Mahilig kami sa kape. Pero ayaw namin ng kape na “instant” o kape na timplado ng ibang tao. Pihikan kasi kami sa init at lasa. At ang totoo, pag nagtimpla kami ng kape, isang tasa lang. Nagshi-share na lang kami.
May mga pagkakataon na ako ang nagtitimpla. Para sa akin, ang kape ay dapat may creamer. Dapat hindi gaano katamis at sakto din ang pagkamapait. Pag ganun ang pagkakatimpla ko, gustung gusto ko ang kape. Pero siya, hindi.
Pag siya naman ang nagtimpla, tinatamisan niya. Mas onti ang creamer o minsan naman wala. Mas matamis kesa sa usual na kape. Kung ang batayan ay ang 3-in-1, katumbas yung kanya ng 3-in-1 plus 1. Kape pa rin po ang pinag-uusapan natin at hindi ice cream.
Nakakatuwang isipin na ganito kami for the past 4 months, pero nagdecide kami na ibahin na ang nakagawian. Hindi na kasi nagiging maganda ang araw-araw na pag-angal namin sa timpla ng isa.
Magtimpla ka ng kape mo, magtitimpla ako ng kape ko.
Medyo aksaya di ba? Aksaya sa tasa, sa oras, at sa kape. Hindi ko rin naman n auubos parati yung akin. Hindi rin naman niya nauubos yung kanya. Pero dahil sa lasa at estilo, kailangan talaga namin magtimpla ng separate.
Tignan natin ang timpladong kape ko. Sigurado ako, mami-miss ko ang timpladong kape niya at ganun naman siguro siya. Pero sa ngayon, kanya-kanyang kape muna.
Tara, kape tayo!