Tag Archives: opisina

Cancelled ang Sagala sa Opisina

*at hindi ako sinabihan.

Well, hindi naman ako ang sasagala e, pero ako kasi ang Team Lead at trabaho ko na sabihan ang mga agents ko kung tuloy ba o hindi ang isang event na dalawang linggo nang pinag-uusapan.

Paano ba naman, rest day ako ng Tuesday-Wednesday. Thursday ang event. Yung Reyna ng team ko, pareho ng rest day ko.

Kung hindi pa nakipag-chikahan si Pentells sa dati niyang TL, hindi pa namin malalaman na postpone until further notice ang event.

Nakapagpa-parlor pa naman yung agent ko. Handang handa pa naman yung gown niya. Naka-ready din yung arko na gagamitin. Yung isa ko ngang agent, hindi ko man sinabihan na siya ang magiging escort, alam ko na naghanda dahil iba ang pabango niya ngayon. Tapos malalaman ko lang na hindi pala tuloy.

Badtrip di ba?

Yung mga beki daw sa opisina ang nag-request. Wala pa raw kasing sahod kaya wala pa silang pambili ng mga gagamitin nila sa sagala.

Mga poor ba sila? Wala ba silang connections? Wala ba silang mahihiraman?

Anubayan!

Well, at least alam ko na ang team ko, maaasahan pagdating sa mga ganitong pagkakataon.

 

Computer Chair

Computer chair na limang gulong ang ginagamit namin na upuan sa trabaho. Komportable ang bawat upuan, may tamang taas na armrest, at may sandalan na nari-recline. May sariling curve din ang sandalan para hindi sumakit ang lower back mo.

Over the years, nagkakaroon din ng wear and tear ang mga silyang ito. Kahit na malambot pa rin ang cushion nila, at nasa-korte pa rin ang curves, hindi maikakailang nasisira rin ang mga gulong. Hindi na sila ganoon ka mobile para i-usod mo at makapag kwentuhan ka sa katabi mo. Hindi na rin siya napagagamit na parang shopping cart kapag marami kang dala. Hindi na rin siya nagagawang skateboard na pag tinulak mo ng medyo mabilis na e sasakyan mo.

Teka, upuan ang purpose ng computer chairs na ito. Dinisenyo sila para komportable kang nakaharap sa computer mo at magtype ng blog.

Hindi dapat tayo umaangal sa kakulangan ng “extra feature” nito na may gulong. “Extra feature” lang yun.

Ganunpaman, naiintindihan ko ang importansya ng ganitong pagkakaroon nito ng limang gulong. Naiintindihan ko rin na kasama sa binili ng kumpanya ang “ease of movement” kapag gamit mo ang computer chair na ito. Naiintindihan ko ang pagiging special ng mga upuan na ito kumpara sa mga regular na upuan.

Ganun kasi tayo. Parati tayong naghahanap ng special. Parati tayong naghahanap ng extra feature. Nakakalimutan natin na ang essence ng isang chair ay naroon pa rin kahit nasira na ang mga gulong nito.

Lahat tayo ay naghahanap ng special something sa mga gusto natin sa buhay. Ganun talaga e.

Kanina, dumating si manong. May dala siyang mga extra na gulong. Tatanggalin ang mga sira at papalitan ng bago. Maliit na parte lang ang mga gulong pero babalik ang sigla ng buong computer chair kapag wala na ang mga sirang gulong.

Isa isa niyang ininspeksyon ang mga upuan para palitan ang mga sirang gulong. Gamit ang ordinary screwdriver, tinanggal niya ang mga sira. Gamit naman ang kanyang lakas sa pag-ire, kinabit niya ang mga bago.

Napalitan na ang mga sirang gulong ng mga computer chair sa amin. Meron na ulit silang ease of movement. Ang “extra feature” nila ay nakabalik na.

Ako, nagaantay lang ako ng taong magpapalit ng mga sirang gulong ko. Sure ako pag napalitan ang mga sira kong parte, magiging fresh as new rin ako, gaya ng mga sirang computer chair sa opisina namin.

Thanks to Timothy Dia for the image.

18-days straight

Sa trabaho namin sa kolsener, pwede kang makipagpalit ng iskedyul mo sa ibang mga katrabaho mo. Kadalasan ginagawa ito kapag may biglaang lakad ka at hindi ka na-approve sa mga paga-apply mo ng leave.

At dahil may planado kaming lakad sa Sept19-24, nakipag swap ako. Sa ngayon, nasa pang 13 na araw na ako para kumpletuhin ang aking 18-days straight na trabaho. Pagsakay lang sa jeep ang pahinga ko. Hindi ko kasi ugali ang mag-absent dahil bukod sa nakakabawas ng sweldo yun, nagiging pabigat ka lang sa team pag uma-absent ka.

Saan ba kami pupunta sa ganoon kahabang araw?

Taun-taon kasi, nagbibertdey ang papi ni Hon. Ewan ko ba kung normal ang pagbibertdey taun-taon kasi ako, every after 2 years lang. Pero doon kasi sa mala-siyudad nilang probinsya, masarap mag birthday. Parang piyesta ang handaan. Always present ang litson. Hindi nawawala ang cake, at never uma-absent ang beer.

Hindi kagaya noong isang taon, sampung araw kami nagbakasyon; ngayon, mga isang linggo lang. Pero pwede na yun kasi ngayon, Ramadan Holiday at mas maganda dahil walang pasok si Papi. Pwedeng pwede kami maglamyerda.

Sure ako, masasarap na naman ang pagkain at tataba na naman ako.

Kita-kits na lang tayo ulit.

Pero ngayon, limang araw pa bago matapos ang aking 18-days straight.