Tag Archives: payat

Huwag Natin Lokohin Ang Sarili Natin, Hindi NakakaPAYAT Ang Chia Seeds

May craze tungkol sa maliliit na buto na ito na galing sa disyerto at nagiging sago pag hinalo sa tubig. Nakakapayat daw ito. Napa-isip ako mga babidi… Parang hindi naman.

Ang ginagawa kasi ni Soprano One, tinitimplahan ako ng Bear Brand Adult Plus at hinahaluan niya ng Chia seeds. Ang ginagamit niyang baso, yung beer glass ko na galing pa kay Gellert Grindelwald. Anlaki ng baso na yun, pangmahaba-habang inuman. Buti na lang at hati kami. Hindi ako ang umuubos ng lahat.

At paano daw gumagana ang Chia Seeds?

Ganito kasi yun. Ang konsepto daw ng Chia Seeds – it retain water. Nagb-bloat siya sa loob ng tiyan mo at feeling ng katawan mo – busog ka na. Pag busog ka na daw, hindi ka na raw kakain. Ganun Yun.

Pang Mr Q and A yung previous paragraph; nagsimula sa Ganito kasi yun, at natapos sa Ganun Yun. Ulitin natin mamaya ng Isa Pa, With Feelings.

Yung Isa Pa, With Feelings, pelikula naman yun ni Maine Mendoza at Carlo Aquino sa Black Sheep Productions. Wala lang, nabanggit ko lang. Showing nakasi yun sa October 16 – at nagyayaya si Soprano One manood. Ang tanong, sino magaalaga ke Sydney Sanggol pag nag-sine kami.

Balik tayo sa Chia Seeds.

Ang problema sa mga kagaya ko na may taglay na kulit. kumakain pa kahit busog na. That means, walang kwenta ang Chia seeds. Hindi ka naman pwedeng magdagdag ng Chia seeds sa katawan – dahil nga, nagdagdag ka lang ng problema.

Naniniwala kasi ako na hindi nakakaresolba ng problema ang pagdagdag ng problema. You can’t talk peace and have a gun.

Ang tunay na pagpapapayat ay ang HINDI pagkain; skipping meals, intermittent fasting, no rice diet, skipping snacks. Mga ganun.

Ganito kasi yun. Kung gusto mong pumayat – wag kang kumain. Ganun yun.

Hindi mo kailangan dayain ang sarili mo na busog ka, kung ang totoo-gutom ka naman. Dapat, ipatanggap mo sa sarili mo na gutom ka, para i-convert ng katawan mo ang stored fats mo into energy na gagamitin mo sa mga nakakapagod na activities mo sa isang araw – gaya ng panonood ke sir Raffy Tulfo sa Youtube. Dapat, hayaan mong ang katawan mo ang natural na mag-produce ng chemicals para tunawin ang mga taba mo. Dapat, wag kang umasa sa outside forces kung gusto mong ayusin ang problema sa relationship ninyo.

Gets mo ba?

Teka, nga, Timpla muna ako Bear Brand Adult Plus.

Pampaseksi Recipe

Eto ang recently ko natutunan. Alam kong napapanahon to dahil malapit na ang Pasko at sigurado akong maraming tataba dahil sa Holidays. Pero kailangan natin pa rin isipin na may epektibo na recipe para sumeksi.

seksi

Meron akong mga kaibigan sa internet na naglalabas ng mga pictures nila ngayon. Sinasabihan ko nga sila na “seksi ka na a,” tsaka “konti na lang, kasingseksi mo na ang girlfriend ko.” Syempre nafa-flatter naman sila. Dahil nga naman dati talaga silang matataba.

Pero nung tanungin ko kung ano ang sikreto ng kanilang pagpapapayat, marami akong nakuha na sagot.

Pwede ka raw mag photo shop, o kaya magsuot ng itim, o kaya naman, tumabi sa mataba. Sure daw na papayat ka.

Eto lang ang pinaka-seryoso na sagot na nakuha ko:

“8 glasses of water a day. 8 hours of sleep at night.”

Ok, tandaan ninyo yan. Sure ako na se-seksi kayo!