Tag Archives: party

Memory Miyerkules Merrier Christmas

Lumipat ako ng school pagtuntong ko ng First Year High School. Hindi na ako nag-aral sa eskwelehan sa tapat ng Enchaned Kingdom. Dun na ko sa iskul sa loob ng subdivision. Well, hindi naman ako nawalan ng communication sa mga elementary classmates ko noon. Marami na rin kasi kaming pinagsamahan.

Isang araw papalapit ang Pasko. Pinuntahan ako ng isang tropa. Nanghihiram siya ng bag. May dadalhin daw kasi siya para sa Christmas Party nila.

Malaki ang bag ko. Hawk Gear yun kaya matibay. Hanggang ngayon, nasakin pa rin ang bag. Yun ang bag ko buong High School. Yun ang kahuli-hulihan kong school bag. Sakto daw ang bag ko. Ayos to.

At syempre, hindi ako pumayag na ibang tao ang magkarga ng bag ko. Sumama na rin ako sa Christmas Party nila. Tutal, kakilala ko naman ang halos kalahati ng kanilang klase.

Punta muna kami sa bahay nila para i-pickup ang dadalhin para sa party. Excited na akong makita ang mga elementary classmates ko. Merry Christmas!

Nagulat na lang ako nang makita ko na nilalagyan ng Colt 45 beer ang aking bag. Anaknamputcha. Beer pala ang dadalhin. Nilagyan ng tela pang-cover ng beer. Then utensils sa taas in case i-check ng guwardiya. Hindi ko naalala na chineck ng guwardiya sa gate ng school ang bag ko.

Exciting.

Pumasok kami sa campus nila. Diretso na sa classroom. Andami nang tao. Casual attire lang silang lahat. Syempre, kumustahan muna sa mga dating kaibigan; sabay abot ng beer. Manginginom talaga ang mga elementary classmates ko.

Mabilis na naubos ang dala namin beer. Isang case lang ata yun. Nagtatanungan na kung gusto pa nila uminom at kung sino ang bibili. Basta ako, nakainom na ako ng kaunti, ayos na sakin yun.

Biglang pumasok ang adviser ng kabilang section. May dala siyang bote. Nakakuha pala siya ng beer. Pumunta siya sa gitna ng classroom.

Inihagis niya ang beer sa kanyang paanan. Nabasag ang bote. Umagos ang beer kung saan saan. Then, exit si mam, stage right.

Dun ko naramdaman na lagot na ang klase. Kailangan ko nang tumakas. Hindi na ako nagpaalam. Iniwan ko ang bag ko sa klasrum. Pumunta ako sa basketball court at nag-shooting at umuwi na ako pagkatapos.

Hindi ko na alam kung anong parusa ang iginawad sa mga pasimuno ng beer party. Basta ako, hindi ako naparusahan dahil hindi na ako estudyante dun.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

P:MM – Lucky 1

Christmas party namin nun. Grade 2. Walong estudyante: isang titser, ganyan ang ratio ng school namin na nasa first schoolyear pa lang ng operations.

Hindi ko sure kung nagkukuripot ang adviser namin at hindi kami kayang bigyan lahat ng regalo o trip niya lang talaga magpakulo. Pwede rin naman na hindi kasya sa budget niya, kaya ginawa na lang niyang raffle ang regalo niya sa amin.

Most probably, babae ang mananalo. Six out of 8 ang mga babae. Pero kinonsider pa rin ng titser ko ang 25% chance na lalaki ang mananalo kaya unisex na item ang premyo niya.

Isang malaking Unan na sobrang lambot. Makakatulong ito sa paglaki namin. Kailangan ng bawat bata ng sapat na oras nang pagtulog para lumaki ng tama.

Mahusay na sistema ang ginawa ng adviser namin. Kumuha siya ng walong papel at sinulatan ang isa ng “congratulations”. Ang pitong natira ay puros mga blangko. Nilagay ang mga piraso ng papel sa kahon at pinaikot sa aming mga magkakaklase.

According to height ang pagbunot ng papel. Last ako. Matangkad ako nung grade 2 ako kumpara sa mga kaklase ko. Hindi na ito totoo ngayon.

Bawat pagbunot ng mga nauna sa akin, at excited na pagbubuklat ng nakatiklop na papel, bumabakas sa mga mukha nila ang lungkot. Hindi nila nabunot ang “congratulations”.

Nagdududa na ang lahat. Mukhang stir lang si ma’am. Wala naman atang papel na may nakasulat na “congratulations”.

Pitong kaklase ko na lahat nakasimangot ang nakatingin sa akin. Ako ang huling pag-asa. Nangungusap rin ang mga mata ng titser ko na para bang sinasabing, “siguraduhin mong mabubunot mo ang congratulations. Ayokong magmukhang sinungaling”.

Ipinasok ko ang kamay ko sa kahon.

Kasama ang taimtim na pagdarasal namin lahat, binunot ko ang kahulihulihang papel.

Dahan-dahan itong binulatlat.

“CONGRATULATIONS”

Ang suwerte ko nga naman talaga. Naiuwi ko pa ang unan.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

First Birthday ni Benedict

Sorry sa mga avid fan ng blog ko, ngayon lang ako nagkapanahon para dito e.

Pero update ko lang kayo ng pictures, para di naman kayo ma-late sa happenings sa buhay ko.

Unahin natin ang birthday ni Benedict, April 1, 2010. First birthday niya ito kaya medyo special.

The Sunday after ng kanyang birthday, nag-celebrate siya sa Marikina. Spongebob ang theme ng birthday kaya halos lahat ay naka yellow.

Naghost ako ng program at nagpalaro ng games sa mga bata doon. Yun lang ang talent ko e.

Kaya yung mga susunod na birthday dyan; available po ako mag host ng children’s party. Ready na ninyo mga papremyo, ako bahala magpahirap sa mga bata. ahahaha.

Oo nga pala, may bumisita palang international superstar sa birthday ni Benedict. Kaso wala yung mga ka-grupo niya e.

Happy Birthday Benediiiiict!!