Tag Archives: plugin

Banat 101

Kilala ako sa opisina namin bilang KampeonNgPagibig hindi lang dahil sa blog ko kundi dahil kadalasan akong makikitang naglilibot sa mga ka-trabaho at nagpa-practice bumitaw ng pick up lines.

Kada may bago akong imbento na pick up line, sinasabihan ko kaagad ang mga ka-trabaho ko. Madalas akong nakakakuha ng mga ngiti pero mas maa-appreciate ko kung feedback ang ibibigay nila.

Mas gusto ko kasi gawing pulido ang mga pick up lines bago sila magamit sa tunay na buhay. Gusto ko rin maisa-ayos ang TIMING dahil sabi nga nila, “Timing is Everything”.

Pero sa dami kong pick up lines, kadalasan e nakakalimutan ko na sila.

Sa request ni maluFAITH, nag-install ako ng RANDOM TEXT widget sa aking right sidebar para na rin ma-share ko sa aking mga readers ang mga banat.

Pansinin ang BANAT 101 sa ilalim ng KnP Time para sa ating random texts.

Kung meron kayong gustong maidagdag sa database ko ng mga banat, don’t hesitate to place comments below. Maraming salamat.

Salamat nga pala sa author ng widget na ito. Click the links na lang.
I LOVE WORDPRESS!

Kain King Sam Won BF Homes

First time ko kumain sa Korean Restaurant. Nagkayayaan nung araw na yun dahil ang horoscope ng kasama namin na Cancer e “Kumain ng healthy, mao-ospital ka”. Being a believer, sinigurado ko na masarap at healthy ang kakainin namin.

Ano pa bang mas healthy pa kesa sa kimchi at siyam na side dish.

Madali lang puntahan ang Sam Won, andun lang yun sa BF homes, kahilera ng mga inuman doon. Malapit siya sa Cabooze, Laiya Grill at sa Havana. Well malayo na rin pero walking distance naman.

Pwede kang magshabu-shabu kung magaling ka magluto, e hindi kami marunong kaya pinaluto na lang namin sa kitchen yung pagkain.

Simple lang, make your own lumpia. Get a piece of dahon, lagyan mo ng meat, lagyan mo ng kung anu-anong side dish, at isubo mo ng buo. Make sure na may panulak ka ha. Meron naman sila complimentary na iced tea. Pero tea lang talaga yun na walang lasa.

Rice na rin. Make sure na may rice ka. Hindi kasi sanay ang pinoy na walang rice e.

Ayoko na magkwento, pictures paint a thousand words naman e. Isa pa, may sinusubukan akong Facebook album to WordPress na plugin. Testing natin ha.

Eto na ang pictures.


From Sam Won Feb 5, 2011, posted by Pepi De Leon on 2/19/2011 (52 items)

Generated by Facebook Photo Fetcher


Babalik kami sa Sam Won para sa bday ni [KnP]Pongee bukas. Kita kits sa mga pupunta!

Link your wordpress blogpost to Facebook notes

Andaming nagtatanong sakin (ex. kitongski, fespina) tungkol sa pag link ng iyong wordpress blogposts papasok ng facebook notes.

Nung una, nahirapan din ako na madiskubre ito. andami ko kasing friends na ginagawa na ang ganitong sistema. dahil curious ako, inalam ko kung paano.

una, naghanap muna ako ng wordpress plugin. nakakita ako, pero hindi pala yun ang tamang step. Continue reading

Feeling close

May mga tao talaga na feeling close, hindi mo naman talaga sila kilala personally pero kung makipagkwentuhan sila sayo, akala mo magkaklase lang kayo sa hayskul. Minsan, kapag nag-aasaran n kayo, alam mong hindi kayo close kasi mabilis ka lang maasar sa mga biro niya.

Kung close kayo, yung mga biro niya sayo e ok lang. Kaya mong pagtiisan dahil makakabawi ka rin naman ng biro/panunukso sa kanya. Kung close kayo, mas masaya ang kwentuhan at asaran.

Bilang reader/s ng blog ko, syempre, gusto ko maging close din tayo, ok lang sa akin kahit asarin ninyo ako o pagtawanan ninyo ang mga wrong sfelling at mali-maling grammers ko. pero dahil nga magiging close na tayo, Continue reading