

Pag bumangon na ang tatay ko, iiwan na niya sa kama ang kumot. Kapag naalimpungatan ako at napansin ko na hindi na niya gamit ang kumot, kinukuha ko na ito. Nakikipag-unahan pa sa akin ang kuya ko para sa kumot.

Isang umaga, pagkabangon na pagkabangon ng tatay ko, bumangon kaagad ako para kunin ang kumot. Sabay na sabay kami ng kuya ko sa pag-abot sa kumot.Nakuha ko ang bandang dulo pero mas matalino siya kaya yung bandang gitna ang nakuha niya.

Hindi na kami nag-usap pa. Nang magkatinginan kami, alam na namin kaagad ang gagawin.

Tug o’ War.

Di hamak na mas malakas ang kuya ko sakin. Kahit isang taon lang ang tanda niya, mas mataba at mas matangkad siya. Unti-unti siyang nananalo sa hilaan ng kumot. Kahit na buong pwersa ng mga kamay ko ang gamitin ko, hindi ko pa rin maagaw sa kanya ang kumot.

Pero hindi ako magpapatalo.

Kinagat ko ang dulo ng kumot. Gamit ang mga ngipin ko, sinabayan ko ng hila ang ang mga kamay ko. Magandang ideya.

Pero hindi ako nagtagumpay.

Natanggalan lang ako ng ngipin. Dumudugo ang bibig ko. Nanalo ang kuya ko sa Tug o’ War. Bukod sa kumot na napanalunan niya, may bonus pang ngipin.

Mula noon, natu-trauma na ako sa mga Tug o’ War. Ayoko na makipag-agawan, lalo na kung alam ko na mas malakas ang kalaban.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.