Tag Archives: nora aunor

#MMFF2016 Review : Kabisera

Sa dami ng tanong natin sa Extra Judicial Killings, isa lang ang masasagot ng film na to… Wala pang nangyayari, at walang umuusad na kaso.

Honestly, hindi ko alam ang dapat kong ma-feel. I am pro justice, at kung may kasalanan nga sila Mang Tunying, dapat silang maparusahan, pero hindi sa paraan na pinakita sa movie.

I was skeptic while watching the movie. Umaandar ang pagka-DDS ko. Nag-init ang ulo ko nung makita ko ang Commission on Human Rights. Eventually, nainitindihan ko rin ang gawain nila. I am going to understand things better because of this move.

Also, we should place people on the courts and start moving things.

kabisera

kabisera

I congratulate Ate Guy. She takes acting and slow sequences to a totally different level. I can not think of anyone that can substitute for her greatness.

Yung mga anak din sa movie, sina JC De Vera, they are effective in giving life to their part.

Amen?

Next movie na tayo. Bigat eh.

Movie Review: HIMALA Digitally Remastered Version.

starring Nora Aunor. directed by Ishmael Bernal.

Classic ang movie na to. Maraming international awards and applauses ang nakuha nito dahil sa story line at magandang pag-arte.

Classis rin yung mga lines na ngayon ay ginagamit na sa mga comedy bars. Mahirap na tuloy para sa isang new blood na katulad ko na seryosohin ang pelikula. Bastos na sigurong maituturing pag tumawa ako sa bawat exaggerated takbo at pagbigkas ng WALANG HIMALA ni Ate Guy.

Himala restored and remastered

Actually, never ko pa talaga napanood ang movie until kahapon nang pinalabas ito sa SM Cinemas para sa kanilang December 8 FREE MOVIE Day. Pinagyayabang kasi ng SM na ang lahat ng sinehan nila ay Digital na ngayon. Mas maganda naman talaga ang graphics ng digital movies. Wala nang trabaho ngayon ang mga lagarista na nagbibitbit ng mga films from one film house to another.

Mabalik tayo sa kwento.

Si Elsa ay isang babae na pinapakitaan daw ng birhen sa isang burol sa Cupang. Dumagsa ang tao nang mabalitaang kaya niya manggamot ng kung anu-anong sakit. Ang media naman ay nakisawsaw din dahil nga naman may istorya.

Totoo nga bang pinagpapakitaan si Elsa ng mahal na birhen?

Well, sabi nga nung direktor, hindi nagsisinungaling ang camera. Feeling ko tuloy, isa ako sa mga nakikisawsaw na media man noon. Kung andun ako, magpapaka-blogger ako at kukuha ng photos sa bawat kaganapan. Hahanap pa ako ng magandang timing at maayos na angles. At syempre, gaya ng iba, isusulat ko rin sa blog ko kung ano ang naging experience ko nung binisita ko ang Elsa’s Shrine.

For The Pinoys.

Ang storyline ng Himala ay sumasalamin sa ating mga Pinoy na mahilig sa istorya. Mapatotoo o hindi, basta naisalin ng mga bibig, maituturing na tsismis. Wala na tayong paki-alam kung masaktan man ang damdamin ni Amalayer Girl o magmukhang tanga si Cris Lao. Ayos lang din sa atin na ma-bully si Carabuena dahil igaganti lang naman natin yung MMDA enforcer.

Yung mga istorya na sinusulat ko sa blog ko, wala dapat layunin kundi kabutihan. Yan ang homily nun pari sa pelikula.

Remastered Version.

Maganda na yung pelikula, pero hindi naa-appreciate ng mga tao ngayon dahil panget ang quality ng film. Buti na lang at ni-restore nila ang movie. Hindi na masakit sa kalooban panoorin. Hindi na masagwa sa mata.

Himala restored

Yung mga madidilim na parte ng movie, ganun pa rin. Mahirap ata i-restore yun. Hindi mo na masisingitan ng lighting.

Pero yung grains, naalis pa naman. Mas masarap na panoorin ang monologue sa burol.

WALANG HIMALA!