Tag Archives: PAG-ASA

Obama winning Nobel Prize for Peace

Andaming kritiko na nagsasabi na sobrang bata pa ni Pres. Barack Obama sa pwesto niya bilang presidente ng America para manalo ng Nobel Prize for Peace. Wala pa raw siyang napapatunayan bilang presidente.

I think otherwise.

Ang mga kritikong ito, sa palagay ko, ay hindi nakikita kung ano na ba ang nagawa ni Obama.

Balikan muna natin, sino ba si Obama. (photo from Wikipedia)

Siya lang naman ang kauna-unahang presidente ng America na hindi puti. Kauna-unahan meaning, siya ang nauna at wala nang nauna pa. Pagkatapos ng 43 na puti, siya ang kauna-unahang itim.

Ang term nila dito ay African-American.

Ang term ni Premier Silvio Berlusconi, ay Tan.

Sa pagbubukas ng pag-asa para sa lahat, siguro, karapat dapat lang siya magkaroon ng Nobel Prize for Peace.

Isipin mo na lang kung bibigyan tayong lahat ng pag-asa; pag-asang mangarap, maging ka-level, o pag-asang yumaman, e di wala nang giyera.

Isipin mo nga sandali. 1 minute lang.

.

.

Yung mga rebolusyunaryo, mga NPA, mga Al Qaeda, Abu Sayyaf, MIL; di ba parating ang dahilan nila sa paglulunsad ng giyera e dahil kinakamkam ng ibang tao kung ano ang tingin nila ay sa kanila. At dahil din wala ngang pag-asa para maibalik sa kanila ito, naghuhurimentado sila.

Pag-asa. Yan ang simbolo ni Obama.

Motibo raw ito ng pag-unlad at karapat dapat sa premyo.

Parang sa pag-ibig lang yan.

Hindi ka naman manliligaw kung alam mong wala kang pag-asa.

Bagyong Ondoy

Nagtaas ng signal number 2 ang PAG-ASA. Ewan ko ba  kung bakit yung signal number na iyan, hindi ganoon ka reliable. nakakapikon lang.

Birthday kasi ng lola ko sa Bulacan. Meron kaming schedule ng get together for Sunday. At dahil nga sa forecast ng PAG-ASA na sa gabi pa darating ang mata ng bagyong Ondoy, kampante naman kami na pumunta sa SM Hypermarket para bumili ng ipa-pot luck para sa birthday part ng lola ko sa Bulacan.

Pero pagdating dun sa kalsada, tignan mo naman kung gaano kataas ang tubig. Continue reading