Tag Archives: Pepi

Share A Coke with Pepi #shareacoke #creatingyourown

Hindi naman talaga ako mahilig sa coke.

share a coke with pepi

share a coke with pepi

 

Para sa akin kasi, isa siyang reward. Iniinom ko lang siya kapag nasa handaan at gusto kong ma-enhance ang lasa ng aking kinakain.

Pampa-dighay ko rin siya.

Pero kung bibigyan mo ako ng anim na kahon na puro ganito ang nakasulat, aba e, talagang aaraw-arawin ko yan.

Also, parang magandang handa sa birthday yan. Biruin mo, lahat ng bisita mo naka-share a coke with Birthday Celebrant.

Astig di ba?

Visit na sa www.shareacoke.com.ph para makagawa ng para sa sarili mo o sa crush mo.

#30DaysBlog Introduce Yourself

Kanina sa opisina, nakaupo ako sa workstation katabi ang isa sa aking mga co-Team Leads.

Kilala ang co-Team Lad na ito sa pagtatanong ng mga katanungan na ine-expect na niya ang sagot. Kapag hindi mo siya sinagot ng tama, bibigyan ka niya ng tilt-head / iling na mararamdaman mo na may mali sa sinabi mo. Kaya naman babaguhin mo ang sagot o gagawan mo ng paraan para tumama ka.

Yun ang naramdaman ko kanina nung tinanong niya ako kung bakit ba ako ang KampeonNgPagibig.

Hindi ko gustong sagutin ang tanong. Sa totoo lang, absurd na ituturing na bigyan mo ng palayaw ang sarili mo, lalo pa’t superlative ang pipiliin mong pangalan. Kahit ngayon, marami ang nagtatanong sa akin, bakit kampeon. Saan nagsimula? Sino ang nagsabi?

Kung babasahin mo ang about page ng blog ko, makakakuha ka ng ideya, pero hindi yun ang storya.

KnP sa Gerrys Grill

KnP sa Gerrys Grill

Eto ang tunay:

Isang panahon sa buhay naming magbabarkada, lahat kami single. Sa mga pagkakataong ito, pumupunta kami sa bahay ng isa at doon tumatambay ng isang weekend. Laro kami ng Mario party at kung anu-ano pang games sa PC at console. Patugtog, kwentuhan, clean fun; yan ang peg namin.

Naisipan namin sumali ng mga DOTA matches. Pag kailangan ng team name, parati kami nagtatalu-talo. Wala kaming choice kundi gamitin ang Kampeon Ng Pagibig dahil yun lang ang pinag-agreehan ng lahat. Galing ang salitang Kampeon dun sa gamit namin na team name noong Game Jock pa si Iya Villania na Iya’s Champions. Galing naman ang salitang Pag-ibig sa isang bagay na inaasam-asam namin lahat nang mga panahon na yun.

Ako si Pepi, ang ikalima sa mga Kampeon Ng Pag-ibig. Isa akong Team Leader sa Aegis People Support. Isa akong blogger sa blogsite na ito, contributor sa ilan pang mga online publications, at Senior Travel Coordinator para sa Travel Factor. Gitna ako sa tatlong magkakapatid na puro lalaki. Ang celphone number ko ay 0917KAMPEON.

Memory Miyerkules S2: Biglaan

Sanay na ako sa pambibigla ng mga tao. Yung character ko kasi, medyo friendly at medyo safe. Pero ang hindi alam ng iba, associated pala ako sa mga taong kilala din nila.

High School. Kwento lang ito ng batch ng kuya ko.

Medyo PDA kasi kami ni Super Ex nun High School. At syempre, napapansin ito ng lahat. Ang love team namin ay inaabangan noon. Usap-usapan ang team up namin ng school na may population na hindi hihigit sa 250 students.

Isang patay na oras sa upper class, nai-kwento daw ng History / Social Studies teacher namin kung ano ang napapansin niya sa team up na Angel-Pepi. Ganun na raw ba talaga ang mga kabataan sa panahon na yun? Ke-bata-bata pa, matapang na at mapusok.

At marami pang sinasabi na kasama din naman sa Social Studies kaya ayos lang.

Ang problema, nasa klase na yun ang kuya ko. Kapatid ko. Pareho kami ng tatay at nanay since birth.

Na hindi naman na-realize ng teacher namin dahil hindi kami magkamukha. Medyo popular din naman kasi ang aming surname.

FYI. Tatlo kami sa klase namin nung High School na pare-pareho ng surname. Hindi kami magkakamag-anak.

Ayun na nga, todo usapan daw. Hindi ko alam kung nahihiya ang kapatid ko na pinag-uusapan at ginagamit ako na example sa klase nila.

Hanggang sa sumagot ang Team Captain ng aming varsity team noon, “wag naman ganyan ma’m, nandito kapatid ni Pepi”.

“Sino?” ang tanong naman nung teacher. Dun lang niya nalaman na magkapatid nga kami ng kuya ko. Akala raw niya joke joke lang.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking

Pepi sa BloggersFest

First time ko mag talk sa harap ng maraming tao. Dati kasi, mga isang classroom lang ang kinakausap ko at the most.

Pepi de Leon

Nung BloggersFest na ginanap sa Thunderbird Resorts sa Rizal, hanggang 200 ang attendees. E umuwi na ng maaga ang karamihan, kaya mga 150 na lang din ang audience ko. Marami pa rin yun. Nagsalita ako tungkol sa topic na Domain and DNS Management.

Nasa akin ang attention nila sa loob ng fifteen minutes. Yun lang ang alotted timeframe sa akin e. Pero simple lang din naman ang idi-discus ko kaya sisiw lang ito.

Hindi ko talaga alam pero nawala ang kaba ko nun pag-akyat ko sa stage. Ni-request ko kasi na ipatugtog ang Entrance Song ni EDGE ng WWE pag pasok ko e. Nakakawala talaga ng pressure yun.

Nang matapos nga yung talk ko, tinatanong pa ako ng mga bloggers, “kabado ka pa sa lagay na yan?” Hindi lang nila alam na buong araw kong sina-psyche ang sarili ko para hindi kabahan.

Sa mga nakarinig ng talk ko, sana may natutunan kayo kahit papaano. Kahit maiksi ang oras na nagsalita ako, sana tumatak sa isip ninyo yung mga pinagsasabi ko.

Yung makakapag-bigay nga pala ng definition ko ng Domain Name sa comments section ay ililibre ko ng ice cream sa susunod na pagkikita.

Salamat ke Jeman para sa photo. At salamat ke Emotero sa pagpapa-autograph. Ikaw pala yun!