Hanggang ngayon hindi ako maka get over sa pelikula. Ang husay ng cinematics at ng OST.
Sucker Punch; tungkol ito sa babaeng pag sumayaw ay nakakapasok sa isang kakaibang dimension kung saan siya ay nakikipaglaban sa mga iba’t ibang klaseng elemento. Yung mga nakakanood sa kanyang pagsasayaw ay namamangha. Parang nadadala niya sa ibang dimension ang lahat ng kanyang audience.
Yun ang pagkakaintindi ko sa movie, pero baka mali ako.
From the makers of Watchmen and 300.
I give this movie 10 stars out of 10.
What I Like
- Seksi kasi ang mga artista. At kahit anong tumbling at barilan ang gawin nila, hindi nabubura ang kanilang makeup.
- Super ganda ng OST. Sakto ang mga kanta sa fight scenes.
- Astig ang fight scenes. Kahit na 2d lang ang palabas, parang 3d na rin sa ganda ng cinematics.
The experience
Hindi lahat kayang pumasok sa “Zone”. Sa katunayan, athletes lang gaya ni Kobe at ni Lebron ang alam ko na nakagagawa ng ganito. Kaya rin pala ito gawin ni Randy Orton.
Yun bang habang nagpi-perform sila o naglalaro, parang makikita mo sa mga mata nila na nasa ibang dimension sila. Parang hindi na kayo magka-level. In The Zone!
Kaya nga pag ako, bigla na lang natigilan sa pagsasalita, o hindi na ako nakikipag-usap sa mga kasama ko; wag kayo matakot. Nakikipaglaban lang ako sa ibang dimension. Para sa freedom.
Best Line in the Movie
- If you don’t stand for something, you will fall for anything.
Eto trailer, para matuwa naman kayo: