Hay salamat.. matapos ang kalbaryo sa trabaho, eto na ako sa bahay; nagpapahinga, at nagiimpake. Bakasyon ito. Kahit limang araw lang, isang magandang opporunity na rin ito para makapagpahinga at makapag refresh.
Pangatlong beses ko nang pagpunta ito sa Ozamiz City. Dun kasi ang matatawag na “homebase” ni Hon.
Nung una, ganitong panahon din yun. Birthday din ng papi ni Hon Napakasarap nun dahil 10-days ang vacation namin.
Yung pangalawa naman, birthday naman ng mama ni Hon. Although nagpunta nga kami sa Ozamiz, ang highlight naman ng bakasyon na yun e yung pagpunta namin sa Davao.
Sa trending na ganito, tuwing birthday lang nakikita ni Hon at ni Ate Khalene yung parents nila. Syempre, happy ako para sa kanila. Eto yung mga panahon na kailangan nila ng quality time. Buti na lang meron mga birthday na tinatawag.
At syempre pa, dahil nga bakasyon ito, dapat walang makalimutan na gamit.
Tignan muna natin ang checklist ko.
- Sun block
- Cellphone at charger
- Camera at charger
- toiletries (deo, tutbras, gel, pabango)
- undies and hankies
- swimming gears (shorts, goggles)
- sleeping attire
- daily attire
- porma attire
- extra plast
- ID at pera
Sabi nga ng Degeneration X.. “Are you Ready?”