Tag Archives: ragnarok

Where Is My Tropa! Need Ko Sila, Now Na!

Nakakatuwa na makita ulit yung mga tropa mo dati, at i-enjoy yung mga dati ninyong ginagawa. Feeling mo, bata ka ulit at walang responsibilidad.

  • Yung tropa mo na laging nanlilibre sayo, gusto mo magpalibre sa kanya ulit.
  • Yung tropa mo na bully, pag may kaaway kayo na Grade Six, siya ang naka-pronta dahil siya ang matangkad.
  • Yung tropa mo na matalino, kaso weirdo.
  • Yung tropa mo na chicks. Magaling sumayaw.
  • Yung tropa mo na pwede ninyo i-bully, kasi, medyo mahina ang utak.
  • Yung tropa mo na nangongopya sayo ng assignment, na kinopya niya pati pangalan mo sa test paper. Dalawa grade mo ngayon, habang siya… WALA!

Namimiss ko sila. Gusto ko sila kontakin. Tutal, nag-launch na ulit ang Ragnarok sa Philippine servers.

Tama! This is what Ragnarok Philippines would bring to us again.

Brought to us by ELITE, Exteme Electornics, and Gravity Co. dinagsa ang SM North Annex cyberzone ng mga guild masters na hindi na mukhang high school, mga cosplayers na alam mong sumusweldo na, mga artists na nagpahiram ng talento, at mga  kilalang personalities sa mundo ng eSports.

At syempre, andun din ako para makigulo.

Hindi na ako magku-kwento ng marami. Drop ko lang yung mga pictures dito. Magi-install pa ako ng ragna.

Kung recruiting kayo ng PRIEST, ready si Promking. Kita-kits sa Prontera.

 

Riku, best caster in town

Riku, best caster in town

Gl;oco and Eens

Gl;oco and Eens

The other Beast, WOLF!

The other Beast, WOLF!

Kuya mo Azurai

Kuya mo Azurai

The hosts for the event

The hosts for the event

with Julia Macaranas.

with Julia Macaranas.

I am sure, nene pa siya nung unang beses siya nag Ragna

I am sure, nene pa siya nung unang beses siya nag Ragna

Akala mo talaga, may powers yung sungay niya o

Akala mo talaga, may powers yung sungay niya o

Alam ni kuya na yung headdress ang kinukunan at hindi siya. Hindi na siya nag effort tumingin.

Alam ni kuya na yung headdress ang kinukunan at hindi siya. Hindi na siya nag effort tumingin.

Fan Art Gallery

Fan Art Gallery

Voting your best Fan Art.

Voting your best Fan Art.

 

Naka backpack pa yung pari. Amen.

Naka backpack pa yung pari. Amen.

Fans take pictures with cosplayers. Promise, hindi daw magkakilala yung Priest at yung Warrior

Fans take pictures with cosplayers. Promise, hindi daw magkakilala yung Priest at yung Warrior

with Chris Ruiz, President of Xelzeta

with Chris Ruiz, President of Xelzeta

Gloco is roaming around the venue

Gloco is roaming around the venue

RAGNAROK VALKYRIE Available In Iphone

*optimized in iPhone 5.

Nung una, hindi ako naniniwala. Akala ko, parang offline game lang ang nilalaro ni @pentells nung minsan akong naalimpungatan at nakita siyang hawak ang kanyang iPhone 5.

Nasa bayan siya nun ng Prontera. Katatapos lang ng kanyang tutorial sa laro at wala pa siyang mga gamit. Puro mga NPC ang mga kinakausap niya habang may mga naglalakad sa paligid niya. Sabi ko sa sarili ko, bot lang yung mga yun.

Tinuloy ko na lang ang tulog ko.

Ragnarok Valkyrie on iPhone and Android

Ragnarok Valkyrie on iPhone and Android

After about 5 hours, nagising na lang ako at nakatitig si pentells sa akin. Hindi ko alam ang iniisip niya. Ang susunod na lang na narinig kong sinabi niya ng pabulong, “First Job na Ako”.

Aba aba aba. Nakakatatlong kumpanya ka na na pinapasukan, ngayon mo lang mari-realize ang mga job na yan. ADIK!

Yun pala, Ragnarok Valkyrie ang nilalaro niya. At totoo ngang ang mga naglalaro gamit ang PC, nakaka-interact niya rin sa iPhone. Hindi ko alam kung ano ang magiging itsura ng siege at boss hunts kapag sa iPhone 5 ka naglaro. Siguro masaya yun!

Kaya ayan, kahit nasa Star City si Pentells ngayon, sigurado ako na maglalaro siya ng Ragnarok Valkyrie pag na-bore siya. Dala pa naman niya yung Power Bank na binili ko kay hipag.

Goodluck sa mga magda-download ng app. Sana makapaglaro kayo ng maayos. Mukha naman siyang maganda sa iPhone 5. Hindi ko lang alam kung ano ang itsura sa Android at iba pang IOS.

Parang gusto ko na rin tuloy ng iPhone 5.