Tag Archives: pizza hut

Bakit Trending Ang FREE Bottomless Cold Water ng Pizza Hut?

Trending ngayon ang ad ng Pizza Hut na BOTTOMLESS Cold Water. May kakaiba daw sa ad na ito. Pero sa totoo lang, hindi naman dapat siya kakaiba. Himayin natin ng kaunti dahil bukod sa pakialamero tayo, may shares ako sa Shakey’s. Walang kinalaman yun, hassle lang talaga dahil almost 10% loss ako sa Shakey’s na yan.

Also… hindi pa ako ganun ka inaantok.

Sana, pati Pag-ibig mo, bottomless!

UNA – Hindi mabilis ang service ng Pizza Hut crew. Tanggap ko na kapag kumaway ka, hindi kaagad lumalapit ang mga Pizza Hut crew sa table mo. Hindi kasi siya parang fine dining na parating may nakaabang na waiter na naka-wait sa bawat area o bawat table. Ang crew ng Pizza Hut, roving yan. Puro pa-cute yang mga yan. Kung ako, magtatrabaho sa restaurant, sa Pizza Hut ako mag-aapply.

PANGALAWA – May WATER CRISIS sa Manila. Oo! Ang tubig sa amin, humihinto ng 9am at bumabalik ng 330pm. Parang nanonood din ng stock market ang water supply. Hassle talaga. Pero dahil sa UNLIMITED and FREE Cold Water ng Pizza Hut, pwede ka nang magtoothbrush at tiisin ang pangingilo ng ngipin mo. Pwede ka na rin maligo na parang nag a-ice bucket challege.

PANGATLO – Dati na raw yang free na yan. Gusto lang i-stress ng PIZZA HUT, dahil meron daw silang ilalabas na sobrang anghang sa menu nila. Pizza Hut Philippines to ha, sanay sa maanghang ang mga tao dito lalo na yung mga taga Bicol. Siguro, maglalabas sila ng Pizza na imbes na tomato sauce yung base, e Siracha ang gagamitin. O di kaya naman, may mga landmines sa Pizza na parang ang naglatag ng boodle fight e si Sir Galza.

Basta ako, aabangan ko ang susunod na ad ng Pizza Hut sa kanilang Facebook Page.

Pizza Hut, baka naman!!!

3 Family Size Pizzas from DealAmigos






Last week, nanalo ako ng tatlong Family Size Pizza galing sa DealAmigos c/o Pizza Hut. Siguro kasi, onti lang ang sumasali sa ganyan dahil “it’s too good to be true”. Biruin mo, LIKE and SHARE lang ang gagawin mo.

Well, ganyan na ang trend ng mga contests ngayon, lalo na yung mga simpleng premyo lang. Hindi naman mahirap magpa-deliver ng pizza. Hindi rin naman masakit sa bulsa ang 3 Family Size na Picha Pie (sabi nga ni Sen. Lito Lapid). Pero the fact that it is free, sumali ka na. Wala namang mawawala sayo.

And you have everything to gain.

3 Family Size Pizza from DealAmigos

3 Family Size Pizza from DealAmigos c/o Pizza Hut

Nag-announce sa FB page ng DealAmigos last May 30 na ako nga ang nanalo. Tinag lang ako ng isa kong friend para naman makita ko nga yung announcement. Nang mabasa ko ang pangalan ko, nagsend kaagad ako sa kanila ng email requesting na ipadala nila ang Pizzas kinabukasan. Birthday ko kasi ang May31 at kahit papano, pandagdag rin yun sa handa.

Buti na lang at pumayag sila.

Daddy ko ang tumanggap nung Pizza, nakapangalan sa akin: Pepi de Leon. Walang duda dahil sa gate ko talaga huminto ang delivery boy. Pagdating ng una kong bisita, siya na rin ang nag-picture sa akin at sa mga Pizza.

Pizza Hut ang galing ang treats kaya sure ka na masarap ang mga Pizza.

On going ang contest ng DealAmigos. Sumali na rin kayo para makakuha kayo ng libre.

Isa pa palang fact, sa DealAmigos ako bumili ng braces ko. Sobrang sulit siya dahil 2,500 per arch ang braces ko. Nakilala ko pa ang aking mabait at maganda na dentist na si Dr Fathima Ghorbel (grabe daming H ha).

For the Mechanics, visit their FB Fan Page.

Empires and Allies gives FOOD for the hungry






Iba talaga nagagawa ng technology ngayon, mas madali na mag-donate ng pera sa mga cause.

Nilabas na ng Pizza Hut at Zynga ang mga bagong building sa mga laro nila. Bawat pagbili ng bagong items na ito ay may katumbas na contribution na mapupunta sa World Food Programme.

Masasabi ko na adik ako ngayon sa Empires and Allies. Araw-araw akong naglalaro. Mga 1 month na akong walang palya sa pag-online para lang makalaro nito. Mas magiging makabuluhan pa ang paglalaro ko dahil sa bagong Farm nila.

Eto ang itsura:

new farm in empires and allies by World Food Programme and Pizza Hut

new farm in empires and allies by World Food Programme and Pizza Hut

 

May magandang building ka na, naka-tulong ka pa sa kalusugan ng mga nangangailangan. Ayos Zynga!