Tag Archives: rap

Counter Blog: OPM isn’t dead you idiot.

Basahin ang original post dito: CLICK HERE.

Tama, OPM is not dead, at tama rin na matuturing na BOBO o INUTIL ang nagsasabi na dead na nga ang OPM.

Unang-una, hindi lang Pop at Rock ang music genre na meron ang Pinas. Meron din tayong Hiphop na pinamunuan ng ating Master Rapper na si Francis M, may he rest in peace.

2 years ago nang mabuo ang FlipTop Battle League. Matapos ang ilang buwan, nag-decide ako na pakinggan na rin ang musika ng mga Battle Emcees dahil na bore ako sa kakaulit-ulit ng mga battles nila Dello, Batas, Loonie, Abra, Zaito, at Target. Para na rin malaman ko kung anong kanta ang ginagamit nila sa intro nila.

Nagulat na lang din ako dahil andami palang mga kanta na ginawa ng mga taong ito bago pa man umusbong ang FlipTop. May mga YouTube Channels sila at may mga soundcloud accounts kung saan pwede mo mapakinggan ang kanilang mga obra. Hindi naging mahirap sa akin ang paghahanap ng mga kanta nila.

At na-enjoy ko naman talaga dahil nakaka-appreciate naman din talaga ako ng hiphop.

Bilang patunay, eto ang ilan sa mga accounts nila na pwede mong pakinggan ng kanilang mga kanta:

http://skwaterhawz.blogspot.com/
http://www.flipmusicproductions.com/

Sample lang yan dahil yan lang ang mga alam kong Web site from the top of my head. Yung mga artists ngayon, bakit kaya hindi nila subukan na gawin ang ginagawa ng mga ito.

Gawa lang tayo ng kanta at upload lang. Mapapansin din tayo. Kung nasa puso mo talaga ang musika, bakit hindi?!

At wag kang umasa na sa isang kanta lang e sisikat ka na!

 

Definition: Anygmatism

A person’s state of running FlipTop battles on his head.

Kung baguhan ka sa rap game at wala kang alam tungkol sa pagkamatay ni Francis M, dapat mong kilalanin ang mga malulupit na hiphop sa panahon ngayon. Kailangan makilala mo ang mga pangalan nila at kung saang grupo sila nagmula.

Yan ang pinagkaka-abalahan ko ngayon, ang makinig ng Filipino Rap Battles sa Youtube.

 

FlipTop

Malulupet kasi talaga sila. Kung akala mo ay ginagamit lang ang Balagtasan sa panliligaw at pagpapatawa, nagkakamali ka. Gaya ng ginagawa sa 8-mile ni Eminem, ginagamit na rin ang pakikipag-talastasan sa mga duelo.

Ang pinakamalupet na kinikilala ko ngayon ay si BLKD (Balakid). Alam ko UP student siya. Aktibista kung maituturing pero malulupit ang kanyang mga simile at hyperbole patungkol sa gobyerno, simbahan at sa buhay ni Juan De La Cruz.

So far, eto ang pinaka-idol na laban na nakita ko. Panuorin ninyo sa link na ito.

 

BLKD
BLKD

Pag kayo, may di pagkakaintindihan ng kaibigan mo, sure ako masi-settle ninyo yan sa isang fliptop battle. Hanapin na lang ninyo si Anygma para mag “referee”.