Tag Archives: profile picture

Bagong Profile Picture by Muzy

Dati, madali lang sa akin ang magpalit ng profile picture sa FB. Naging ugali ko na kasi magpa-picture at mag-crop ng photos para may kasama ako sa FB profile pic ko. Kadalasan, babae ang sinasama ko sa picture. Minsan, parang sweet na nga e.

May one time na sinabihan ako nun kasama ko sa profile pic na palitan ko yung picture. Magagalit daw kasi ang asawa niya. Sinunod ko naman dahil medyo makatarungan naman ang reason.

Kahapon, muli kong napag-tripan ang profile picture ko sa FB. Naghanap ako ng picture na kasama ko ang Diwata. Nakakita ako ng picture namin sa McDo na kumakain. Bago ang braces ko nun kaya pinapakita ko yun sa lahat ng aking pictures.

Mukha nga akong tanga e.

Ang kaso, nang makita ng Diwata yung profile picture ko na magkasama kami, pinatanggal niya. Hindi naman niya binigay yung reason kung bakit.

Syempre ako, proud ako na mag girlfriend ako na maganda. Gusto ko ipakita sa mundo kung gaano ako ka-swerte na lalaki na magkaroon ng isang Diwata bilang girlfriend. Kaya medyo nainis ako nung pinapatanggal niya yung picture.

Pinapatanggal niya daw kasi panget yung picture.

Yun naman pala ang dahilan. Anak ng teteng naman na dahilan yan. So ako, ginawan ko ng paraan. Binuksan ko ang Muzy.com at in-edit ang picture doon. Nilagyan ko ng kaunting effects para maging mas kaaya-aya. Iba talaga ang nagagawa ng photo editing tool.

new fb profile pic edited thru muzy.com

new fb profile pic edited thru muzy.com

Kaya heto, nun pinalitan ko na at pinaganda ng kaunti, hindi na umangal ang Diwata. Well, siguro ayaw pa rin niya yung pic dahil sa pose namin na hindi masyadong sweet pero hindi na ako nakarinig ng angal. Naintindihan na siguro niya na kung gaano ako ka-proud sa kung ano ang meron kami ngayon.

 

Cartoon ba si Bioman?

May kumakalat na craze ngayon sa Facebook. Karamihan ng mga tao ayaw ng Violence against Children, nagpapalit ng kanilang Facbook profile picture. Hindi mo na makikita ang mga totoo nilang mukha ngayon dahil pinapalitan na ito ng mga cartoon pictures na naging magandang memory para sa kanila noong sila ay musmos pa lang.

Although maliit na suporta lang ito, basta makagawa ng social awareness, maganda na siyang campaign.

Sino ba naman ako para hindi maki-ride sa ganitong craze?

Nung napalitan ko na ang profile picture ko para maging si R.J. Scott ng Sky Commanders, minabuti ko na rin makialam sa mga profile picture ng ibang tao.

May officemate akong naging si Kenshin Himura.
May HS classmate ako na naging si Kaede Rukawa.
May pinsan ako na naging Denver the Last Dinosaur.
At eto ang malupit, ang nanay ko, naging Pocahontas.

Pero may mga nakita akong nagpalit ng profile picture para maging Bioman. Ang pagkakaalam ko, hindi cartoon ang Bioman. Kasi, ang cartoon, galing sa drawing, at hindi mga tunay na tao.

Nang nagko-compose na ako ng private message para sa makulit na tao na ito, bigla akong napahinto. Sino ba naman ako para baguhin ang magandang memory ng kabataan niya? Kung pipilitin ko i-explain sa kanya na hindi cartoon sa Bioman, sumasalungat na ako sa paniniwala ng buong kampanya na ito.

We need not tamper on beautiful memories of the young. We should make the world a better place for our young ones to grow peacefully and happily.

Napindot ko na ata ang send button para maipadala ang mensahe dun sa makulit na tao. Ngayon pa lang, pinagsisisihan ko na ang ginawa ko.

Etp nga pala ang instructions ng campaign na ito:

My dear friends, please support the crusade to denounce violence againstchildren by changing your Facebook profile picture to a cartoon fromyour childhood and invite your friends to do the same. Until Monday(December 6), there should be no human faces on Facebook, but an invasion of memories. pls pass…