Tag Archives: pacman

Pacquiao vs Bradley Online Streaming

Bago pa magsimula ang laban, at habang naglalagay ng boxing gloves ang pambansang kamao, gusto ko muna magshare ng konting links:

http://pacquiaovsbradley.nowstreaminglive.com/
http://www.sgylove.info/2012/06/watch-pacquiao-vs-bradleylive-stream.html#.T9PsobXLxJ1
http://bit.ly/LbKzOJ
http://www.phnoy.com/2012/06/pacquiao-vs-bradley-live-stream.html
pacquiao vs bradley

pacquiao vs bradley

Nanunuod ako sa isa sa mga links na yan.

Enjoy!

Go Pacman

* congrats nga pala sa Miami Heat. sila ang lalaban sa OKC para sa NBA Finals.

Pineda, Pacquiao at ang Rosaryo

Sabi ng iba, mas pang knockout pa raw ang pagkanta ni Arnel Pineda ng “Lupang Hinirang” kesa sa mga suntok ni Pacquiao ke Clottey.

Pero dahil nga sobrang konserbatibo ng mga Pilipino (na hindi ko naman maintindihan kung bakit), binabatikos na naman ang pagkanta ng lupang hinirang. sa lahat ng kumakanta ng lupang hinirang – pinagbabawalan silang mag express na kanilang sariling rendition ng awiting ito.

nasan na ang kalayaan?

bakit ganun? ang batas pa natin ang naglilimita sa ating kakayahan.

i don’t feel the freedom.

—————————————–

di bale na, panalo naman si pacquiao. siya pa rin ang WBO Welterweight champion of the world.

Sobrang tigas nung kalaban niya. Malakas talaga si Joshua Clottey. Isang libong suntok sa loob ng isang oras. hindi man lang natinag.

Unforgettable ang laban na to dahil dito ko lang nakita na ginamit ni Pacquiao ang pompyang. Round 3 nun. Kaya siguro hindi perfect ang scores ni Pacquiao dahil binawasan siya ng dalawang judge sa round 3 dahil sa pompyang

Di pala pwede yun sa boxing. Akala ko pwede. FPJ RIP.

Medyo ok na rin ang interview ke Pacquiao sa dulo ng laban. Hindi rin kasi magaling mag english ang kalaban niya kaya medyo nasapawan niya ng onti.

—————————————–

Gaya ng lahat ng mga naging laban ni Pacquiao, nagsusuot siya ng medalyang rosaryo sa kanyang leeg kapag nanalo siya. Parang ngayon, hindi dramatic ang pagsuot niya ng rosaryo.

Pero isipin mo na lang rin; sa dami ng suntok ni Pacquiao, para siyang nagdarasal ng rosaryo. Paulit ulit, walang tigil na suntok. Kahit sabihin pa nila na ulit ulit lang; basta malimit, epektibo.

Gaya ng pagdarasal ng rosaryo, boring para sa marami ang laban. Ok lang, kahit hindi tumumba ang kalaban, panalo pa rin naman.

May mga pagkakataon na nakakasuntok si Clottey, nagiging distraction yun sa mala-rosaryong suntok ni Pacman. Pero ayos lang, tuloy pa rin siya sa suntok. Di bale nang maliit, basta malimit.

Uulitin ko pa ba? Ang rosaryo ay parang suntok ni Pacquiao ke Clottey. Epektibo ang malimit, lalo na pag paulit-ulit.