An Open Letter: Calling Everyone to THINK
by Yahn
Dearest Voter,
Nawa’y sa iyong pagboto ay i-set aside mo muna ang personal biases mo. Bago mo isulat ang ngalan ng iyong kandidato ay nawa’y mapag-isipan mo ng husto ang traits and qualities nya as a leader. Sana hindi ka mabingi sa mga specific nyang pangako na kung hihimayin mo’y wala naman talagang kasiguruhang maisasakatuparan. Dahil kapang nariyan na rin lang siya sa posisyon, magiging objective na rin sya. Hindi na rin nya maisasaalang-ala ang inyong pinagsamahan.
Madalas nating maisip na ang malaking bulk ng responsibilidad at pag-iisip ay nakakasalalay sa isang leader. Ngunit hindi natin namamalayang ang kakarampot na oras na laan ng botante sa pagpili ng kanyang kandidato ay higit na mas mabigat na responsibilidad. Kung anong ikinasaglit ng pagmumuni-muni, ay sya namang sakit sa ulo sa pagwe-weigh down ng choices. Ngunit hindi tayo nararapat ng tumigil sa pag-iisip. Tandaan natin na pananagutan natin ang sinumang mailuluklok sa posisyon, whether we like it or not.
Muli, sa pagboto natin ay paganahin nating maigi ang pagiging kritikal natin. Let us see the bigger picture. Wag tayong padalos-dalos sa gusto nating marinig. Let’s view things in a better perspective. Sukatin ang leader in terms of measurable variables, and not just based on what they now say before us. Words are mere words. Wag tayong paligoy-ligoy sa vague statements. Suriin natin instead kung sinong malawak ang grasp ng kaisipan (experience) at hindi lamang malawak ang pananaw sa iisang concern.
Higit sa lahat, isaalang-ala natin ang grupong ating pinanghahawakan. Ang tanong: sa kandidatong ito ba ay kampante akong nasa mabuting kamay ang aming pangkat? O sa kandidatong ito ay matutugunan nya lamang ang nais ng iilan sa amin? Wag na wag ring kalilimutan ang respetong laging nilalaan para sa leader–kandidato mo man sya o hindi. Handa ka bang igalang sya sa ayaw at sa gusto mo?
Botante… oo, mahirap talagang mag-isip. Sakit sa ulo ang dulot nito. Pero mas mahirap naman magsawalang-kibo. Pero ang importante sa lahat ay ang paninindigan. Tandaan natin ang laging manindigan. Stand up not just for what is right, but for what you believe in. Stick, and always do so, to your principles. When all else fails, ito ang makakapitan mo.
no prescription isotretinoin on line pharmacy Mag-isip. PLEASE. At manindigan.
Lubos na gumagalang,
Kapwa Botante
“Those who are too smart to engage in politics are punished by being governed by those who are dumber.” – Plato quotes
hinarbat mula sa friend ko sa Tabulas