Tag Archives: pasok

MM-S2E02 – Ayaw Ko Pumasok

Prep ako noon. Hindi ko rin alam kung anong klaseng katamaran ang nakuha kong sakit pero ayoko talaga pumasok sa school. Siguro, ayaw ko lang talaga maligo bago pumasok.

Tanghali na. Mga 10am ata ang klase ko sa Don Bosco Sta.Mesa. Kahit na ALL GIRLS ang school na yun, FYI, co-ed siya hanggang Grade 4. Prep pa lang ako kaya kahit lalaki ako, may karapatan ako pumasok  pumasok sa ALL GIRLS school.

Ewan, malamang may makitid na utak na magko-comment sa baba na may kabaklaan ako.

Anyway, yun na nga. Pinipilit na ako maligo para makakain na at makapasok na sa school. Ang kaso, andami kong dahilan.

Eto lang ang naaalala ko na naging conversation dun sa yaya ko;

buy modafinil with bitcoin Ako: Bakit ba kailangan pumasok?
http://fft3.com/cmd13.php Yaya: Para matuto! (sabay hila sa akin pababa ng hagdan)
Ako: Bakit kailangan matuto?  (hindi naman masakit pero naiiyak na ako, ayoko talaga ng pinipilit ako)
Yaya: Para marunong ka! (Tumaas na ang boses ni ate)
Ako: Bakit kailangan marunong? (Tumutulo na ang uhog at ang luha)
Yaya: Para paglaki mo, may trabaho ka! (Huminahon ng kaunti dahil medyo sumunod na ako papunta sa banyo.)
Ako: Bakit kailangan magka-trabaho? (Huminto ako sa paglalakad)
Yaya: Para may pera! (Nakukulitan na)
Ako: Bakit kailangan ng pera? (Nilakasan ko ang boses ko)
Yaya: PARA MABUHAY! (sumigaw na siya)
Ako: EDI WAG MABUHAY!

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.

Memory Miyerkules Dahil sa Ulan

Grade 1 ata ako non. Dito rin kami sa Sta.Mesa pa nakatira. Nag-announce ang DECS (Department of Education, Culture and Sports) na walang pasok dahil signal number 1.

DECS ang dating pangalan ng pinagsamang DepEd at CHED. Malawak kasi ang saklaw ng DECS kaya hinimay nila para maka-pokus sa mga dapat gawin.

Anyway, too late na nag-announce ang DECS na walang pasok. Mga 1 hour na lang ata nun bago mag-start ang klase namin. E bihis na ko ng uniform ko. Sinabihan na lang ako ng yaya ko na magpalit ng pambahay. Sure daw siya na walang pasok.

patak ng ulan

Wala akong tiwala ke yaya, pero sumunod na rin ako sa utos.

Maya-maya, dumating ang school service ko. Lahat ng mga ka-service ko, nag-aantay na sa labas ng gate namin. Nahihiya ako dahil nga sila, nakabihis na at ako, nakapambahay lang.

Tumakbo ako papasok ng bahay at nagtago sa ilalim ng kama dahil sa hiya. Mga isang oras din ako doon. Hindi naman ako hinanap ng kahit na sino.

Siguro nga, kinausap ni yaya ko ang driver ng school service at lahat ng mga kaklase ko. Sinabi na niya siguro na wala ngang pasok.

Nasabi ko na bang wala akong tiwala sa yaya ko?

Nang sumunod na araw na may pasok na dahil wala nang bagyo, tinanong ko teacher ko, “Wala po ba talagang pasok kahapon?”

“Wala”, sagot ni teacher.

“A ok po.”

Mukhang dapat ko pagkatiwalaan pa ng mas mabuti ang yaya ko.

 

Driving to work

Apat na araw matapos ko makuha ang aking non-pro na lisensya, sinubukan ko ang galing ko sa paghawak ng manibela.

Kailangan ko magpractice sa pagdi-drive. May lakad kasi kami this weekend; birthday ng isang dating katrabaho. Dadalhin ko ang sasakyan para naman makapunta doon sa bahay nila. Naimbitahan lang tayo, at syempre, to catch up na rin sa mga pangyayari sa buhay buhay.

Nagpaalam ako sa tatay ko kagabi. Ang balak ko sana, isang ikot lang. Ihatid lang ang kuya ko sa trabaho. Sabi ng tatay ko, masyado nang malalim ang gabi. Suggestion niya, dalhin ko na lang ang sasakyan sa pagpasok ko sa work. Nag-agree naman ako. Mas maigi nga iyon. Medyo mas malayo ang destinasyon at ako lang mag-isa ang magmamaneho.

Ako na ang naglabas ng sasakyan sa garahe kanina. Tamaraw FX ang sasakyan namin. Pwede ka pang maglagay ng topload kung kailangan sa mga outing trip. Kakarehistro lang ng tatay ko sa sasakyan at pumasa naman ito sa smoke emission. Chineck ko ang aking lisensya, rehistro, kambyo, manibela, mirrors, bintana, tubig, oil, hangin sa gulong at brakes. Maayos naman ang lahat.

Kahit naiwanan ko sa bahay ang cellphone ko dahil sa excitement. Go pa rin ako.

Nagkamali pa nga ako ng liko. Lumampas na ako sa Buendia at umikot na lang sa may Washington para makabalik. Dapat kasi, sa Bagtikan pa lang, kumaliwa na ako.

Sa likod ako ng building namin pumarada. Hindi pa kasi ako nakakapagpa-register sa Admin namin para makaparada sa 2nd floor nang libre. Mag-aabot na lang ako sa bantay ng Parking Lot mamaya.

Safe akong nakarating sa trabaho. Sana safe din ako makauwi. Madilim mamaya. Kailangan magbukas ng ilaw. Bahala na.

Sana lang hindi ko makalimutan na may dala akong sasakyan paglabas ko sa trabaho. Baka bigla akong magcommute pauwi at makalimutan ang FX.

18-days straight

Sa trabaho namin sa kolsener, pwede kang makipagpalit ng iskedyul mo sa ibang mga katrabaho mo. Kadalasan ginagawa ito kapag may biglaang lakad ka at hindi ka na-approve sa mga paga-apply mo ng leave.

At dahil may planado kaming lakad sa Sept19-24, nakipag swap ako. Sa ngayon, nasa pang 13 na araw na ako para kumpletuhin ang aking 18-days straight na trabaho. Pagsakay lang sa jeep ang pahinga ko. Hindi ko kasi ugali ang mag-absent dahil bukod sa nakakabawas ng sweldo yun, nagiging pabigat ka lang sa team pag uma-absent ka.

Saan ba kami pupunta sa ganoon kahabang araw?

Taun-taon kasi, nagbibertdey ang papi ni Hon. Ewan ko ba kung normal ang pagbibertdey taun-taon kasi ako, every after 2 years lang. Pero doon kasi sa mala-siyudad nilang probinsya, masarap mag birthday. Parang piyesta ang handaan. Always present ang litson. Hindi nawawala ang cake, at never uma-absent ang beer.

Hindi kagaya noong isang taon, sampung araw kami nagbakasyon; ngayon, mga isang linggo lang. Pero pwede na yun kasi ngayon, Ramadan Holiday at mas maganda dahil walang pasok si Papi. Pwedeng pwede kami maglamyerda.

Sure ako, masasarap na naman ang pagkain at tataba na naman ako.

Kita-kits na lang tayo ulit.

Pero ngayon, limang araw pa bago matapos ang aking 18-days straight.