Tag Archives: pencak Silat

Movie Review: The Raid – Redemption

only in SM Cinemas.

Anlupit ng movie na to. Kung action ang hinahanap ninyo, ito ang dapat ninyong panuorin. You may quote me on that.

Sa simula pa lang, akala ko, parang counter strike lang ang movie. 2 squads ang pumasok sa building para hanapin ang drug lord na kamukha ni Kuya Kim. Papatayin nila ang drug lord at bahala na kung may makalabas pa sa kanila.

The Raid Redemption

The Raid Redemption

Ang kaso, may dalawang alagad ang drug lord na ito, parang left and right lang sa isang pyramiding scheme. Sa kanan, ang kapatid ng bida, medyo matangkad at mukhang Pinoy. Sa kaliwa, ang long hair na kamukha naman ni Rene Rekestas.

Hindi madali ang pag-raid sa building. Isa kasing apartment yun na may Shabu factory sa loob at maraming eskinita at taguan ng mga duguang tao sa likod ng dingding. Lahat ng tenant ay kontrolado ng landlord at may halos isang dosenang CCTV camera na nakakalat sa 15 floors.

Halos lahat din ng tenants ay may naka-issue na revolver na may iisang bala. Sapat para pumatay ng isang tao. Pwede mong itutok sa ulo niya pag di ka marunong umasinta.

May scenes din na may hawak na itak ang isang alagad ng drug lord na kamukha ni Lebron James. Nagulat nga ako e, akala ko si Lebron talaga. Nanlalaki ang mga mata ni Lebron pag siya ay bad mood.

Maganda ang pagiging natural ng movie. Yung cinematics at camera angles at maganda. Kaakit-akit rin ang natural na bihis ng mga drug lord, hindi kagaya sa Pinas na ang drug loard ay marunong magsuot ng Amerikana. Yung pagkama-alikabok din ng building ay ayos din dahil wala naman din silang pambayad sa katulong na oras-oras na magwawalis.

The Raid Redemption. The best choreography in hand to hand combat.

English-dubbed ang movie. Nung una nga, sabi ko sa sarili ko, parang mas gusto ko kung subtitled. Pero nung makita ko ang mga fight scenes na ginamitan ng Pencak Silat, natuwa ako na English-dubbed ang movie. Parang korni kasi na makakita ka pa ng hrrug at hyaaaa sa subtitles.

At malilito ka lang sa pagbabasa kung subtitled ang movie. Hindi mo rin maa-appreciate ang pinakamagandang choreographed hand to hand combat. It’s more like it!

The Raid Redemption. R-16. NOW SHOWING!