Tag Archives: register

Pilipino ba ang tawag sayo?

Tapos na po ang registration for May 2010 elections. Natapos po ito nung halloween day, Oct.31.

Para sa mga nag-register, sama-sama po tayong boboto sa Mayo. Piliin po natin ang mga tamang kandidato. Para sa atin din ito. Paki-check po ang registration precint ninyo dito.

Para sa mga registered at walang planong bumoto. Please, kahit magpakita lang kayo dun, magpatala na kayo ay interesado sa halalan at kahit abstain na kayo sa lahat ng posisyon, ok lang. Holiday naman yun for sure kaya wala kayong excuse.

Para sa mga registered, may planong bumoto, pero hindi makakauwi ng Pilipinas (o ng kanyang place of registration) sa araw ng halalan, hayaan ninyo, sa susunod, maiaayos din natin ang absentee voting. Wag kayo mag-alala.

Para sa mga gustong magregister, pero hindi nakaregister, binigyan po kayo ng 365 days, kasalanan niyo na po yung kung hindi kayo nakapag register. Wag po ninyo sisihin sa Comelec. Continue reading