Kaya sinakto din namin ang pagpunta sa Cebu ng August 10-12 ay dahil sa Tanduay First Five. Anim kasi na artists ang kasama sa lineup this year. Actually lima lang pero parating kasali si Gloc-9 kaya nagmumukhang anim.
Yung bagong lugar sa Cebu, yung tinatawag nilang South Road Properties or SRP, dun ginanap ang event. relatively malayo siya mula sa City. Aabutin ng 100 pesos ang pamasahe sa Taxi kung galing ka sa Mactan Shrine. Madalang daw ang mga pumapasada na jeep papunta doon. Buti at naisipan nilang maglagay ng maraming bus papunta at paalis sa venue althroughout the event.

Tanduay First Five Tickets
Like ka muna sa page nila bago tayo magpatuloy: https://www.facebook.com/SouthRoadProperties
Para makakuha ng tickets, nagpunta muna kami sa Chi Hing Grocery sa may Colon St para bumili ng dalawang Tanduay Light na long neck. Dun lang kasi kami makakakuha ng libreng tickets. Pinamigay na namin yung mga alak sa mga manong na nakasalamuha namin.

Chi Hing Grocery
Backpackers ang style namin. Hobby din namin ang magtanong kaya natunton naman namin ang lugar kaagad.
Medyo antukin, hindi kami nakarating sa oras. Hindi namin naabutang tumugtog ang Spongecola at Wolfgang. Happy naman kami at tumutugtog na si Gloc9 pagdating namin.
Pinakanagustuhan ko yung performance ni Rico Blanco. May mga back up siya na nakapang-Sinulog, angkop na angkop sa Cebu. Fiesta pa yung atmosphere.
May mga nakainuman din kami sa labas ng venue. Konting shot lang naman. Hindi namin nakuha ang mga pangalan nila, sorry. Kung sino man kayo, paki-add na lang kami sa FB or follow ninyo kami sa Twitter (@pentells and @pepideleon)
Yung performance ng Kamikazee, talagang malupit. At pinakanagustuhan ko naman na presence ay yung kay Chito Miranda Jr. Hindi pa naaalis sa isip ng tao yung scandal nila ni Neri pero walang nag boycott sa event. Yung suportya ng mga parokyano, nandun pa rin. SOLID.
Nakakaiyak pa rin kapag kinakanta nila ang mga songs ni Francis M. Nag Bagsakan nang wala si Kiko, kumanta si Gloc 9 ng Kaleidoscope World. Astig talaga.
Next year siguro, sasabayan ulit namin ang mga Pinoy artists sa pagbisita sa iba pang lupalop ng Pilipinas.