Tag Archives: promking

Financial Freedom Friday: The Rule of SUCCESS

  • Alam ba ninyo na sa bawat sampung negosyo na nagbubukas, siyam dito ang hindi nagtatagal ng isang taon.
  • Alam ba ninyo na ang Best Baseball Batting average ay .366 (3.6 hits for every 10 bats).
  • Alam ba ninyo na hindi lahat ng mare-recruit mo sa Network Marketing ay sasali.

Simple lang ang sinasabi ko; LAHAT ng bagay, may room for error. God-idol na maituturing ang lalake na walang ibang niligawan kundi ang asawa niya.

Yan ang konsepto ng landas patungo sa Financial Freedom. Hindi mo matutupad ang pangarap mo kung susuko ka sa unang try pa lang. Hindi mo magagawa ang dapat mong gawin pag sa unang pagkakadapa ay hindi ka na babangon.

Sakto!

Kaya pag sinasabihan ako ng isang kaibigan, o kahit na sino pa yan, na hindi sila interesado sa ino-offer ko, mapa-business man o produkto, next na kaagad ako. Dahil yung pansampung tao na makaka-usap ko at bibili, worth it na yun kumpara sa mga naunang humindi.

Ang binibilang kasi sa basketbol e ang puntos; kung gaano karaming beses mo nai-shoot ang bola. Hindi importante kung gaano karami ang iyong mintis.

Sigurado ako, sa sampung tao na magbabasa ng blogpost na ito, siyam ang hindi magki-click ng image sa baba. Pero may isang tao na worth it… Yung matapang… Yung nakaka-intindi na hindi ka aasenso pag hindi ka nagsimula… Yung alam na kailangan mong pumusta para manalo sa Lotto… Yung handang matuto kung paano yumaman.

promking SWA-Ultimate

Samahan mo ko sa pagyaman. click na sa image!

Memory Miyerkules Di Kita Nakilala

4th year Prom Night. El Cielito Inn sa Sta. Rosa Laguna. Maliit lang na conference room sa 2nd floor ang venue namin.

Maaga kami sa venue. Wala naman akong date kaya tambay lang ako sa lobby. May araw pa pero nagdadatingan na ang mga tao.

Umupo ako sa sofa. Kumuha ako ng dyaryo at nagsimulang bumuklat ng mga pahina nito. Hindi ko talaga purpose na magbasa. Gusto ko lang makita kung sinu-sino ang mga dumarating na tao. Sinu-sino ang magkaka-date. Yung dapat kong ka-date ay iba ang kasama. At wala rin akong girlfriend nung mga panahon na yon. May ka-date din yung iba sa mga tropa ko. Ayoko lumabas na wall flower kung sasalubungin ko ang lahat na dumarating.

Cool lang tayo. Nagmamasid, nag-aabang.

Narinig ko na lang bigla ang pangalan ko. Hinahanap ako ng ibang mga teacher. Nakita na kasi nila akong dumating pero hindi pa ako nakapag-register sa attendance. (May attendance pa talaga eh noh?)

Tumayo na ako, binalik ang dyaryo kung saan ko kinuha. Sinarado ang butones ng aking coat. Lumapit sa registration area at nagsulat ng pangalan ko.

“Pepi, ikaw pala yung nakaupo doon. Hindi kita nakilala. Akala ko kung sinong businessman.”

Hindi na lang ako sumagot. Sa mga pagkakataong ito, hindi ko kailangang sumagot. Action speaks louder than words. Na-set ko na ang bar ko. Hindi ako ang Pepi na kilala ninyo sa classroom. Whole new level ito at ang buong gabi ay magiging isang palabas para sa akin. I have one goal in mind.

For the second time, makuha ang title na PROMKING.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Memory Miyerkules: Turned Down

Fourth Year High School. Malapit na ang prom. Wala akong girlfriend noon dahil break pa kami ni Super Ex. Mahirap makapag-back to back promking titles kung wala kang date sa prom night.

Pano to?

Isang Saturday, habang papunta sa A1 driving school sa may bayan, dala ko ang cellphone at nagte-text. Well, isa lang naman ang nasa isip ko na pwedeng humalili ke Super Ex pagdating sa mga ganitong sitwasyon.

Tinext ko siya.

“Wala pa kong date sa prom. Can you be my date?”

Antagal ng kanyang sagot.

Nagsimula an ang 2-hour session ko sa A1. Natural driver naman ako kaya parang breeze lang sa akin ang pagmamaneho. Sinabihan lang ako ng instructor kung saan pupunta at kung saan iikot.

Hindi ako pwede maglabas ng cellphone habang nagmamaneho. Bawas points yun. Ginalingan ko na lang sa pagda-drive.

Sa galing ko magmaneho, tinulugan ako ng instructor. Chance ko na to. Nilabas ko ang cellphone.

Wala pa rin text.

Drive pa ko, dalawa, tatlong stop light.

Wala talagang reply.

Natapos ang aking driving lesson pero hindi pa rin pumasok ang text message. Wala na kong pag-asa.

“Sige po. Alis na po ako, til next time po,” sabi ko sa mga tao sa A1. Sumakay na ako ng jeep pauwi.

Hindi pa nakakaandar ng malayo, tumunog na ang cellphone ko.

Exciting. Sana pumayag siya.

“Sorry, I was asked by Kiko already kanina. I said yes.”

Patay na.. Pano na to? Wala akong date..

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Happy Birthday to you

Papasok ako sa trabaho kanina. Kahit na Holiday ngayon, pinili ko pa rin pumasok dahil walang Rework Agent sa floor. May training kasi yung isa naming kasama at mababakante ang floor ng limang oras. Hindi maaari yun.

Yung pangatlong salin ng Jeep ko. Napasakay ako sa Jeep na minamaneho ng isang lalake na  walang maisip na maipagawa sa mga chikiting niya (dahil nga holiday at walang pasok). Nagtitipid siguro sila o talagang gawain lang nila yun, isang pamilya sila sa harap ng sasakyan. Si tatay na driver, si nanay na konduktor, at dalawang bata; isang lalake at isang babae. Mas nakatatanda yung lalake pero magkasing-level lang ang kulit nila.

Nagbayad na ako ng pamasahe, hindi ko ugali ang mga wantutri.

Naririnig ko na medyo paos ang boses nung babae. Lumalabas na tunog lalaki din ang boses niya. Kaya para malaman ko kung sino ang nagsasalita, tinitignan ko sila. Uhugin sila pareho. Bilang pansalo ng kanilang uhog, yung good morning towel na naka-issue sa tatay nila mula sa PISTON.

Naisipan ng batang lalaki na iangat sa dalawang kamay niya ang twalyita. Ginawa niya ito na parang tray na may laman na kung ano. Kakaiba ang imagination ng mga bata kaya tinalasan ko ang pandinig ko para maintindihan kung ano ang nilalaro nila.

Kumakanta pala ng happy birthday to you ang batang lalaki. Pinapalitan niya ang pangalan ng tao ang “to you” at nang matapos ang kanta, biniblow niya ang tuwalya na parang cake.

Sunod naman ang kapatid niyang babae sa pagkanta. Sa totoo lang, pareho silang wala sa tono.

“Happy Birthday Dabit. Happy Birthday Dabit. Happy Birthday Happy Birthday Happy Birthday Dabit.”

Nang matapos ang kantang ito, inulit nanaman nila, this time para sa isa pang kaibigan.

“Happy Birthday Dyuli. Happy Birthday Dyuli. Happy Birthday Happy Birthday Happy Birthday Dyuli.”

Hindi pa sila natapos.

“Happy Birthday Papa. Happy Birthday Papa. Happy Birthday Happy Birthday Happy Birthday Papa.”

Sapilitan nilang pinablow ng twalyita ang tatay nilang driver.

“Happy Birthday Mama. Happy Birthday Mama. Happy Birthday Happy Birthday Happy Birthday Mama.”

Tawa ng tawa ang nanay nila dahil alam nitong sa dami ng kakilala ng magkapatid, hindi matatapos ang kanta.

Bumaba na lang ako ng jeep, kumakanta pa rin ang mga bata ng Happy Birthday, hindi ko narinig gaano ang pangalan pero tunog “Bantay”

Kahit hindi birthday ng tao o hayop, kinantahan nila. Ahaha

— Happy Birthday nga pala sa lahat ng may Birthday ngayong month ng August. Lalung lalo na ang may birthday ngayon na si TL Kristhel at ang aking pinsan na si Riapot.