We all love the ocean. Ito ang nagpo-produce ng mga paborito kong food gaya ng hipon, tuna, squid, at sardines. Masaya din mamangka at mag-explore ng seven thousand islands ng Pilipinas. Yung mga pictures under the sea, naku, parang nasa ibang dimension ka. Ibang mundo talaga.
Sa karagatan nanggagaling ang oxygen na bini-breath natin, contrary to popular belief na mga puno ang primary source of oxygen. Three-fourths ng katawan ng tao, tubig. Two-thirds ng earth, tubig. Kung tingin mo e nalibot mo na ang mundo, try mo libutin ang ilalim ng dagat. Promise, kahit si Magellan, hindi magagawa yun.
May friend ako na si Jack, sa sobrang love niya sa ocean, e dun na siya nahimlay; cue in Jack from Titanic.
Yung isa ko ring friend, nakakalimang movie na ata sa tubig. Cue in Jack Sparrow from Pirates of the Carribean.
Kaso, marami tayong hindi naiintindihan tungkol sa preservation at care ng ating mga yamang dagat. Bukod sa pag-iwas sa single use plastics, ang pag-aalaga sa marine bio-diversity ay magbebenefit ng malaki hindi lang sa mga nakapaligid na mamamayan ng isla, kundi sa mga future generations din na gusto pang makatikim ng kilawin at inihaw na panga.
Kung meron tayong dapat pigilan, yun e yung mga katangahan na pagtatayo ng Marine Park para ma-feature ang mga corals, na hindi naman talaga kailangan dahil pwede ka mag feature ng corals in their natural habitat. Yung Nickelodeon marine park sa Palawan, I think katarantaduhan yun.
Isa sa mga skills na gusto ko rin matutunan ay ang pagsisid ng perlas. Wala lang, gusto ko lang banggitin.
Also, para makahanap ka ng mate mo, I think you should go to school, kagaya na lang ng mga schools of fish sa dagat. Another random thought.
If you want to see and learn more about the ocean, pwede ka bumisita sa Solaire Hotel & Casino. Starting today, June 8, hanggang June 22, makikita sa exhibit ang iba’t ibang pictures mula sa mga famous Marine Protected Areas gaya ng (1) Tingloy, Batangas , (2) Apo Island in Negros Oriental, (3) Tubbataha in Palawan, and (4) Tañon Starit in the Visayas. Makikita dun ang mga litrato na kuha nin Anna Verona, a marine photographer-goddess, and Danny Ocampo, an award winning underwater photographer-rockstar.
All prints and portraits, including postcard versions, are sponsored by Canon Philippines. This is made possible by Tubbataha Reefs Natural park amd several MPAs. The gallery is supported by the Department of Tourism and sponsored once again, by Solaire Hotel & Casino.