Tag Archives: quezon province

Memory Miyerkules Anong Pangalan ng Sasakyan na to?

Gosnells Summer outing ng Awesome Clan sa Quezon. Ang pinakanaaalala ko lang, sumasakay kami dun sa sasakyan na tumatakbo sa riles. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ang tawag sa sasakyan na yun. Basta sure ako na hindi mo kailangan i-register yun sa LTO.

Iisa langang riles ng tren. Kapag may nakasalubong kayo, kailangan bumaba ng mas onti para magbigay daan sa nakararami. Syempre, parating hindi kami gumagalaw. Pano ba naman, pag sumakay kami, halos buong angkan. Mamamalengke, mamamasyal, yun ang gagamitin namin na transpo.

Minsan pa nga may nakasalubong kami na magkasintahan. Syempre moment of love nila yun; kandungan, super sweet sila habang umaandar yung sasakyan nila. Sa gitna pa talaga ng sasakyan na kahoy nakaupo yung lalaki habang katabi niya ang kanyang girlfriend. Ang kaso, nun makasalubong kami, kahit na nakakahiya na istorbohin sila, wala silang nagawa. Kailangan nila bumaba para igilid yung sasakyan nila.

Dalawang tao ang kailangan magbuhat nun sasakyan para mai-alis sa riles. Automatic yun, yung dalawang driver ang kikilos. Mukha namang magaan yung sasakyan dahil gawa lang ito sa kahoy at may isang makina na de motor.

Ganito ang itsura nun sasakyan. Kung alam ninyo kung ano ang tawag, paki-comment sa baba:

Anong sasakyan to?

Anong sasakyan to?

 

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.